Chapter 12

2.9K 30 3
                                    



"Ha?! wait wait wait. Paanong magkahiwa-hiwalay?" tanong ko sa kanya. Malungkot ang mukha niya at dapat magsasalita na siya ng biglang.. 

"Kasi ---" 

Tinawag na ko ni Madge. 

"Faye,sorry. Pero kailangan ko ng umuwi. Ichat mo nalang sakin yung nangyare ah?" tumango siya at umalis na. Pero nagpasalamat muna siya pagkatapos nun.

Pumunta na ko sa kotse at tinanong ni Madge kung ano ang nangyare,sinabi ko sa kanya ang nangyare..

"Eh dapat pinatuloy mo muna sa bahay mo!" sabi ni Madge nung nasa kotse kami. 

"Madilim na eh." 

"Hayy ikaw talaga Suzzane dapat hinatid nalang natin! Para makapag-usap naman kayo or tayo." sinabi ito ni Madge at napa Oo nga noh? ako at lumabas muna ako sa kotse at pagkalabas ko. Tanging usok at ingay ng tricycle ang sumalubong sakin at dun ko nalaman na sumakay na pala si Faye sa tricycle. Bumalik na ulit ako sa kotse. 

"Oh ano na?" tanong ni Madge.

"Wala,sumakay na pala siyang tricycle." pumasok nalang ako sa kotse at sinara ang pinto. 

Pumunta na kami sa bahay namin at kami naman ay naglalaro ni Madge sa iPad niya ng "Virus V.S. Virus" ako yung red at siya yung blue. Salit-salitan ang pagkapanalo namin. At pagkatapos namin maglaro,ngalay na ngalay ang mga daliri namin sa sobrang gigil namin sa larong yun. 

Mga ilang sandali,huminto na ang kotse at nandun na kami sa bahay. Grabe natatawa ako sa itsura ni Madge nung bumukas yung gate. Kasi pareho kami nung reaction nung first time ko rin matira dito sa bahay ng tatay ko. 

Lalo na gabi na at yung fountain ay may ilaw at sobrang liwanag nung pagkabukas nung gate. 

"S-suzzane? G-grabe!" tumawa lang ako at inakbayan siya. 

"I know right?" sinabi ko ito. Teka? Tama ba yung sinabi ko? Nag-English ako? Wow. 

Bumaba na kami para pumasok at nagulat din si Madge sa loob. 

"Grabe Suzzane!" 

"Oo na!" 

Nakita ko si Ate Linda na naglilinis at tinanong kung kakain pa daw kami. Sinabi ko na ipaghanda nalang kami ng midnight snacks at umakyat kami sa kwarto ko. Tinour ko siya sa buong kwarto ko at nakita niya rin yung closet ko at mangha-mangha siya sa mga damit,shorts,dresses,watches,jewerlies,shoes at iba pa. 

"Grabe Suzzane! ang yaman mo talaga!" 

"Hindi nama--" 

"OI OI! Wag kang magdeny! Yung dad mo may isang malaking private school." =_= sinabi ito ni Madge. 

Sa totoo lang ayoko kasi yung sinasabihan akong mayaman kasi feeling ko baka mayabangan yung mga nagsasabi sakin nung ganun. Pero nung sinabi ni Madge yun,wala na kong nasabi. Oo na mayaman na. Pero ayoko talagang mag-yabang. 

Hinanda na namin yung USB ni Madge at sinaksak ito sa T.V. grabe ang daming movies like 

Frozen
Insidious 1 & 2 
The Conjuring 
Monsters University (hala? Bata? XD) 
Gravity 
The Hunger Games 
Catching Fire 
My Little Bossings (wow?) 
Brave 
Tangled

"So Suzzane? Ano papanoorin natin?" Tanong ni Madge sakin habang hawak-hawak ang remote. The Hunger Games,Catching Fire at My Little Bossings palang ang napapanuod ko. Kaya ang hirap magdecide.

"Ano ba maganda?" tanong ko.

"Frozen! Maganda yun promise! Favorite namin ng mga cousins ko yan!" sinabi niya. Sabi nga rin nung iba sa facebook maganda daw ang Frozen. Kahit daw Cartoon maganda parin daw.  

"Sige!" wait lang. Oo nga pala ! Nakalimutan ko may maliit pala kaming cinema sa bahay! 

"Madge! Dun nalang tayo sa sinehan namin!" sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at akala siguro niya,sine na parang sa mga malls. 

"GRABE ANG YAMAN NIYO NGA!" sinabi niya

"Hindi i mean yung sine na pang pamilya lang. Yung mini cinema ganun!" 

"Oo alam ko yun! Sa mga naging kaklase ko wala pang nagkaroon ng ganun! Ikaw palang! Grabe ka!!" sigaw ni Madge habang nakahawak sa balikat ko at inaalog ako. 

"Haha. dun nalang tayo manuod." 

Pumunta kami sa kwarto ni Tatay pero wala siya dun. Pumunta kami sa office at nandun siya. 

"Tay,siya po pala si Madge. Kilala niyo naman po siya." sinabi ko kay Tatay at nakangiti si Tatay kay Madge. 

"I knew her of course! Siya ang laging lumalapit sakin araw-araw for reports." napangiti rin si Madge.

"Tatay. Pwede po ba namin gamitin yung sine? Dun po kami magMOMOMA" sinabi ko ito. Ayos na kami ngayon. Nagsorry kami sa isa't isa. Ayaw na namin maulit ang nangyari nung isang gabi na nag-away kami. Kami nalang kasing dalawa ang natitira. Hindi naman kasi ako binabalikan ni Mama at wala rin naman akong kapatid. 

"Sure! Pasama kayo kay Linda." lumabas na kami at nagthank you ako syempre. 

Bumaba na kami at sakto! Nakasalubong namin si Ate Linda na may dalang isang tray. Wow. Oreos at milk! Grabe favorite ko ito! 

"Ate Linda,sa sine mo nalang po yan dalhin. Dun nalang po pala kami manunuod,salamat po." sinabi ko at pumunta na kami dun. Syempre binukas muna namin yung ilaw sa sine dahil ang dilim kaya! 

Pagkatapos nun nanood na kami ng Frozen at dun kami sa unahan. First time naming dalawang manuod sa sine na nasa bahay. 

Grabe ang ganda ng Frozen,sana ako rin may kapangyarihan kagaya ni Elsa at tatamaan ko si Felicia sa bunganga ng yelo para matahimik. Hindi na kami nakapanood ng iba pang movies dahil gabi na. Dumeretso na kami sa kwarto at ako naman ay hindi nagpaawat sa Oreos kaya kumuha ulit ako sa ref namin. Habang nasa hagdan kami may tinanong ako kay Madge. 

"So Madge! Diba sabi mo sakin ikwekwento mo sakin yung tungkol kay Felicia?" 

"Ay oo nga pala. Sa kwarto mo nalang." pagkapasok namin sa kwarto pumunta agad kami sa kama,nakaupo kami ng Indian Sit at kumakain ng Oreos habang nagkwekwento si Madge. 

"Ganito kasi yun. May Ex ako at nung nanliligaw palang siya sakin ang bait niya,masipag at gentleman. Nung naging kami syempre sweet kami nun. Pero magkalipas nung ilang araw nag-aaway kami dahil sa s*x at ako naman umiiyak dahil ayoko ng ganun. Mahinhin ako dati at hindi ako ganito kumilos. Hindi pa ko mukhang rockstar. Tapos nakita ko siya kahalikan si Felicia,pero di ko agad sinabi sa ex ko na nakita ko silang naghahalikan kasi baka namalik-mata lang ako. Pero nung pangalawang beses ko na nakita. Ayun nag-away kami at nagbreak dahil buntis na pala si Felicia. Matagal bago nakapasok ulit si Felicia, pero buti nalang nakahabol sa mga lessons at naka graduate ng 3rd year." sinabi ito ni Madge at ako naman ay nagulat. 

"Grabe pala yang ex mo,dapat sa ex mo ikaw magalit! Hindi kay Felicia." sinabi ko

"Galit din ako kay Felicia dahil matagal na rin pala niyang alam na boyfriend ko yung nilalandi niya. Imbis na tigilan niya yung ex ko,lalo pa niyang nilandi. Kaya yun. Parang nagbago ako. Naging matapang ako at minsan galit. At sinimulan ko ng kumilos na parang rockstar." sinabi niya. 

Nakita ko na tumulo yung luha niya.. 

"Kaya ayokong magmahal ulit eh. Baka mangyare na naman yan." 

"Hindi ah! Mabait naman siguro Ralph!" sinabi ko ito kay Madge. 

"Oo nga eh,pero hindi ko muna siya sasagutin. Kikilalanin ko muna yung tunay niyang ugali." sinabi niya. 

"Alam mo Madge,kapag nagbago ka. Lalo kang gaganda. Promise!" sinabi ko sa kanya

"Ikaw rin Suzzane." sinabi ito sakin ni Madge. 

Tinandaan ko tong sinabi niya. Gusto ko ng magbago. Ayoko na yung dating ako na parang tanga kung magtype,parang tanga mag pose sa pictures,parang tanga yung pangalan sa FB. Natulog na kami ni Madge matapos ng mga kwentuhan. Habang natutulog si Madge,nagFB ako sa cellphone ko at inedit yung name ko sa FB na Bhoxz Suzxane. Pinalitan ko ito ng...











































Suzzane Bautista.

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now