Chapter 11

3.2K 38 3
                                    

Author's Note 
Si David Tan po yung nasa picture! ^^ 


Jarren's P.O.V. 

Hahaha! Nabalitaan ko na nareport pala si Malditang Felicia at si Jeje Girl na si Suzzane,pareho ko pa naman silang hate. Sana pala habang nagsasabunutan sila,nasagasaan nalang sila ng malaking truck BWAHAHAHAHA! 

Iniisip ko ito habang pumupunta sa school. Pinakita ko ang I.D. ko sa guard namin at sinabing...

"Sa susunod kailangan may paraan ka na ha! Kasi ang hirap nung hindi mo iniiscan yung I.D. mo! Lista kami ng lista kung present ka or absent tapos ipapakita pa namin sa mga teachers mo eh hindi nga namin alam kung sino-sino teachers mo eh." nag "Sige" nalang ako at pumasok. Ang sungit netong guard na toh ah. 

Pagkapasok ko nakita ko si Madge papalapit sakin,hmm ano na naman balak neto? 

"Mr. Collins,may nagawa na akong paraan para maka-scan ka na ng I.D. mo. Sasabay ka sa isa nating kaklase." sino naman kaklase? At paano ako sasabay eh isang estudyante lang ang kasya dun sa pinagiiscan.

"Sino?" 

"Si Ms. Bautista." 

WHAT THE HELL?! Gusto kong uminom ng 1.5 na kapeng mainit para magising. Nananaginip ba ko? Hayy Madge!! 

"HA?! Ayo--" 

"Wag na maraming arte! Nalista ko na sa Rule Book ko. At ako lang ang may pag-asang magbura nun,natandaan mo naman siguro ang sinabi ni Mam?" Grr! Hayy! Nakakainis naman toh! Ang daming book! May Rule Book tapos may Report Book ! Hayy iba talaga pag President,buti nalang hindi ako President. BWAHAHA. Hayy wala na kong nagawa sa sinabi niya. Grr! Bakit si Jeje Girl pa.

"So,ganito ang mangyayari,gagamitin mo yung I.D. niya,dapat sabay din kayo pumasok para walang nalalate okay? Ayokong mababalitaan na hindi nakapasok ang isa sa inyo. Para magkasya kayo dun sa pinapasukan niyo kailangan niyo magsideview,yung tipong magkaharap kayo." sinabi ito ni Madge. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nitong bwisit na president na toh. 

"HA?!" 

"Ah nagrereklamo ka? Okay ililista kita sa report book." Ay sh*t,isa nalang pala maki-kick out na ko dito! 

"Hindi ayos lang! Pero bakit kasi kay Suzzane pa?" Hindi ko na tinawag na Jeje Girl si Suzzane dahil baka magalit tong si Madge dahil bestfriend na ata niya si Suzzane. 

"Bakit? Ayaw mo? Tandaan mo,utos ni President toh. Kapag utos ni President kanino ipapaalam?" tinanong niya ko ng parang inaasar. 

"Sa teacher po." sinabi ko.

"Kay teacher lang ba?" she sounds like teacher kapag nagtatanong siya. Hayy nangaasar nga. 

"Sa principal din po." sagot ko

"Sa teacher at principal lang ba?" WTF? Kanino pa ba? 

"Uhm,di ko po alam." sagot ko.

"Kay Mr. Bautista." napatahimik ako. At parang napalunok ng aking laway. 

"Oh ano? Natakot ka na? Wag kang aarte kay Suzzane ha! Speaking of Suzzane,nandito na siya!" napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. At si Suzzane nga! Parang umuunat ang buhok niya? 

"Hey Suzzane! May mahalaga nga pala akong sasabihin sayo." hindi nalang ako tumingin sa kanila. Pero naririnig ko ang mga sinasabi ni Madge at yun nga yung tungkol sa makikiscan ako kay Suzzane at naririnig ko rin naman ang reaksyon ni Suzzane. 

"HUH?! Ayoko Madge! Sa iba nalang siya please!" narinig ko.

"Wag ka na magreklamo,ililista kita sa Report Book sige ka!" at sumigaw rin naman ako nung narinig ko yung sinabi ni Madge. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now