Chapter 7

3.5K 49 0
                                    

Author's Note: 
Si Madge po yung nasa picture! ^^

Suzzane's P.O.V. 

Nandito ako ngayon sa labas ng guidance,hinihintay ang tatay ko dahil nakikipag-usap pa dun sa isang teacher. Habang hinihintay ko si tatay may babaeng lumapit sakin,mukhang mataray.. Hala! Lumalapit siya sakin at biglang nagsalita.

"What are you doing here? Lumabag ka ba sa rules? Aww kawawa ka naman." sinabi niya ito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Shaks,mukha akong hampaslupa.

"Curly hair? Blonde? Blue eyes? Ano yan? Nagpakulay ka at nagpa-contact lense? Hah! Kahit anong gawin mo panget ka parin." aba grabe na toh ah! Sinabi niya ulit toh at bago pa ko maka-sagot may babaeng sumagot dun sa babae. Maganda yung babae,mukhang maangas. Mukhang rockstar!  

"Hindi,bakit inggit ka? Inggit ka saming mga blondes? Dahil ba napaka-panget ng buhok mo ganun?" hala grabe si Ateng Rockstar! Umalis na yung ateng mataray at nagsalita naman ako.. 

"Thank you Ateng Rockstar!" sinabi ko

"Pfftt. Ateng Rockstar? haha,hindi ako rockstar. Marami rin akong kaklase na akala rockstar ako but i'm not. Ganito lang talaga ako." sinabi niya. Shaks ang ganda niya! Meron pa siyang mga bracelet na pangrockstar! 

"Ahh.. Ano po pangalan niyo?" tanong ko

"Madge,so bago ka lang ba dito?" tanong niya. 

"Ahh oo eh. Hinihintay ko nalang tatay ko sa loob." sinabi ko. 

"Ahhh. Sabi ko na nga ba eh,kasi.. hindi naman sa pagyayabang. President ako ng klase namin at ng buong school. So lahat ng student dito nakakakilala dito,maliban lang sa mga bago." pagkatapos niyang sabihin yun lumabas na si tatay at may sinabi si Madge. 

"Oh sir Good Morning po." sinabi niya. 

"Oh Madge,can you accompany my daughter to her room? Don't worry magkaklase kayo." ngiting sinabi ni tatay at umoo naman si Madge kaya umalis na kami. Umakyat kami ang ganda talaga ng school na ito,pati hagdan,hallway,CR,canteen (ata) naka-aircon! Ang saya! Maya-maya habang umaakyat kami nagsalita si Madge. 

"Gosh! Father mo pala si Sir Bautista?! Edi mas mataas pala posisyon mo kesa sakin?" sinabi niya na parang gulat na gulat. 

"Ah oo eh,hindi naman! Mas mataas ka parin." naglalakad na kami sa hallway 

"So,ano name mo?" tanong niya

"Suzzane.. Suzzane Bautista." sinabi ko. 

"May instagram ka?" tanong niya.

"Ahh.. ano yun?" Promise,hindi ko alam ang Instagram! 

"What?! Hindi mo alam yun?" sinabi niya

"Medyo mahirap lang kasi ako tapos ngayon lang ako kinuha ng tatay ko dahil nagkaroon ng family problem. Kaya yun hindi ako sanay sa mga bagay ng mga mayayaman." sinabi ko. 

Naglalakad parin kami,siguro malayo pa,ang laki kasi nung school na ito eh 

"Ahhh.. Ganito nalang! Do you have a cellphone? Yung smart phone ah." tanong niya. 

"Ahh oo may cellphone ako.. *kinuha ko sa bag ko then pinakita ko* eto.. Binigay sakin ni tatay ay este daddy yan." nagulat siya ng nakita niya

"Grabe ka Suzzane! Ang ganda ng cp mo! Nadaig mo pa ko! 5C lang sakin eh! Ikaw 5S wow! Well tago mo na ulit sa bag mo,kasi nandito na tayo sa classroom. Diyan ka muna ha." pumasok siya at nakita ko sa glass door nila na kinakausap pa ni Madge yung teacher namin. Habang hinihintay ko yung teacher,nagayos muna ko ng buhok. Maya-maya lumabas na yung teacher. 

"So! Ikaw yung new student dito? At nabalitaan ko anak ka daw ni Mr. Bautista? Ang ganda mo naman,pareho pa kayong blonde ni Madge." sinabi niya

"Ahh opo." pagkatapos ng mga pinag-usapan namin. Pumasok na kami. At ang ganda ng room,at ang yayaman ng mukha. Lahat nakatingin sakin,maya-maya may sinabi na yung teacher namin at hindi ko naintindihan dahil English kaya pinatagalog ko yung iba naman nagtawanan dahil ba hindi ako marunong mag-english? Hayy pagkatapos nun,nagrecess na rin at tinour ako ni Madge. 

"Suzzane, eto yung library namin,tapos eto yung CR,prefect,canteen,principal's office,exit,yung building natin." turo siya ng turo kung saan saan. At napaka-laki at napaka-ganda talaga nung school. Kumain na kami nung tinour niya ko. Uupo na sana ako ng biglang may umagaw ng upuan ko at natumba ko. Shaks ang sakit ng pwet ko!

"SUZZANE! HUY OKAY KA LANG?!?!?" tinayo ako ni Madge at nagsalita si Madge dun sa lalaking umagaw nung upuan ko,nakatalikod siya. 

"Oi! Mr. Collins! Alam mo namang may uupo inagaw mo! Ayan ka na naman! Ililista ulit kita sa Report book ko!" sigaw niya.

Wait... Collins? Familiar sakin tong apilido na toh ah,maya-maya tumalikod yung Collins at mukhang badtrip. Shaks! Ang pogi at ang hot--- WAIT LANG!?!?!? SIYA YUNG MAY-ARI NUNG I.D. NA NAPULOT KO! Tumayo siya at sabay kaming nagsabi ng... 

"IKAW!" sabay kami parehong galit ang itsura namin. 

"BAKIT?!" sabay ulit kami. 

"Hoy! Ikaw yung babaeng nakapulot ng I.D. ko at binura yung bar pass ko!" sinabi niya. Oo nga! Siya nga! Si.... Si... JARREN! 

"Aba malay ko ba na nadilaan ng aso namin?! Wag ka magalit sakin noh! Mayaman ka naman at pwede ka pang mag-pagawa ng isang milyon na I.D.!" sigaw ko sa kanya

"Teka! Magkakilala kayo?!" sabi ni Madge

"Medyo." sabi ko

"Wow ha! Hindi nga kita kilala eh! Ay hindi,ikaw yung gangster at jejemon na nakapulot nung I.D. ko! BWAHAH ! Jeje girl! JEJEMON!" sigaw ni Jarren,aba sobra na toh ah! 

"Well ako na magpapakilala para sayo. Siya lang naman yung bago nating kaklase na anak ni Mr. Bautista!" nagulat yung mga kaibigan ni Jarren na nakaupo at biglang tumayo

"Talaga?!" 
"Hala miss ! Pwede makuha number mo?" 
"Ate pwedeng manligaw?" 

Sinabi ito ng mga kaibigan ni Jarren. At ako naman natawa ng konti at bumalik ang galit kong itsura kay Jarren. 

"Hoy! Tumigil nga kayo! Hoy Tom at Gerald! Anong manligaw at number? Kayo ha! Tumigil tigil kayo!" sinabi ni Madge at nagsalita na naman etong demonyong si Jarren

"Naku pre,wag niyong liligawan yan! Jejemon yan at gangster!" sinabi ni Jarren ito at nagsalita naman yung isa. 

"Wala akong pakialam pre,ako nga pala si Tom,mas pogi at mas hot kay Jarren!" ahh Tom ang name niya. Inaamin ko ang popogi nilang magkakaibigan. Pero si Jarren nga lang yung pinaka-masama. 

"Lol. Pre alis ka muna,ako nga pala si Gerald. Pinaka-pogi sa kanila." binanggan nung isa nilang kaibigan si Tom,at nalaman kong Gerald pala yung name niya. 

"Sige lang guys,ililista ko na talaga kayo sa Report book. Oi ikaw Jarren magsorry ka!" sinabi ni Madge at umupo silang 3 maliban lang kay Jarren

"Ayoko nga! Dapat mabuo niya muna yung bar pass ko!" sinabi niya 

"Alam mo Jarren,para kang bata! 4th year ka na huy! Wag ka ngang ta-tanga-tanga! Pwede mo naman sabihin sa Principal o sa tatay neto!" sabay turo sakin ni Madge

"Oh edi sorrry!" sinabi ni Jarren at nagsalita ulit si Madge. 

"Bakit galit ka?" sigaw ni Madge

"Oh edi sorry..." pagkatapos sabihin ni Jarren yun,nag-aiieee yung mga kaibigan niya at nagsalita ulit si Jarren. 

"Huy ano ba! Hindi ako magkakagusto sa isang gangster na jejemon na yan!" sigaw niya,parang pinaparinggan niya pa ko. 

"Mas lalo namang hindi magkakagusto si Suzzane sa ugali mo Mr. Collins,tara na Suzzane,akyat na tayo sa room." sinabi ito ni Madge at umakyat na kami. 

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon