Chapter 57

1.9K 29 1
                                    

Ilang days kami hindi nagusap ni Jarren,pinublish na rin namin ang August issue ng Red magazine. Lahat sila ngayon nagsosorry matapos kaming ikulong dun sa cubicle ko. Pero ako nanatili akong tahimik. Lalo naman etong si Coleen at Rose,hindi ko talaga pinapansin. Well nagfofocus na naman ngayon sa pag-aaral yun kaya buti nalang hindi pumupunta na dito.

"Sorry na maaamm!" Sigaw nilang lahat pagdating ko sa office..

"Okay... Papatawarin ko na kayo.." Lahat sila nagsigawan.

"Pero..." Natahimik sila.

"Kapag bumaba ang sales ng Red magazine,sorry." Sabay ngiti ko.

Ngayon na kasi yung araw na irereport at titignan namin ang kung bumaba na naman ba ang sales o tumaas. Kinakabahan ako na na- eexcite dahil madami daw kasing bumili ng Red magazine lalo na ang mga kabataan.

Pumunta na kami sa meeting hall namin at irereport na ni Sir kung kumusta na ang sales ng Red magazine.

"So... Eto ang sales natin buong August. Nung first 3 days wala pang bumibili." Kitang kita samin na medyo na disappoint kami sa sinabi ni sir.

"But nung sumunod na araw medyo tumaas na ang sales... At pataas ng pataas ng pataas!" Biglang ngumiti si sir at nagsigawan kaming lahat i mean sila,ngumiti lang ako at pumalakpak.

"Yehey papatawarin na tayo ni mam!" At ako naman nagfacepalm sa sinabi ng isa kong worker..

"Oo na,tapos magpadeliver na kayo ng pizza tapos ako na magbabayad." lalo pa silang naghiyawan at ako naman napangiti at pumunta sa cubicle ko at.. Dun ko nilabas ang saya ko.

Kumembot ako,naghairflip ako at sumayaw. Pero syempre huminto ako kaagad,baka may makakita pa sakin. Lumabas din ako kaagad dahil kinuha ko lang naman yung cellphone ko. At tsaka kakain pa kasi kami. Sa wakas. Tumaas na rin ang sales. :D 

Coleen's P.O.V. 

Kakatapos lang ng klase,kakatapos lang din ng 1st quarter test namin. Pagkalabas namin ng classroom,kinuha ko agad ang phone ko para ipa-alala kay Rose yung video cam na nandun sa cubicle ni Ate Suzzane. 

"Hello ate Rose?" pumunta muna ko sa sulok,paano ba naman kasi ang iingay ng mga estudyante. :3 

[Oh ano na?] 

"Ipapalala ko lang po yung video cam dun sa cubicle ni ate! Baka mamaya na memory full na. Mahal mahal ng bili ko dun." pagtataray ko. 

[Oo na Coleen! Sige na kumakain pa kami dito kukunin ko na. Isang daan nalang ngayon yung sinasabi mong videocam mo eh.] at binaba na niya. Hmm! Kala mo kung sinong mayaman.

Bababa na sana ako ng may tumatakbong lalaki na nabangga ako. 

"AARRAYY!!" buti nalang hindi ako nalaglag sa hagdanan. Napaupo lang ako at nabagsak ang mga dala ko. Maliban sa phone ko. 

"Bakit kasi nakaharang ka diyan?!" sinabi naman nung lalaki. Aba aba? Siya na nga nakabangga. 

Kinuha ko na yung mga nalaglag kong gamit at tumayo kami pareho. 

"Oy wag kang maarte. Ikaw tumatakbo diyan!" sigaw ko naman sa kanya. Madami nang nakatingin samin pero wala akong pake. Lagi naman akong pinagtitinginan dahil ako daw ang girl campus crush dito. 

"Aba? Eh bakit ka kasi humaharang sa pinagtatakbuhan niya?" may biglang sumingit na boses na narinig ko. Ha. Kilala ko na. 

Si Ella,siya lang naman ang kakompitensya ko sa lahat ng bagay. Kahit naman ilang beses niya ko kalabanin eh ako ang nananalo. Siya daw ang pangalawang campus crush. Psh. Dinadamihan niya rin ang boyfriend niya at sasabihin niya na ang mga lalaki ang mga nanloloko sa kanya. 

Oo maganda siya,pero juice ko ha. Ang baho ng hininga niya. .No i mean ang sama ng ugali. Nang dahil sa kanya lumalabas ang tunay kong kulay. At ang kulay na yun ay white,dahil nga mabait ako kahit anong gawin niya. Ish ayoko kayang masira ang image ko sa school no.

Ngumiti lang sakin yung lalaki at tumakbo ulit pababa ng hagdan. Bwisit. 

"Wala ka na dun." sinab iko at bumaba na ko. 

Infairness naman,gwapo yung lalaki. Pero gago naman. Ang daming ganitong lalaki,pero juice ko mas madami namang lalaking lalaki din ang hanap :3 

Bumaba na ko at sumakay sa kotse kay Manong . Tinext ako ni Rose na mission complete daw ang pagkuha niya ng video cam at narecord daw ng buo ang usapan nila. Mamaya daw pupunta samin sila Rose. Pero secret lang daw. Baka kasi mahuli siya ni Suzzane at mahuli na may ginawa kami habang nakakulong sila. 

Nagreview na muna ako sa mga last na itetest ko. Gusto kong pumasa at maging valedictorian ng school namin no ;) 

May naririnig akong kumakatok sa kwarto ko. Baka si Ate Rose na,baka umuwi siya ng maaga bwahaha. 

Binukas ko ang pinto at si Ate Rose nga,hinila ko ang kamay niya at pinanood namin yung buong recording. 

At habang pinapanood namin grabe hindi namin mapigilan maghampasan ng braso sa bawat sinasabi at ginagawa nila. Paano ba naman kasi inamin ni Jarren kay Ate Suzzane! Oo kinikilig ako dahil juice ko wala na kong feelings dun sa lalaking yun. 

Maya maya nagtaka kami nung pinanood namin yung latest recording. At si Ate Suzzane sumasayaw. 0_______0 Nagkatinginan kami at tumawa. 

Then nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto at si Ate Suzzane. 

"Hoy bat nandito ka?" tanong niya kay Rose at tumingin siya sa video cam.

"Ano yang pinapanood niyo ha?" mga 2 seconds bago makasagot kami. 

"Ah ano yung scandal niyo. Scandal ni ano ni basta. " sinabi ni Rose na nauutal.. 

Lumaki ang mata ni ate Suzzane. At sinabunutan kaming dalawa. 

"BAKIT KAYO NANONOOD NG SCANDAL?! KADIRI KAYO KABABAE NIYONG TAO!" kinuha agad ni ate Suzzane ang video cam .. 

"Hala.." 

"Hoy. Coleen! Kailan ka pa nagsisimulang manood ng ganito ? Impaktita ka. Hoy Rose,baka naman tinuruan mo tong kapatid ko ha? Hala hala kapa." then bigla niyang tinignan yung video cam at lumaki na naman ang mata. 

"AKO TO AH!" biglang tumayo si Rose at inagaw ang video cam ako rin syempre tumulong. 

Sa sobrang agawan namin nasira yung video cam at nagblack nalang ito bigla,nahila kasi ni ate Suzzane yung screen at bigla nalang itong nagblack. 

"Hala nasira na." sinabi ko at pinulot ko yung mga pieces. 

"SABI SAYO TIGIISANG DAAN lang yan eh!" sigaw naman ni Rose at nagpoker face ako sa kanila. 

"COLEEN! ROSE! Yung totoo.. ano yung pinapanood niyo!?" 

"Uhm..." nilunok ko ang laway ko dahil kinakabahan ako. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now