Chapter 21

3K 35 3
                                    

Suzzane's P.O.V.

"HUH?! Magkaka-jowa ka ulit?!"
"Grabe ang swerte mo sa kanya!"
"Wow naman!"
"Sagutin mo na!"

Nandito kami sa foodcourt ng isang mall kasama sila Faye,Noreen,Khyla at si Madge. By the way,naging close na silang 4 dahil sa birthday ko. At yung 3 bati na. Buti naman nagkaroon na ko ulit ng mga kaibigan. Kinwento ko narin yung nangyari sa birthday ko. Actually hindi natapos yung celebration nung party ko kaya medyo madami ang nabitin. Hindi ko rin nasuot yung pamparty dress ko :/ 

"Wait lang! Relax lang kayo! Nanliligaw pa lang naman. Syempre kikilalanin ko muna!" sinabi ko sa kanila. Kitang-kita sa mukha nila na kinikilig sila,dahil namumula sila at yung mga ngiti nila. Pangmanyak XD.

"Suzzane,nakita ko ang FB niya at ang pogi niya! Daming likers ah!" sinabi ni Noreen

"Naku Noreen,pogi talaga yan lalo na pagnakita mo sa personal,grabe!" tapos nag "Oh?" at nagtanungan na sila tungkol kay David.

Maya-maya after nilang mag-usap.

"Naku sagutin mo na yan!" sabi ni Khyla.

"Agad-agad? Ano ako? Si Anna sa Frozen?" tanong ko.

"Che!"

Kumain kami ng kumain hanggang mamaya may tumawag sakin,tinignan ko at si David ang tumatawag sakin. Uii! Tumatawag ang aking soon-to-be boyfriend! Bago ko sagutin nagtanong si Khyla...

"Hala Suzzane sino yan?" At nag "oo nga" silang 3. Ako naman ay tumawa lang at pumunta sa lugar na medyo konti lang tao,at dun ko sinagot. 

"Hello?" tanong ko. 

"Hi!" sabi ni David. 

"Oh bakit ka napatawag?" tanong ko. Hmm! Ang pogi ng boses ah,kahit "Hi" lang mamamanyak ka na agad-agad. 

"Ahh. Wala-wala gusto ko lang marinig ang boses mo. Miss kita agad eh." T*ngina this. Ang corny talaga ng mga lalaki ngayon noh? Pero kahit corny..... Kapag mahal mo yung tao.... AYT! #KiligMuch

"Miss agad?! Eh lagi nga kitang binibisita sa hospital eh. Arte mo!" sinabi ko. Narinig ko lang na tumawa siya at nagsalita ulit... 

"Nasan ka?" 

"Bakit kailangan mong tanungin ah?" tanong ko ulit. 

"Wala lang,ang suplada mo naman" parang nagmamaka-awa pa yung boses niya. Hayy ano bayan! Bakit ako namumula?! 

"Sorry na po... Nasa mall ako kasama sila Madge. Bakit pupuntahan mo kami? Eh bugbog pa nga yang mukha mo." 

"He! Oh siya. Sige bye na.. Love you." sabi niya. Namula ko dun ah! 

"Anong lab yu? Bakit walang "I"? So ibig sabihin hindi mo ko mahal?" tanong ko.. 

"Bakit.. Ikaw mahal mo ba ko?" sh*t naman toh. 

"Diba sinabi ko na sayo sa hospital! Ikaw talaga.. Ang landi mo rin noh?" sabi ko. 

"Ehh. Gusto ko ulit marinig eh!" hayy ang kulit naman nito. Hindi pa nga kami eh. 

"Oo na mahal kita." 

"Ulit nga?" 

"Naku tama na David. Naghihintay na sila Madge oh! Bye na!" binaba ko na yung CP ko at bumalik kala Madge. 

"Oh ano? Ang tagal niyo ah?" sabi ni Madge. 

"Pasensya na! Ang kulit eh!" Pagkasabi ko nito,ngumingiti sakin sila Madge ng pangmanyak. 

"Ano na naman?!?!?!" nagtawanan nalang ulit kami at nagshopping. 

Pagkatapos pumunta kami sa bahay ko at nag MOMA (Movie Marathon). Pinanood lang naman namin yung "Journey To Fearless" ni T. Swift. Medyo nabago narin namin sila Faye,Khyla, at Noreen. Binago na namin yung mga names nila sa FB at pose sa pictures (syempre pati post.) 

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon