Chapter 32

2.4K 29 4
                                    

Jarren's P.O.V.

I can't help it. I want her kissable lips to press my lips. Gusto kong malaman niya na kahit hindi ako lasing ay kaya ko siyang halikan. Hindi manlang siya pumiglas oh ano. Nagtagal kami ng mga 5 seconds at dun lang naman kami sa pwesto na walang masyadong tao. Nagulat ako ng biglang may mga nagreact sa likod namin..

"Oh my gosh Suzzane!" sigaw nung isang kaibigan niya.

"Wow hanep! Dito pa talaga!" sigaw naman ni Gerald =___=

"Aiieee" sabi naman ni Ralph.

Ngumiti nalang ako at tinignan si Suzzane. Galit din yung itsura niya.

"Nabitin ka ba? Gusto mo isa pa---" bigla siyang umalis at naglakad papalayo samin.

Kumain kami ng kumain muna sa convenience store at ng padilim na ng padilim ay pinili na naming umuwi. Psh may pagkamalandi at pagkajejemon din pala tong mga kaibigan ni Suzzane,pero may itsura din sila.

Iniisip ko pa rin kung ano na nangyare kay Suzzane. Psh. Bakit ba kasi hindi ko mapigilan?! Pwede ko namang sabihin sa kanya. :3 >__<

Nang pauwi na ko may tumawag sakin..

"Hello?"

Oi Jarren,si Madge to. Pumunta ka sa bahay ko ngayon na bilis!

Binaba niya agad ni Madge yung phone. Psh bakit naman ako pupunta sa kanila? Sumakay na ko sa kotse ko at pumunta na kay Madge....

********************

"Bakit ba kasi ginawa mo yun?' Hinalikan mo na nga siya ng lasing tapos uulitin mo pa! Alam mo ba na pumunta siya dito na galit na galit sayo?" galit din ang itsura ni Madge. Nandito kami sa kwarto niya at ako naman ay nakaupo lang sa kama niya. Siya naman nakatayo at palakd-lakad habang sinasabi ito.

"Umamin ka nga sakin Jarren. Mahal mo ba si Suzzane?!" tanong niya. Napalunok ako ng laway at lumakas ang tibok ng puso ko. Aaminin ko na ba sa kaibigan ng mahal ko?

"Uhm kasi"

"OO o HINDI?" tanong ni Madge.

"Hindi,bakit naman ako magkakagusto dun sa jejemon na yun?"

"TITIGAN MO KO SA AKING MGA MATAAAAAA." syempre sinunod ko naman ang sinabi niya,pero wala pang 5 seconds. Umiwas na ko ng tingin.

"Shit! Oo na! Oo na!"

"TALAGA?" sabi niya ng nakangiti..

"OO nga sabi eh!" nagulat ako ng biglang nagtatalon si Madge at nagsisigaw sa tuwa.

"WAAAAHHH! Ang saya! Natupad na ang fandom na Jarrane! Oh my g---"

"Oy Madge wag ka ngang maingay!" sigaw ng nanay niya sa baba.

"Aya nang ingay mo kasi." sabi ko.

Bigla siyang dumapa sa kama at nakatingin sakin na nakangiti.

"Kailan pa at bakit? Oh my gosh. Kinikilig ako! <3" sabay higa pa.

"Okay ikwekwento ko. Nung una palang nagandahan na ko sa kanya. Yung tipong love at first sight ba? Tapos nainis ako sa kanya dahil... ANG JEJEMON NIYA! Pero kahit ganun... Natutuwa ako sa kanya,nakakatuwa siyang pagtrip-an at lokohin. Nakakatuwa siyang kasama at .. napakabait niya."

Ngumiti naman si Madge at pinagpatuloy ko parin ang pagkwekwento ko...

"Sabi ko sa sarili ko ayoko ng umibig ulit. Ayoko na yung lagi akong nasasaktan. Ang tingin kasi ng iba sakin ako yung nananakit, ako yung may kasalanan at ako yung nanloloko. Kaya yun yung dahilan kung bakit ganito ako. Kung bakit napakasama ko. psh hehe.."

"Kaya sa sobrang takot kong mainlove,pati pagsasabi ng nararamdaman ko hindi ko masabi."

Tinapik nalang ako ni Madge ng mahina sa likod.

"Edi sabihin mo na sa kanya? Matatanggap naman niya yun. Pero di ko lang alam kung... mamahalin ka rin niya?" bigla akong nalungkot sa tanong ni Madge.

Tumayo ulit si Madge at sumaya ulit yung tono ng boses niya.

"Pero infairness ah,bagay pala sayo maging seryoso? Hahaha. At may pagkamabait ka rin naman pala." ngumiti nalang ako

"By the way,gusto mo dito ka nalang magdinner?" tanong ni Madge.

"No it's okay. Thank you. Aalis na rin ako. Bye" pero bago ako makaalis nagsalita ulit si Madge.

"Gusto mo ilakad kita kay Suzzane?"

"No thanks. I will do it on my own"

Bigla na namang nagtatalon si Madge sa kilig at ako naman ay tumingin nalang sa kanya ng "Hala Look" ..

*******************
Suzzane's P.O.V.

WAAAHH! Ano ba itong nararamdaman ko? Nalilito na ako! At hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Yung tipong piniga na ang utak at intestines ko sa sobrang lito. Kung sabihin ko na kaya kay Jarren na alam ko na yung nararamdaman niya sakin?

Lumabas muna ako ng bahay at naglakad lakad. Bumili rin naman ako ng icecream dahil sabi nila pag malungkot ka daw kumain ka lang daw neto. Ewan ko kung totoo yun.

Habang kumakain ako ng ice cream sa isang table may nakishare sakin...

"Hello. Pwedeng makishare?" tanong niya, bata pa siya mga 13 years old at lalaki. Cute din siya kahit papano. At ang ayos ng porma niya ah.

"Sige." at umupo naman siya sa tapat ko. Kumakain din siya ng ice cream at tumingin siya sakin.

"Hmmm broken hearted?" tanong niya.

"Hehe hindi ah." sabi ko naman. Eh hindi naman talaga ako broken hearted. Nalilito lang ako sa mga nararamdaman ko. Dahil hindi ko alam kung bakit napakabilis ng mga pangyayari. Yung tipong hindi mo naman inaasahan na magkakagusto sayo yung tao tapos gusto ka pala. Shit.

"Eh ano po?" aba chismoso tong batang toh ah. Pasalamat siya cute siya.

"Wala basta." at nag "Ahh" nalang siya. Buti naman at natahimik na siya.

"Buti ka pa hindi brokenhearted.. ako kasi broken hearted eh." sabi niya at nakatingin lang siya sa labas ng icecream store. Glass lang kasi yung parang bintana nila. Napangiti naman ako sa sinabi nung bata dahil ang bata palang niya tapos broken hearted pa.

"Haha,bakit naman?" tanong ko.

"Eh kasi umasa ako sa wala. Akala ko crush ako ng crush ko. Paano kasi gawa ako ng gawa ng story sa Microsoft Word tapos hindi naman tinanggap ng PSICOM. =___=.. Pero hindi lang yun nung nangyare,nagpakatorpe din kasi ako eh. Kaya ayun... Lesson Learned,wag umasa ng umasa kagaya ng story ko na hindi naman tinanggap ng PSICOM. At wag din magpakatorpe. Sabi nga ni Taylor Swift,be Fearless.. and Speak now." nainspire naman ako sa sinabi niya. Pero muntik na kong matawa dahil... Dahil lang sa crush ganyan siya. Hay mga bata talaga.

"Hehe thank you sa quote. And okay lang yan madami pa namang iba diyan. Ako nga pala si Suzzane." sinabi ko at inabot ko yung kamay ko sa kanya para magshake hands.

"Ako si Klyde" sabi niya at nakipagshake hands na ko sa kanya. Dahil ubos na yung ice cream ko. Nag paalam na ko sa kanya at umalis na.

Be Fearless... Hmm kailan kaya magiging Fearless si Jarren? Kailan din siya mag spe-speak now? Teka bakit ko ba hinihintay? Bakit ko ba gustong marinig na nanggaling sa kanya? Nalilito na talaga ako!

Aaminin ko,may naramdaman ako kay Jarren at tinago ko yun dahil sa pagsusungit at pambabastos niya sakin dahil sa ugali niya. Kaya nagmahal nalang ako ng iba. Pero nagulat nalang ako ng may nararamdaman narin sakin si Jarren >_____<









HINDI KO ALAM KUNG GUSTO KO RIN SI JARREN! >____<

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon