Chapter 74

1.5K 22 1
                                    

Suzzane's P.O.V. 

Pagkagising ko sa place ni Jarren, parang ayoko pa talagang umuwi. Nakakastress sa work eh, mamaya baka mas mataas pa pala yung sales ng Glam. Tutal napublish na naman yung magazines. Gusto ko muna dito, kasama ang taong mahal ko. 

Wala si Jarren sa tabi ko, siguro nasa baba na siya. Bumaba ako para tignan siya, wala siya sa living room, sa banyo wala rin. tiyak yan nasa kusina agad. 

Pagkarating ko dun biglang agaw ang atensyon ang mga pagkain na nakahanda sa gitna ng mesa at nakita ko na si Jarren na naglalagay ng dalawang plato at mga kutsara't tinidor. 

"Breakfast." sinabi niya sakin ng nakangiti. 

Lalapit siya sakin at sinabing 

"Good Morning." ikikiss niya dapat ako sa lips pero natulak ko yung mukha niya. Mukha siyang nagtaka,after 3 seconds... TUMAKBO AGAD AKO SA BANYO PARA MAGSIPILYO. KAKAHIYA,MAGSASALITA AKO TAPOS HAHALIKAN AKO WALANG SIPI-SIPILYO? 

Pagkalabas ko nandun parin siya,iba siya tignan ngayon ah, naka apron pa. Hindi ko inaasahan na marunong pala magluto to eh nung natatandaan ko barumbado ata yan nung highschool kami. Oo,napaka barumbado daw niyan nun. 

"Where's my kiss?" namula ko. Oo nga pala. 

Lalapit palang siya pero tumakbo na ko papunta sa kanya at binigyan siya ng "smack" kiss. 

"Oh ayan na ha. Kain na tayo." gulat ang itsura niya at tumawa nalang ako ng mahina at pumunta na dun sa table. 

Kumain na kami ng kumain ng luto niya,hindi ko kasi alam niluto niya pero parang cake to o bread ewan! 

Pagkatapos namin kumain,kinuha ko muna ang cellphone ko. Naalala ko bigla yung sa trabaho at sila mama at papa. Baka nag-aalala na sila sakin kung nasaan ako,hindi pa naman ako nagpa-alam. 

"Jarren kunin ko lang muna cellphone ko ah." sinabi ko sa kanya at tumango siya. Umakyat agad ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko malapit sa unan. 

20 TEXT MESSAGES. 

Oh my. Eto na nga ba sinasabi ko eh. Tinignan ko na ang messages. 3 kay papa, 1 kay mama, 10 kay Coleen, 7 dun sa mga katrabaho ko. 

Inuna ko yung sa mga katrabaho ko. Sinabi lang naman nila na tumataas ang sales,yung iba naman tinatanong kung bakit ako absent. Nireply-an ko naman sila. 

Pagkatapos nun,yung kay Coleen naman. 

Ate nasan ka? 

Huy ate! Nasaan ka? wala ka daw sa office! 

ATE.

ATE.

ATE!!!

Ate! Umuwi ka na, sila mama at papa hinahanap ka na. 

ATE! May sasabihin sila sayong importante! 

Ate! Kailangan mo ng umuwi! 

Ate, please text back. 

Ate, nagugutom ako. 

ANONG IMPORTANTE? Nagmadali agad akong kuhanin ang mga gamit ko at bumaba ako. Fck wala na kong oras para reply-an siya. Kailangan kong magmadali. Baka nagagalit na sakin sila nanay at tatay. 

"Jarren..." tumingin sakin si Jarren. 

"Ohh? Saan ka pupunta?" lumapit siya sakin. 

"Please, uuwi muna ko." sinabi ko. 

"Oh sige hatid na kita." sinabi niya at tinanggal ang apron

Binigyan ko siya ng poker face.

"Why? What did i do?" pagtatanong niya. 

"Walang katao-tao dito. Ikaw lang may kotse,malayo to. Malamang ihahatid mo ko!" ngumiti lang siya at pati ako napangiti na rin pero nagmadali na kong pumasok sa sasakyan. 

******************************************

The time when Suzzane went to the place of Jarren.

Coleen's P.O.V. 

Kakagising ko palang at wala na agad si Ate sa kama, tinext ko agad siya ng tinext pero wala paring reply. Bumaba muna ko para tignan ang ulam pero hindi ako tuluyang nakababa dahil may naririnig akong usapan nila mama at papa na may kausap na iba. Umupo ako sa hagdan para pakinggan yung usapan. 

"Pakisabi sa anak niyo na tigil-tigilan niya ang paglandi sa anak ko! Hindi siya gusto ni Jarren dahil ikakasal na siya!" narinig ko ang sigaw ng isang babae,babaeng parang matanda ang boses. Hmm . 

"Teka hindi totoo yan,nakikita naming mag-asawa at ang kapatid ni Suzzane na nagmamahalan sila ni Suzzane!" narinig ko si mama 0_0 sinabi niya to. 

"Hindi! Ayaw lang niyang saktan ang anak niyo,pero ang totoo niyan gusto nang makipaghiwalay ng anak ko kay Suzzane! Kaya si Suzzane ang palayuin niyo dahil alam kong ang anak ko ang mananagot kapag siya ang nakipaghiwalay, eh yang anak niyo ang lumalandi." sigaw na naman nung matandang babae,well hindi naman sobrang tanda nung boses.. Parang nanay lang na paganda effect lang pero mas maganda si mama juice ko :3 

"Kaya sige,aalis na ko. Pakisabi sa anak niyo ang sinabi ko. Sorry for my words mare." at nakita ko ang babae,mukha nga siyang nanay. Lumabas siya sa pinto. Buti di ako nakita. 

Pagkatapos ng 3 seconds, bumaba ako at pinuntahan si mama. 

"Ma! Mama.." nakita ko si mama na umiiyak. Si Ate Linda hinahaplos ang likod ni mama para patahanin. 

Miski ako naiiyak sa narinig ko. Pero hindi, hindi ako naniniwalang si Suzzane ang may kasalanan, hindi si Ate. Hindi siya malandi! 

Nang napatahan namin si mama,tinext ko si papa agad agad at si Suzzane. Teka nga nagugutom ako . :3 

*****************************************************************

Suzzane's P.O.V. 

"Jarren,next time nalang tayo pumunta sa bahay mo. May work pa kasi eh okay?" pumayag siya at kiniss ko siya bago ako lumabas ng sasakyan. 

"Bye, i love you." sinabi niya. 

"I love you too. ingat." 

Pumasok na ko sa bahay at pagkabukas ko ng pinto muntik na kong mapasigaw sa nakita ko. Si Coleen,nasa pinto. Nakatingin sakin. 

"AY ANO BA!" siya rin nagulat. 

"Ate!" sigaw niya. 

"ANO?!" sigaw ko din. 

"Totoo ba?!" sumigaw siya. Ano na naman yun?! 

"ANO YUN?!" sigaw ko. Nakakaba tong babaeng to kahit kailan.

"BUNTIS KA?!" nanlaki ang mga mata ko,tumayo ang mga balahibo ko, nagulat ako sa narinig ko sa sobrang bigla ko nasampal ko siya. 

"Aray!" 

"Hindi ako buntis! ano ba! Teka yan lang ba sasabihin sakin na importante?" pagtatanong ko sa kanya. 

"Hindi ate may isa pa." biglang naging seryoso ang mukha niya. 

"Bakit ano pa?" nagign seryoso na rin ako. kinakabahan ako... 

"Yung pagkain ko." nagpoker face ako sa kanya. 

"Isa pa, sasampalin ulit kita!" 

"Hindi ate eto na... Pumunta dito yung nanay ni Jarren,may sinabing... MATINDE." yung pagkasabi pa niya ng matinde, parang nagbibiro. Pero nakakaramdam ako na hindi maganda ang sinabi ng nanay ni Jarren kung may nasabi man siya kay mama o kay Coleen.

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now