Chapter 60

1.8K 25 1
                                    

GUYS Before you read this sana binasa niyo ulit yung Chapter 59 kasi inedit ko siya. Sa huli ko lang naman inedit kasi baka maiba ko yung flow ng story kapag hindi ko pa yun inedit. (o___;:) 

************************************************

"So you still have feelings for him?" pagtatanong ni Madge. 

Nung umuwi kasi ako nakita ko siya sa isang streets at bumibili kaya naman pinasama ko siya sa bahay. Muntikan ko na nga siyang sampalin dahil sinabi niya na may dinner kami pero hindi ko na nagawa dahil bestfriend ko to kaya nung nakita ko siya,hinampas ko nalang siya ng malakas sa likod at tsaka pinagalitan. 

Nandito na ko sa kwarto ko. Nagbwibwisit,natataranta.. Umaarte. Ang tanga ko naman kasi! Chance na yun oh! Pwede ko nang sabihin! Bakit ba kasi ang duwag duwag ko na? Alam ko na naman na hindi na mauulit yung ginawa niya sakin noon. Nagkakaroon na ulit ako ng tiwala sa kanya pero hindi ganun kalaki kagaya ng dati. Kaya siguro ayaw kong aminin. 

"Oo :3" sinabi ko kay Madge habang nakatakip yung mukha ko ng unan. NAHIHIYA AKO >3< 

"Eh bakit kasi hindi mo sinabi tapos ngayon sakin ka aamin." halatang pataray yung tono ng pagkasabi ni Madge neto. 

Ewan ko ba dito sa babaeng to at bigla biglang nagkakaganyan. Ano nalang sasabihin ng mga magulang ko kapag nalaman nilang nanliligaw ulit si Jarren. Baka magbunganga na naman yun . 

WAAAAHHH! >3< 

************************************

Pumasok na ako sa work para magplano na naman sa September Issue ng Red magazine. Buti nalang at yung iba nakaisip na agad ng news,articles,topics at iba pa. At syempre kagaya ng dati,busy ang lahat. May photoshoot dito,may nageedit dito,may nagpriprint dito,may nagpapasa sakin ng magandang covers. 

MAya-maya dumating na rin si Jarren at may dala dala siyang mga kape. Starbucks ata mga dala niya. Syempre ako napatingin din at bumalik sa ginagawa kong pagpili ng cover. Ang sigla niya ata? 

Nakita ko na kahit nasa cubicle ako na nagbibigay siya ng pagkain at kape. Wow. 

After 1 minute nakita kong pumasok siya sa cubicle ko at binigyan niya ko ng isang tinapay na galing sa Breadtalk at kape sa Starbucks. 

"Ah Jarren..." bago siya maka-alis tinawag ko muna siya pero hindi ako sumigaw. 

"Yes?" tinignan ko siya. At tumayo ako. 

"Pwede bang tigilan mo na yung panliligaw sakin.." bigla siyang tumingin sakin na parang weird. 

"Ha? Wag kang mag-alala,kahapon nagdecide na kong tumigil. Masama bang magbigay ng pagkain? Kung ayaw mo ibigay mo sa mga nanlilimos. Hindi yung nagsasayng ka ng pera." umalis siya. 

Nung umalis siya,nagweird look din ako. Bakit ang daming sinabi nun? Yung totoo? Bitter? o.O 

Napangiti naman ako dahil may smiley face pa yung cup at na-appreciate ko naman. 

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa matapos yung pagbibigay niya ng kape. At maya-maya hindi ko namalayan na nasa harap ko pala si Rose. 

"Oh Rose!" tumingin siya sakin ng parang nagsasabi ng asus. 

"Hayy Suzzane! Ano bang problema mo at tingin ka na naman ng tingin sa kanya?" pagtatanong niya habang inaabot niya yung mga papers,hmm pages siguro ng mga magazines. 

"Wala! Masamang tumingin te?" sinabi ko ng pataray. In fairness,nakakamiss magsalita ng Filipino Accent. 

"We? Aminin mo na. May gusto ka pa rin sa kanya. Bwiset tong babaeng to daming arte,nililigawan ka na ng tao. Inayawan mo pa?!" urgh! Nalilito na ko sa mga nangyayari. 

"EHH!" pinaalis ko nalang siya at tinignan ang mga pages at articles ang mga nagawa ng mga tao dito. 

So far,magaganda naman. Pero napansin ko lang,bakit parang naging mas basic na ang design ng magazine? Ang alam ko si Jarren ang head editor dito. Oo maganda ang edit niya ngayon pero hindi na kagaya ng dati. Anong nangyare? Kasama ba to sa theme ng magazine ngayon? 

Ano ba nangyayare sa kanya? Nawawala na ba siya sa sarili dahil sa ginawa ko? Kailangan ko na bang aminin? WAAAAHHH :3 

****************************************************

"May malala po siyang sakit sir." 

"HA!?!?" 

"Hindi maari! Hindi totoo yang sinasabi mo!" 

"Anong sakit?!" 

"Meron po siyang a--" 

"AAAHHH!!!" sumigaw ako sa kama. 

Hayy nanaginip na naman ako ng masama. Ano ba to. May sakit daw ako. Hayy! Shit. 

Nandito na ko sa bahay at kanina pa ko umuwi,sinabi ko na ipublish na nila ang magazine dahil okay na rin daw. Nandito na ko sa bahay at bumangon ako para magbihis,pagkagaling ko kasi sa office,humilata agad ako sa kama,nahiga... At natulog :3 

Si Coleen,ayun busy sa homeworks,buti nga at nagiging top na siya sa klase,buti nalang hindi natuloy ang sakit niya kung hindi.. Siguro wala na siya ngayon at mananatili akong malungkot. 

At buti naman din tumigil na ang panliligaw ni Jarren sa kanya at sa hindi niya pagsagot sa iba pang lalaki na nanliligaw sa kanya (Kay Coleen) dahil dito,nasira pag-aaral niya. Hindi naman sa gusto ko rin si Jarren pero mabuti na rin na lumayo siya. 

Pero hanggang ngayon,hindi ko maiwasan na maisip si Jarren. Aamin ba ko o hindi. Natatakot na ko,baka masaktan na naman ako at sobrang daming mabibigat na problema ang humadlang samin. Natatakot din ako na mahuli ang lahat,paano kapay nalaman kong wala na pala siyang gusto sakin? >3< Gulung-gulo ako. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now