Chapter 46

1.8K 22 6
                                    

Habang tumatagal,papalapit na ng papalapit ang araw na pupunta na kong ibang bansa para mag-aral. Di ko alam kung handa na ba ko. Napagusapan na rin namin na sila Mama ang magbabantay ng bahay for years dahil sa Hendersonville magfo-fourth year si Coleen...

Speaking of Coleen. Pansin ko na kapag lumalapit ako sa kanya,lumalayo siya. Pag sinasamahan ko siya sa kwarto aalis siya. At hindi na siya laging nakikipag-usap sakin. Kinakausap ko siya kung may ginawa ba kong masama sa kanya pero ang sagot lang niya ay "Meron". Pero di sapat yun na sagot para sakin.. Gusto ko magusap kami. Hindi ko pinapa-alam kala nanay at tatay na ganito si Coleen sakin dahil baka pagalitan pa siya.

Gabi gabi din naririnig ko na umiiyak siya. Hindi ko talaga alam kung bakit.

AT THE SCHOOL...

"Oh Coleen,inumin mo tong tubig mo ah.." sinabi ko sa kanya habang nilalagay ang tubig sa bag niya.

"Oo na Suzzane,hindi na ko bata." umalis siya na walang galang. Grabe naman to.

Habang paakyat ako may kumuha ng atensyon ko sa school grounds. At yun si Tom. Nilapitan ko siya bigla at ..

"PAK!!"

"Aray Suzzane ano ba!" hawak niya sa pisngi niya.

"Masakit? Masakit ba?! Eh mas masakit ang naramdaman ni Faye! Mag-usap kayo gago ka!" umakyat nalang ako sa classroom ng naiinis. Bwisit. Nakakainis talaga ang mga lalaki kahit kailan. Mga manloloko ! >________<

Bago ako makapasok may sumalubong saking 3 babae. Katitingin lang nila sa school grounds at nung nakita nila ko bigla silang ngumanga.

"AAHH! She is the girl who slapped him right?" hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa kanila.

"Yes girl." ngumanga ulit sila.

Dadaan na sana ako pero di nila ko pinadaan.

"How dare you to slap Tom?!" ngumiti nalang ako sa sinabi nila at..

"Alam niyo yang kasing si Tom. Niloko yung bestfriend ko. So tama lang yung ginawa ko. Bye!" tinulak nila ako at napatumba ako sa sahig.

"ARAY!"

"Don't you dare slap him again. Or else...." umalis na sila. Kainis tong mga babaeng to ah. Ang sakit ng pwet ko shaks.

Tumayo na ko at naglakad papunta sa classroom. At pagkapasok ko ayun naghaharutan na naman yung iba. Grabe talaga yung kaninang mga babae. Ganun na ba kalakas ang appeal nila Jarren at Tom? Baka si Gerald at Ralph din may mga ganyang fans naku pag nalaman ko lang.

"Oh Suzzane! Bakit naka simangot ka?" pagtatanong ni Madge. Hindi ko na namalayan na naiinis na ko sa galit.

"Ay wala to. Wala to." sinabi ko nalang habang hinihimas himas yung pwet ko. Eh ang sakit kaya.

Pero habang hinihimas himas ko nakatingin sakin si Madge.

"Hi!" sinabi kong nakangiti.

"Yuck ka Suzzane!" sinabi ni Madge.

"Arte naman neto. Ang sakit kasi eh. Natumba kasi ako kanina."

"Akala ko naman kinakamot mo talaga yung butas." natawa naman ako sa sinabi ni Madge at medyo nandiri.

"Grabe Madge ah. Kung butas yung kinakamot ko pinaamoy ko na sayo!" nagtawanan lang kami.

Sa tingin ko close na closena talaga kami. Sakasongalang di ko siya kayang iwan ng 4 years. Omg. Hayyy bakit kasi sa ibang bansa pa. :3

"Madge... May sasabihin sana ako sayo.." Sinabi ko kay Madge. Time na para makapag-handa na siya habang maaga..

"Oh bakit Suzzane?" Pagtatanong ni Madge...

"Madge, mag-aaral ako ng college sa ibang bansa." Nakatunganga lang sakin si Madge..

"LECHE! Ganyan ka naman Suzzane eh. Ang hilig mong magjoke bwisit ka." Sinabi ni Madge at nakita ko sa mata niya ang luha niya.

"Madge mukha ba kong nagbibiro?" At ayun umiyak na si Madge. Pati ako.

Niyakap niya ko at syempre sinabi na rin naman niya kay Ralph kaya yun si Ralph medyo nalungkot din..

"Oh skype skype nalang tayo nila Madge." Habang yakap ko si Madge,sinabi ni Ralph ito..

"Sure." Sinabi ko at nagsalita na naman si Ralph.

"Mamimiss ko si Jeje Friend hahahahaha.." Napangiti naman ako sa sinabi ni Ralph...

At yun nagtaka na yung iba kong kaklase kung bakit kami nag-iiyakan..

"Wag kayong mag-alala guys,bibisita naman ako dito if bakasyon na dun sa college or kapag nakapagtapos ako. Promise,ililibre ko kayo pagdating ko...."natawa ako dahil pati si Ralph umiyak na. Hahahaha.

Sila Gerald,Tom at Jarren ay lumapit na samin at syempre ganun din sila,medyo nalungkot nung nalaman nila. Si Tom naman ay naguguilt naman sa nagawa niya sa bestfriend ko. Napatawad ko na siya pero si Faye nalang ang hindi. Hindi ako aalis ng hindi ayos ang lahat. Lalo na si Coleen.

******************

Ilang weeks nalang mag-gragraduation na,kumuha na kami ni tatay ng passport ko at kung anu-ano pa. Sinabi ni tatay na enrolled na daw ako dun. Kinakabahan nga ako dahil kailangan magaling akong mag-english. Shiiiiitttt!

Si nanay naman mamimiss daw ako,sa skype nalang daw kami magusap. Si Coleen naman hindi parin ako pinapansin.

Ilang araw na ko nagtataka kung bakit hindi niya ko pinapansin. Oras ko na ito para tanungin siya kung anong problema.

Kami lang dalawa ang nandito sa kwarto,nagcecellphone siya at eto na tatanungin ko na siya....

"Coleen..." Nagroll eyes siya at dapat aalis siya ng kwarto pero tumayo agad ako sa kama at inagaw ang braso niya...

"Bakit ba ganito ka sakin? Ano ba ginawa ko?" Napapahigpit yung hawak ko sa braso niya dahil pumipiglas pa siya...

"Bitawan mo nga ako nasasaktan ako!" Sigaw ni Coleen.

"Coleen tinatanong kita!" Napalakas ng piglas si Coleen kaya nakawala siya sa braso ko.

"Gusto mong malaman ang dahilan?! Mang-aagaw ka ate! Yung matagal kong gusto kinuha mo! Gusto ko si Jarren! Malandi ka!" Hindi ko napigilan na sampalin siya ng malakas..

"Hindi ako malandi Coleen,hindi rin ako mang-aagaw. May sakit ka pa naman,ganyan ang lumalabas sa bunganga mo." Umalis ako ng kwarto at syempre nasaktan naman ako sa sinabi niya. Naiiyak na rin ako habang bumababa ng hagdan..

Aalis ba ko ng bansa na may alitan na namamagitan samin? Hindi ko kaya....

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now