Chapter 62

1.6K 29 4
                                    

Sigaw,iyak at gulong ng kama ng ospital ang naririnig. Natataranta ang lahat,isa na dun sila Madge at Coleen.

Nabangga si Suzzane ng isang kotse at sa lakas ng pagkabangga ay pati ulo niya ay nadamay.

"Mam dito nalang po kayo.." sinabi ng doctor sa mga kaibigan ni Suzzane na patuloy ang pag-iyak.

"Doc,pagalingin niyo po yung kapatid ko." sinabi ni Coleen bago umalis ang doktor.

Maraming proseso ang ginawa kay Suzzane. Sa sobrang dami at mahabang proseso,nalaman na rin ng magulang,katrabaho,at si Jarren at ang mga kaibigan niya.

Natataranta ang iba,umiiyak ang iba.. Karamihan ng nasa hospital ay nakatingin sa kanila. Hanggang sa lumipas ang isang oras at kalmado na sila,lumabas na rin yung doktor sa Emergency Room.

"Kumusta na po siya?!" natatarantang sabi ng ama ni Suzzane..

"Okay na po siya.." nakahinga ng maluwag ang lahat.

"Pero..." tumingin ang silang lahat sa doktor... Pati ang mga kaibigan ni Suzzane.

"May sakit siya at eto ay Traumatic Amnesia,nawalan siya ng memorya dahil sa lakas ng impact sa ulo niya." nabigla ang lahat. Naguluhan. Nalungkot. Lalo na si Jarren.

Cinonfine si Suzzane upang magpahinga,gumaling at bigyan ng gamot.

Noreen's P.O.V.

"Sa tingin mo *sniff* maalala pa tayo ni Suzzane? *sniff*" pagtatanong ko kay Khyla at Faye.

"*sniff* Amnesia nga eh! ano ba! *sniff" napasigaw si Khyla at yung ibang tao napatingin samin.

Nandito kasi kami sa isang convinience store para bumili ng mga makakain,magagamit,at iba pa para sa ospital kagaya ng kape at iba pa.

Geez,hanggang ngayon hindi namin mapigilan na tumulo yung luha namin. Paano yan? Hindi na niya kami maaalala? Paano na yan? HAYYY .

Madami rin kaming binili dahil baka 1 week daw nandun si Suzzane sa ospital. Pumunta na kami sa counter..

"Eto lang po mam? Baka gusto niyo magpa-avail din po ng tissue?" nagkatinginan kaming tatlong magkakaibigan na namamaga ang mga mata at tinignan si ateng cashier. Medyo natakot siya.

"Ate,kailangan namin ng memorya para sa kaibigan ko... Kung wala kayo nun yan nalang." sinabi ko. Hayyy hindi parin talaga ko makapaniwala. Kung kailan naman aamin na siya,dun pa siya na-aksidente. Kung kailan napanood na ni Jarren ang video message ni Suzzane tsaka nagkaganito.

Pagkarating namin dun nandun si Ate Linda,Ang tatay at nanay ni Suzzane at si Jarren. Sinabi ng magulang niya na sa bahay daw muna sila para bantayan yung bahay tapos bukas naman daw si Ate Linda naman daw ang magbabantay.

Dumating na ang kagabihan pero hindi pa rin nagigising si Suzzane. Lumabas si Ate Linda at Faye para bumili ng mineral water. Si Khyla,natutulog na. Si Jarren ganun din,bakas sa mukha niyang malungkot siya.

Malaki naman ang kwarto at may isang kama at may isang malaking sofa.

Lumapit ako kay Suzzane at umupo muna ko malapit sa kanya.

"Hi Suzzane... ang baliw lang diba? Nakikipagusap sa taong tulog naman. Alam ko naman na hindi mo ko maaalala,pero sana kahit konti ay kilala mo ko. *punas ng luha* grabe.. Sayang yun Suzz! Aamin ka na eh! Natapos na yung video message eh. Sayang." Pinunasan ko pa ang mga luha ko at tinignan ang paligid.

"Sana pag-gising mo,gumaling ka agad. Sana hindi magbago ugali mo. Sana ganun ka parin pero hindi mo nga lang kami kakilala. I love you bes,mahal na mahal ka namin ng mama at papa mo.. kami ring mga kaibigan mo at ang kapatid mo." naalala ko si Coleen,hindi dito natulog dahil hindi sanay matulog sa sariling bahay.

"Thank you ah. Makikilala mo rin ako promise.. Kaming lahat makikilala mo. Mahal na mahal ka namin... Lalo na siya." tumingin ako kay Jarren na malungkot ang mukha habang natutulog..

"Si Jarren." pagkatapos kong sabihin to,kiniss ko siya sa noo. At bumukas na ang pinto. Nakita ko si Faye at Ate Linda mukhang inaantok na si Ate Linda at kami naman ang nagbantay ni Faye kay Suzzane..

Nang makatulog si Ate Linda... nakatingin lang kami kay Suzzane at umiiyak.

************************

Tuesday na ngayon at hindi muna kami pumasok sa trabaho namin,buti nalang pumapayag ang mga boss namin. Umaga na at hindi parin gumigising si Suzzane si Faye at Khyla naman mahimbing pa rin ang tulog. Si Ate Linda naman bumili ng pagkain para kay Suzzane at samin. 

Umupo muna ko saglit dun sa upuan malapit kay Suzzane.. Ininom ko muna yung kape ko. Tinignan ko siya saglit. Grabe,gumanda ata siya ngayon? Bella ikaw ba yan? 

Parang nagmukha siyang 18 years old ulit. URGH ano ba ito. Ininom ko nalang ang kape ko at naubos na ito.. Binaba ko ang tasa at nagulat ako sa nakita ko. 

SI SUZZANE! NAKADILAT! NAKATINGIN SAKIN! 

"WAAHH! PUCHA!" nalaglag ako sa upuan ko at kinuha ang tasa. 

Nagising si Faye at Khyla. Tumingin sila sakin at tinignan nila si Suzzane... NAGSIGAWAN DIN SILA. 

"WAAAHHH!!" nagsitakbuhan kami. Nakikita ko si Suzzane! Nakatingin samin! Parang siyang nagtataka. 

"Ahh.." umupo si Suzzane sa kama niya at hinawakan ang ulo niya. 

"Teka ano ba nangyare?" tinanong niya samin. 

"Nasan ako? Sino kayo?" natahimik kami ng tinanong niya ito. 

"Ahh hehe. Ako si Noreen.." pagpapakilala ko. 

"Siya naman si Faye at siya si Khyla." tinuro ko sila at mukhang nagtataka si Suzzane. 

"Kami yung mga kaibigan mo. Kaibigan mo simula highschool." tumingin siya sakin pagkasabi ko nun. Ewan ko ba kung iiyak na ko dahil hindi na niya kami kilala. (˘_˘٥)

"H-hindi ko kayo matandaan.." inalis niya yung kamay ko sa kamay niya. 

"Kasi may aksidenteng nangyare. Nabunggo ka kasi sa kotse at yun sa lakas ng impact,pati ulo mo nadamay. Yung utak mo medyo naalog. Ayun wala kang matandaan." pagpapaliwanag ni Khyla. 

"By the way.. Ang name mo ay Suzzane.. Suzzane Bautista." sinabi ni Faye. Lahat kami nakangiti sa kanya. (✌◠▽◠) ☜(ˆ˘ˆ) 

Nung dumating na si Ate Linda nagulat din siya dahil gising na si Suzzane.. Nagpakita kami ng mga pictures ng mga kakilala niya noon. Including her family. Habang tinuturuan namin siya,mabilis naman niyang natatandaan.. Pero nung pinakita na namin ang picture ni Jarren. 

"H-hindi ko siya kilala." lahat kami nagtinginan at nashock. Buti nalang at tulog pa si Jarren kung hindi.. Ayt! 

"Malamang. Ayun siya oh. Mamaya paggising niyan makikilala mo. At tsaka hindi mo talaga kilala yan kasi nga may amnesia ka." sinabi ko. Whew.. Grabe.. Buti nalang at nakakalusot kami sa mga sinasabi ni Suzzane. 

"No.. No.. Hindi ko siya boyfriend .. Hindi ako magkakagusto sa kanya." nagulat kaming lahat! WHAT THE HELL?!?!!?! OH MY GOSH! (⊙⊙)(☉_☉)(⊙⊙) 

Lumabas kami ni Faye sandali at nagusap. 

"Faye bakit ganun? Utak lang naman nadamage sa kanya! Hindi puso diba?" natatarantang sabi ko. AHH! Naaawa ako kay Jarren,paano kapag nalaman niya to? Wala na! ANO BA! 

"Shh! Kasi nga may amnesia. Hintayin natin.. madedevelop din yan.." sinabi niya.. 

GRABE PAANO NA ANG JARREN AND SUZZANE FANDOM KO?! GUMAWA PA NAMAN AKO NG PAGE NUN AT 2K NA ANG LIKES OMG PANO NA? (︶︿︶) 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now