Chapter 13

2.8K 38 1
                                    

Madge's P.O.V. 

*eng eng eng 

Ang sarap ng tulog ko ng biglang may tumutunog ng napakalakas. Grabe ano kaya ito? Hmm! Panaginip ko lang toh..... PERO BAKIT GANUN? LALONG LUMALAKAS. 

Minulat ko na ang mga mata ko at nakita ko saan nanggagaling ang sound at dun! Nasa kisame at para siyang alarm. Naghanap ako ng ways para pigilan ito at BOOM! Nakakita ako ng red button sa gilid at pinindot ko ito at dun tumigil ang sound. Shaks malalate na ko sa school! Pati rin si Suzzane! 

Dumeretso ako sa banyo ni Suzzane at wow! Ang laki. Hmm! Bilisan ko na nga. Naligo ako ng mabilis at syempre medyo malaki naman yung banyo,nagbihis muna ko at pagkalabas ko nakita ko si Suzzane na gising na. At pansin ko parang nagulat siya sakin. 

"Oh bakit ganyan itsura mo Suzzane? Bumangon ka na at malalate na tayo!"  Napalitan ang gulat na itsura niya sa pagiging masaya. Tumawa siya. Anong nakakatawa? 

"Madge! Ano ka ba! Saturday ngayon!" WHAT? Napalo ko ang ulo ko at siya ay tawa ng tawa. Bago ako magbihis ulit. Binato ko ang unan na malapit sakin at binato sa kanya. 

"BAKIT HINDI MO SINABI?!" sigaw ko sa kanya. 

"Haha! Kasi akala ko may meeting ka lang sa school hahah." Che! Grabe pahiya ako nun ah. Nagpalit ulit ako ng suot ko at sinuot ko na yung damit na kinuha ko sa bahay. Lumabas ako sa banyo para tanungin kung ano yung tumutunog kanina. 

"Suzzane! Ano yung tumutunog kanina nga pala nung quarter to seven na?" tanong ko 

"Ahh! Alarm yun! Siguro na mali si tatay ng alarm. Kasi tuwing Monday to Friday lang nagaalarm si tatay eh." 

"Talaga alarm niyo yun? Bakit ganun? Why don't you just use your cellphone or buy a new alarm clock. No hate pero nakakabingi yung alarm clock niyo." Tumango siya nung sinabi niya ito. 

"Gagamitin ko na nga lang cellphone ko. Thank you Madge." ngumiti ako 

Bumaba kami para magbreakfast at pansin ko wala yung daddy ni Suzzane. Hinanap kasi namin at sabi nung kasambahay nilang pangalan ay Linda,umalis daw si Mr. Bautista,pumunta daw sa school. Kami naman ni Suzzane nagluto ng makakain. Grabe ang bait ni Suzzane,pinagpahinga niya muna lahat nung kasambahay at kami muna yung nagluto. 

Maganda rin yung kitchen nila at nakikita ko si Suzzane na naghahanap ng ingredients. Marami siyang nilagay sa table kagaya ng flour,milk,cheese,sugar etc. Di ko na alam yung iba. Maya-maya habang binukas niya yung oven nila may sinabi siya. 

"Madge dun ka nalang sa dining room maghintay. Baka mainip ka dito. O kaya dun ka muna sa living room samahan kita." nagpunas muna siya ng kamay niya at nagpony tail. Pagkatapos nun sinamahan niya muna ko sa living room. Nakita ko na yung itsura nung living room nila,kagabi pa. Dahil dun muna kasi dadaan bago sa cinema nila. Pinapanood niya ko ng T.V. at umalis na siya. Nilipat ko yung channel at nanood ako ng Star Movies. Maganda yung palabas. 13 Going On 30 ang palabas at sobrang ganda nito,one of my favorite movies! 

Suzzane's P.O.V. 

Ngayong oras na ito,hinihintay kong maluto ang cupcakes na nasa loob ng oven. Naririnig ko yung T.V. sa living room at nanonood si Madge ng '13 Going On 30'. Huhu :( Favorite ko yun eh! Ayan na malapit ng maluto ang cupcakes. Hindi ko pa pala nasasabi na tinuruan ako ng tita ko gumawa ng masasarap na cupcakes. Kaya nung natuto ako,kapag may okasyon samin sa bahay ng tita ko. Nagluluto ako ng cupcakes at nilalagyan ko ng toppings. 

Habang hinihintay kong maluto yung cupcakes,umupo muna ko at nagFB sa cellphone ko at nag chat sakin si Faye. 

"w0w sUzzAnE n4gBag0 kA nA hA. p1nAl1tAn m0 nA p4lA n4m3 m0 s4 FB. w4g m0 k0nG k4k4l1mUt4n k4s1 n4gb4b4g0 k4 n4. :)" 

(wow suzzane nagbago ka na ha. pinalitan mo na pala name mo sa FB. wag mo kong kakalimutan kasi nagbabago ka na. :) )

Medyo hindi ko naintindihan pero pinilit kong intindihin. Maya-maya naluto na yung cupcakes. Hindi ko pwedeng replyan si Faye dahil nasusunog agad ang cupcakes na ito. Nilock ko muna ang cellphone ko at kinuha ang cupcakes. Hinipan-hipan ko ito at pinaypayan ng kamay. Siguro narinig ni Madge yung *ting* nung oven kaya lumapit siya. 

"Oh ano na nangyare? Nasunog na ba?" pagbibiro ni Madge. 

"Hindi ah!" nilapag ko yung tray kung saan nakalagay ang cupcakes at naghanap ng toppings. Nakakita ako sa isang cabinet dun kung saan may mga plastics ng toppings na hindi pa nabubuksan. Kinuha ko ito. Hayy sayang naman ang mga ito. Ang sasarap pa naman ng mga toppings na ito. Kumuha rin ako ng whipped cream at nilagay sa cupcakes at nilagyan ng toppings. 

"Oh tapos na! Tara na dun na tayo sa sala." sinabi ko. At siya na ang nagdala ng mga inumin namin (tubig) at nilagay ko na ang mga cupcakes sa pinggan at pumunta na kami sa sala. 

Nanood naman kami ng Monsters University pagpunta namin sa sala. Tapos na kasi yung "13 Going On 30" eh. At habang nanonood ako.... Pansin ko parang may nakalimutan ata ako. Tinandaan ko ng mabuti ito. Bumalik ako sa kusina at tinandaan kung ano yung nakalimutan ko. 

"Tss! Ano nga ba yun?!" tumingin tingin ako kaliwa't kanan sa kusina at yun nakita ko! Hindi ko pa nababalik sa maliit na cabinet yung mga toppings. Nilagyan ko ito ng staples (staples hindi stapler kasi yung stapler yun yung... BASTA) para hindi dagain. Pero wala naman sigurong daga dito.. Pero inistapler ko parin para sure. Walang perpektong tao.. Bahay pa kaya?

NagMOMA kami ng nag MOMA at nung wala kaming ginagawa ni Madge. Umakyat na kami sa kwarto at may sinabi siya.

"Suzzane. it's time para magbago ka na." sinabi niya.

"Huh? anong ibig mong sabihin?" tanong ko

"Sisimulan natin sa pag-eerase ng mga photo mo na jejemon na jejemon ang dating." sinabi ni Madge ito. Kinuha niya ang iPad niya sa bag niya

"Suzzane,iopen mo yung FB mo dito." sinunod ko naman.

Touch lang siya ng touch at nakita ko na dinedelete niya ang mga pictures namin  ni Khyla,Faye at Noreen.

"WAAAHH! Wag yan!" pero di niya ko pinansin,inaagaw ko ang iPad niya pero ang higpit ng pagkakahawak niya.

"SINABI NG WAG EH!" sigaw ko at napatahimik siya at napatigil sa pagtoutouch.

"EDI WAG!" sigaw ni Madge,nakita kong nilog-out niya yung FB ko sa iPad niya at tinago ito sa bag niya. Binuhat niya ang bag niya at umalis.

"Madge! Sorry na!"

"Sabi mo diba wag? Sa tingin mo ba mabubuhay ka ng ganyan? Ganyan ang mga posts,pose,pictures mo?! Yung pagtytype mo? Yung pangalan mo lang ata sa FB ang kaya mong baguhin eh! Ang tagal tagal ko ng may plano sayo na baguhin ka kasi sobrang sagwa mong tignan kapag Jejemon ang itsura mo!" sigaw niya.

"Respeto naman Madge." sabi ko

"Respeto? Pasensya na pero rerespetuhin kita kung magbabago ka." umalis na siya at sinara ang pinto.

Nakaupo lang ako sa kama at napaiyak.

"Uwaa! Ang tanga tanga ko! Ang tanga tanga ko!" Pumasok ako sa banyo dahil baka marinig ako sa baba na umiiyak.  Napahawak ako sa ulo ko na parang naguguluhan. Habang umiiyak ako. Napatigil ako sa naalala ko. 

May isa pa pala akong nakalimutan at hindi ang toppings ang nakalimutan ko!!! 

Yung CELLPHONE KO! 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now