Chapter 56

1.8K 31 2
                                    

Jarren's P.O.V.

"Buksan niyo nga yung pinto!" narinig kong tumatawa yung mga nasa labas at eto namang si Suzzane gustung-gusto nang lumabas.

"Pag hindi niyo ko pinalabas. Tanggal na kayong lahat sa trabaho." at tumawa lang sila. Ako naman napakamot ng ulo dahil si Sir lang ang pwede magtanggal sa mga trabaho namin.

Ako naman naupo muna dun sa upuan niya. At etong si Suzzane dumeretso din sa table niya at binukas yung laptop.

"Kainis kasi eh! Bakit kasi sa dinami-daming makakasama ko dito eto pa." sinabi niya. At ako naman nandun lang. Nilabas ko nalang yung phone ko at nagWiFi nalang.

Dahil nga mga nakakaboring ang laro dito,naglaro nalang ako ng SongPop. Chinallenge ko si Suzzane dahil nakaonline siya sa FB at alam kong naglalaro siya neto.

Chinallenge ko siya ng Classic Rock,pag chinachallenge kasi ako neto laging "Today's Hits" at "Taylor Swift"

Out of 5 questions,4 lang nasagot ko pero mabibilis naman yung pagsagot ko. Narinig ko ang laptop ni Suzzane na nagring na may notification,siguro yung request ko na yun at nakita ko siyang tumingin sakin pero hindi naman ako nagpahalata na tumingin ako sa kanya.

"Psh,pachallenge challenge pa hindi naman nananalo." at ako naman ngumiti lang ako. Hinihintay ko kung sino samin mananalo.

Kinuha niya ang earphones niya at sinuksok sa laptop niya. Aba!

Then nakita ko ang mukha niya na parang hindi alam ang mga isasagot. Maya-maya.

"EDI IKAW NA PANALO!" sigaw niya. At nagroll eyes pa. BWAHAHAHA .

"Haha. Talo." sinabi ko at siya naman ang nagsend ng request pagkatapos niyang maglaro.

"WHAT?! TAYLOR SWIFT NA NAMAN!?" sigaw ko.

"Wag ka nang mareklamo,hindi ka gwapo." at sabay tumawa siya. Tsss..

Sinagutan ko na ang mga challenge niya at puro Taylor Swift nga.

"And i'll neve--" sagot agad niya.
"Capture it--" sinagot agad niya.
"*instrumental*" SINAGOT AGAD NIYA WTF.
"Losi--" sagot agad.
"Drop ever--" sagot agad.

At tumawa nalang siya ng malakas.

Pagkatapos nun naupo nalang kaming dalawa. Hanggang ngayon hindi pa rin kami pinapalabas. Mag se-7 PM na at umalis na yung mga workers,siguro dineliver na rin nila yung mga magazines.

Pag nakikita ko talaga si Suzzane,mas lalong nagiincrease yung nararamdaman ko sa kanya.

"Ahh Suzzane?" nagcecellphone siya. Mukhang galit pa rin siya dahil sa ginawa nila Coleen.

"Ano yun?" pagtatanong niya habang nakatingin sa bintana.

"Ah gusto ko lang sanang magsorry." at tumingin siya sakin at ngumiti.

"You don't have to say sorry. Nakamove on na ko." at yun napayuko nalang ako.

Naka move on na siya... Pati ang feelings niya syempre...

***********************
Suzzane's P.O.V.

Gusto ko sanang sabihin na..

"You don't have to say sorry. Ako naman kasi ang may kasalanan." Gustung-gusto ko sabihin pero di ko magawa.

Gusto ko na rin umamin sa kanya dahil kaming dalawa nalang ang nandito. Pero nanatili parin kaming tahimik.

At ayun lumamig pa lalo sa opisina,hindi ko naman kasi alam na ganito pala kalamig dito pag gabi. Oo,hindi pinapatay ang aircon dito. Wala eh mayaman si sir.

Wala kaming topic kaya ako naman naiinis pa rin kala Rose at Coleen. Nakita ko kasi si Coleen na hinatak si Rose papalabas.

Dahil nga kasi itatry pa na iposas kami netong si Jarren,sumigaw ako at hinatak si Rose papunta samin. Pero hindi niya kami na posas. But still i'm mad.

"Sa tingin mo tataas sales ng magazine natin?" pagtatanong ko sa kanya.

"Oo naman." sinabi niya.

"Hmm! Oo kasi ikaw nagedit ng covers and anything." at ngumiti naman siya.

At yun umupo na rin ako sa tabi niya. Nakaupo kasi siya sa sahig at nakasandal ang ulo niya sa may cabinet ko.

"Suzzane.... may gusto sana akong sabihin." kinakabahan naman ako dito sa lalaking to. Iba kasi ang tingin niya sakin at yung boses niya. Nagsisimula na naman ba?

"A-ano yun?" pagtatanong ko.

Pumikit siya bigla na parang natatae na ewan at bigla siyang sumigaw.

"WAAAAAHH!" ako naman parang naweirdohan kaya medyo lumayo ako.

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at nagsalita ng napakalakas.

"SUZZANE MAHAL PA RIN KITA!" at napatahimik kami. Ako naman nakatingin lang sa kanya.

Nagulat ako sa sinabi niya at ako naman nakatingin lang sa kanya.

"Jarren please ayoko ng masaktan ulit.." sinabi ko.

"Pero hindi naman ako ang may kasalanan diba? Hindi mo ko hinayaan magpaliwanag,bigla niya kong hinalikan noon. Please give me another chance." sinabi niya at nagsalita ako...

"Pero kung mahal mo talaga ko,dapat hindi mo niligawan si Coleen."

"Tinry ko siyang ligawan. Sabihin na nating nirebound ko siya dahil hindi ako makamove on sayo." tinulak ko siya

"WHAT?! Let's just stop this." Tumayo ako at sinipa ang pinto at dahilan na bumukas ito.

Kinuha ko ang bag ko at umalis.

Ehhh!! Yun lang naman kasi ang dahilan kung bakit hindi ko inaamin,dahil niligawan niya rin si Coleen,ang worse pa... Nirebound lang niya,alam kaya to ni Coleen?

Napapalo nalang ako sa ulo ko dahil naguguluhan ako. Naguguluhan ako kung mamahalin ko pa ba siya o hindi.

Pagod na ko... pero ang pagod na ito ay dahilan ko rin naman. Ako ang naging mahina,ako ang hindi nakinig. At ako ang sumuko,agad-agad.

Pero kahit ganun na ang ginawa ko,hindi parin niya ko tinigilan mahalin eto na ba yung sinasabi nilang true love?

Ang baduy kasi pakinggan nun kung hindi mo naman naramdaman.

<><><><><><><>
Heyy guys! Klyde here! I hope you follow me on my new twitter account (@KlydeJay) thank you so much.

Sorry kung short update at ang tagal ko rin magupdate ngayon. Kasi bukas manonood akong concert ni SUZZANE! I mean Tay. Haha,kung ayaw niyo maniwala edi tignan niyo pa sa Twitter at IG ko.

Instagram: klydeeugenio

Follow me nalang *winks* hahaha jk. Kahit wag na nakapublic naman ang IG ko haha.

Sige thanks for reading. BYEE.

(June 5,2014)

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now