Chapter 58

1.9K 33 1
                                    

Suzzane's P.O.V. 

"COLEEN! ROSE! Yung totoo.. ano yung pinapanood niyo!?" sigaw ko sa kanilang dalawa. 

Parang may nararamdaman akong strange sa mga nangyari. Bakit ako pinapanood nila? At sa office ko pa talaga? Hindi kaya nilagay nila yung video cam na ngayon ay sira na dahil sa pag-aagawan namin sa office ko?! ABA?! 

"Wla. Naglagay lang kami ng video cam sa cubicle mo." ako naman napaHA at nagulat. 

Eh kasi naman baka narecord dun yung sumasayaw ako. Yung nagflip ako ng hair. Yung ginaya ko si Taylor Swift?! HINDI PWEDEE!! 

"BAKIT MO GINAWA YUN?!" sigaw ko kay Coleen. 

"Eh nalagay ko lang naman dun eh nakalimutan kong kunin.." sinabi niya habang kinakabit pa yung mga nasira na pieces ng videocam. 

"Wala na sira na yan." sinabi ko . Whew,buti nalang at nasira na. 

"Okay lang,may narecord naman kami. WAAAHH!" ako naman nagtaka kung ano pa narecord nila. Ano pa yung pinanood nila? Hmm sumayaw lang naman ako sa loob ng cubicle,yun lang naman ang nangyari dun. Hindi naman ako nagstastay dun ng matagal. Hindi naman ako nag OT dun... Wala naman nagsta---- WTF!?!?!?! 

"Sige ate baba na kami. Hatid ko na si Rose." at bumaba na sila. Bigla akong tumalon sa kama ng umalis na sila at tinakpan ang mukha ko ng unan at sumigaw .. Sumigaw sa INIS. WAAHHH! Ayoko ng awayin tong si Coleen. GRRR!! 

Dahil nga nahiga ako sa kama,nakatulog na rin ako. 

****************************************************

"Aminin ko na kaya na mahal ko siya?" sinabi ko sa harap nila Coleen,Rose,Madge,Faye,Khyla,Noreen,Ralph,Gerald, at Tom 

"Oo sabihin mo na!" sigaw ni Ralph. 

"Oh dalian mo nandun pa yun sa bahay nila. gising pa yun ngayon!" naeexcite na sabi ni Tom 

"Oh suotin mo na to Suzzane!" inabot ni Coleen yung dress at sila Madge ay busy sa pag-aayos ng buhok ko. Kinukulot kasi nila kagaya ng dati. Ang ganda na nga tignan dahil may bangs pa ko. 

"Oh last na to." sabay spray ng cologne sa dress ko. 

Nag-goodluck sila sakin at lumabas na kaming lahat. Nagsisakayan na sila sa kotse nila at ako naman nagsolo sa isang kotse. 

Nagmadali ako... Nagmadali akong magdrive dahil naeexcite na ko sa mga nangyayari,sumuko na kasi siya sa panliligaw at ako naman tinawagan pa siya. 

Wala naman traffic ngayon kaya okay lang na mabilis ako magdrive. Tinawagan ko ang cellphone ko at sumagot siya. 

[Suzzane? Napatawag ka?]

"Jarren! Hintayin mo ko ah? Diyan ka lang.. Diyan ka lang wag kang aalis pupunta ko diyan." naiiyak na sabi ko. Tuwang tuwa ako. 

Eto na malapit na ko. Maraming trucks dito na dumadaan pero iniiwasan ko naman. Mabagal ang takbo ng nasa harap ko kaya sumingit na ko.. 

[Oh sige sige.] sinabi niya .

"Jarren i lov--" hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil nabitawan ko ang cellphone ko at hindi ko rin namalayan na may kotse na sumalubong sakin.. Mabilis na kotse... Hindi ko na alam ang nangyare. Hindi ko na alam dahil..

Nagising na ko. 

"AAAHHH!!" tumayo ako at napatingin sakin si Coleen na nakapajama at nagcecellphone. 

Whew panaginip lang pala. Huminga ako ng malalim at si Coleen nagcellphone nalang. Pumunta ako sa walk-in closet ko para magpalit ng damit. 

Grabe naman yung panaginip ko. For real? Nabangga ako? Ng kotse? Whew.. buti nalang at nagising ako. 

Pero grabe,yung panaginip ko,pareho kaming nararamdaman. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. At pati sa panaginip ko,nagawa kong umamin sa kanya. Hayy naku Suzzane! >3< 

Bakit ba kasi inamin amin pa ni Jarren yung nararamdaman niya sakin nung nasa cubicle kami. Teka? Sinabi ni Coleen na may nilagay siyang video? 

Lumabas na agad ako pagkatapos kong magbihis at magtoothbrush. 

"Coleen! Kailan mo nilagay yung videocam?" natataranta kong sabi. 

"Ah wala wala. Nakalimutan ko lang ilagay nung umalis kami." bigla akong nagulat. 

"HA?! IBIG SABIHI--" 

"Oo ate narinig ko pinagusapan niyo." hindi ko alam gagawin ko,kung matataranta ba ko. Narinig niya yung sinabi ni Jarren na nirebound lang niya si Coleen,narinig din niya ang pag-amin niya sakin ng nararamdaman niya. 

"Coleen i'm sorry. Bakit ba kas--" 

"Okay lang ate! KINILIG KAYA AKO!" bigla akong nagpoker face ng tumayo siya at ngumiti pa . 

Pero grabe ha? Yun pala yun? Pinaglalapit niya talaga kami. Nung una hindi ako pabor dahil nga sabi ko sa sarili ko hihintayin ko nalang tong mawala. Pero kapag nakikita ko si Jarren parang bumabalik ang lahat. Minsan nga gusto ko nalang isigaw sa isang lugar na walang tao ang nararamdaman ko sa kanya. 

Pero ngayon,bakit parang natutuwa pa ko kay Coleen? Dahil ba may katulong na ko para sa nararamdaman ko kay Jarren? Kunyari nalang ayaw ko para mas lalo niyang gawin. Hmm ano kaya susunod na gagawin netong babaeng to? Imbis na mag-aral nalang,sumasali pa samin. Hayyy iba na tao ngayon. 

Bumalik na ko sa kama ko para matulog. Kailangan ko na ng pahinga. Sobrang saya ko dahil buti nalang talaga ay tumaas na ang sell ng magazine. Hayy thanks God. 

***********************************

Jarren's P.O.V. 

"Paano yan pre? Ano na plano mo?" tanong ni Ralph. 

Nandito kami ngayon sa isang bar. Syempre parang nag-get together narin kaming magkakaibigan. Ngayon lang daw kasi sila free sa work. At buti naman pumayag silang makasama ako. 

Pinaguusapan namin ang gagawin ko kay Suzzane, gusto kong manligaw sa kanya. Gusto kong simulan ulit nami nang dati. 

"Eh kung gawin ko nalang kaya yung dati? Yung dinate ko siya?" sinabi ko at sabay inom ng wine na nasa table namin. 

"Oo nga no! Tapos kailangan tulungan ulit tayo ng mga kaibigan niya!" sinabi ni Gerald. 

Pinagplanuhan na naman namin ang gagawin namin. Gusto ko sana sa mas engrandeng event. Yung maninibago siya. Yung magugustuhan niya. Yung matutuwa siya. Kailangan may gawin akong mapapangiti ko siya. 

"Oh tawagan niyo na sila Madge.. LET'S DO THIS!" sabay nagcheers kami dahil tapos na namin pagusapan. 

Syempre tutulungan nila ko,pati ng mga kaofficemate ko. Here i come Suzzane...

Here i come my jeje princess... 

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon