Chapter 23

2.6K 26 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay nila Madge,gumagawa kami ng project for A.P. Sinama ko na rin si David kasi boring daw sa bahay nila.

Habang naggugupit ako,tumulong na rin si David.

"Oh eto gupitin mo ito." Sabi ni Madge sakin,ano bayan.

"Opo."

Gupit here,gupit there. Maya-maya bumaba sila Madge at iba naming kamembers dahil magdedeliver daw silang foods,kami nalang ni David ang natitira.

Walang nagsasalita samin,tahimik sa kwarto at aircon,scissors at hinga lang namin yung naririnig. Sasabihin ko na ba kung sino yung nag-utos na bumugbog kay David? Kinakabahan ako!!!!

"Uhm,David.." Hindi ko na napapantay yung mga gupit ko sa mga papel.

"Bakit?" ish! Di ko alam kung kikiligin ako kasi yung pagkasabi niya nung 'bakit' napaka-hot pakinggan! Lalaking-lalaki! Hayyy ang landi ko na naman.

"Kilala mo na ba kung sino yung bumugbog sayo?" Tanong ko.

"Oh. Hindi pa eh. Bahala na si God kung ano gagawin niya." Pinapagpatuloy lang niya yung ginagawa niyang pagdidikit nung papers na ginugupit ko.

"Uhm,kasi .. Sa tingin ko si Felicia yung nag-utos." Napatigil si David sa pagdidikit at tumingin sakin.

"Felicia? Paano mo naman nasabi na siya?" kinwento ko sa kanya ang lahat.

Di ko alam kung naniniwala siya sa mga sinasabi ko,pero alam kong papaniwalaan niya ko. Pagkatapos kong ikwento tumawa lang siya at ako naman ay parang nag Hala ako ng tingin sa kanya.

"Hahaha ang galing mo gumawa ng storya ah! iWattpad mo yan babe." Nagdikit ulit siya. Grrr! Nakakainis talaga yung Felicia na yun! Ang sarap sabunutan! Hayy paano na yan? 

"So hindi mo ko pinapaniwalaan?" tanong ko. Yung tono pa nung pagtatanong ko parang gusto ko siyang bugbugin.

"Syempre pinapaniwalaan naman ng 45% pero kasi matagal ko ng kaibigan si Felicia at parang naging mag-bestfriend na nga kami eh!" what the?! So mas pinapaniwalaan pa niya si Felicia?! 

"At sabi rin niya sakin,medyo galit ka daw sa kanya kasi daw yung nag sabunutan daw kayo sa daan nun. Yung araw na hinatid kita remember?" tumango ako at kung alam lang niya. Hindi ako MEDYO galit kay Felicia... Galit na galit ako! 

Bumalik na agad sila Madge at pinagpatuloy na yung mga ginagawa namin. Hindi naman kami nagtagal sa project namin dahil nagtulungan na kami. Hinintay nalang namin yung dineliver nila. Hindi rin naman nagtagal ay nandito na yung mga pagkain,peach mango pie at coke float lang ang kinakain at iniinom ko. Grabe noh? Hampaslupa ako eh. 

Pagkatapos nilang kumain nagpaalam na sila at umalis nagpaiwan ako dahil sinabi ko kay Madge na may sasabihin ako sa kanya. 

"Oh Suzzane,hindi ka pa uuwi?" tanong ni David. Hayy nakakadismaya talaga siya. Hindi niya ko pinaniwalaan. 

"Hindi pa." sabi ko ng matamlay. 

"May sakit ka ba?" tanong niya ulit 

"Wala,umalis ka na." sabi ko at umalis na nga siya. 

"Ah sige." sabay kiniss niya ko sa pisngi pero waepek pa rin sakin dahil nadidismaya talaga ako.

Kami nalang naiwan ni Madge,bigla nalang akong sumigaw at nagulat si Madge.. 

"WAAAAAAAHHH!!" 

"Oh bakit ba?!" tanong niya. 

"Kilala ko na kasi kung sino yung bumugbog kay David! At si Felicia yun!" nanlaki ang mata ni Madge at ako naman ay nagbwibwisit ng parang bata sa kama nila. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now