Chapter 66

1.6K 21 5
                                    

Coleen's P.O.V.

Pagkagising ko,una kong nakita si Luke na nasa kabilang kama. Teka bakit siya nakahubad? TEKA ANONG ORAS NA?! SATURDAY NAMAN NGAYON KAYA OKAY LANG. PERO NANDITO SILA MAMA AT PAPA.

Tumayo agad ako at lumabas para tignan kung sino ang tao. Whew buti walang tao. Pero si Ate Linda nandun na sa kusina,mukhang nagluluto.

"Ate Linda!" lumapit agad ako sa kanya. Tumingin sakin si Ate Linda at magsasalita pa.

"Coleen! Sino yung lalaki dun na kasama mo sa kwarto ha?" sinabi ni Ate Linda habang hawak pa ang braso ko,yung tipong mga nasa drama daw ba yung paghawak niya sa braso ko.

"Teka Ate Linda,bestfriend ko yun. May road construction kasi sa may tapat ng bahay nila kaya dito muna nakatulog" Psh bestfriend? road construction? nakitulog? Saan ko naman to napulot tong mga salitang to.

SHIT. Ang alam ko ako lang ang nagpatulog sa kanya dito? Shit naman kasi ;3

"Ahh sige sige. Umalis ang mama at papa mo pumunta sa trabaho ha? Nagluluto na ko ng almusal niyo." sinabi niya at napahinga naman ako ng maluwag.

Umakyat muna ko sa kwarto ko at ni Ate pero tulog pa rin siya. Kaya no choice,bumaba ako at pumunta ulit sa kwarto ni Ate Linda.

Pagpasok ko bumungad sakin ang nakatayong si Luke,na nakahubad. NAKABOXERS LANG. WAAHH MY EYES!

"HOY ANO BA YAN!" sigaw ko. Shaks! Grabe!

"Oppss!" nakita ko naman na biglang pumasok sa CR yung lalaking yun.

Grabe ha? Yumm-- WAIT . HINDI SIYA YUMMY! I HATE HIM !

Pagkalabas niya naka shirt na siya at jeans.

"At ano sa tingin mo ang ginawa mo?" pagtatanong ko at nakapamewang. Yung mukha niya. Eto gwapo eh,yung ugali lang eh.

"Psh,don't mind it. Ang init kasi kaya naghubad ako. Hindi ako sanay sa ganitong kainit na kwarto." ABA ABA ABA? YUNG TINULUGAN NAMING KWARTO NAKA-AIRCON PARIN KAHIT KALA ATE LINDA TONG KWARTO. ARTE NETO.

"Ang arte mo! Hindi ka naman gwapo. ANG ARTE MO!" bigla siyang tumayo. Napa atras ako at pader nalang ang nasa likod ko. Wala na kong maurungan. CORNERED.

"What did you just say to me?" nakatingin siya sakin. Ang lapit ng mukha niya. Yung hininga niyang mabango at mainit. Teka?! MABANGO. Grabe ang bilis naman magtoothbrush neto?

"Ah.. Hehe. Sabi ko ang arte mo." lalo pa siyang lumapit.

"Ano ulit?" napalunok na ko sa kaba.

"Ang arte mo?" patanong na tuloy yung nasabi ko.

"Look,hindi ako maarte. Kung maarte ako edi sana hindi ako natulog dito kasama ka." bigla siyang lumayo sakin at kinuha ang cellphone at umupo sa kama.

TEKA MAY IBIG SABIHIN BA YUNG SINABI NIYA? PAALISIN KO NA NGA TO.

"Pwede ka nang maka-alis." sinabi ko at tumingin na naman siya sakin habang hawak ang cellphone.

"K fine." bigla niyang binulsa ang cellphone niya at umalis na. Teka parang napakasama ko naman. Kailangan ko muna siyang pakainin.

"HUY SANDA---" pero wala na siya agad.. HUH? Bilis naman nun. Weird. Buti nalang at tapos na yung niluluto ni Ate Linda. YESS!

*************************************************************

Suzzane's P.O.V.

Nagbibihis na ko dahil niyayaya ako ni Jarren na lumabas at mamasyal. Syempre ako naman todo bihis. Nagsuot lang naman ako ng floral dress at nagdala ng pouch. Pagkababa ko sumalubong ang isang gwapong nilalang na nakatingin sakin na nakawhite shirt at denim pants.

"Oh Jarren nandyan ka na pala." teka. Ngayon ko lang narealize na ang laki pala ng maskels niya. Okay ang landi na.

"Yes. Pinaalam na kita. Tara na?" pagtatanong niya.

"Sige." lumabas na kami at si Ate Linda na bahala sa bahay. Sumakay muna kami sa kotse niya at nagpunta sa kung saan.

Unang-una pumunta kami sa mall at pumunta sa fastfood, dun ko kasi mas gusto kumain.

"Dito rin tayo laging kumakain pag pumupunta tayo sa mall na to." sinabi ni Jarren at pumunta na sa cashier.

Tinignan ko ang place,parang tuloy may naalala ko pero hindi ko ma-explain kung ano yun. Pagkarating niya kumain nalang kami ng kumain at nagusap.

"Uhm Jarren?" pagkatapos niyang maubos ang fries ay sinabi ko to. Tinawag ko siya para tanungin ang isang bagay.

"Hmm?" tumingin siya sakin at seryoso ang mukha..

"Ah.. eh... Kasi ano.. Naloko na ba ko ng isang tao sa love?" parang tuloy ang awkward pero kailangan kong alamin. Wala kasi akong kamalay-malay.

"Bakit mo naman natanong?"

"BASTA." sinabi ko at napatingin ako sa kanya.

"Okay, si David.. Siya ang una mong naging boyfriend . Niloko ka niya." sinabi niya.

"Sa paanong paraan? Saan? Kailan? Bakit?" pagtatanong ko.

"Wag mo nang alamin. Tara may pupuntahan tayo." tumayo na siya at hindi ko natuloy ang aking sasabihin.

Sumakay ulit kami sa kotse niya at nagpunta sa isang hindi naman kalakihan na bahay,tamang -tama lang sa isang tao.

Pumasok kami dun at nilapag ni Jarren ang susi niya sa may sofa at may pinuntahan kami,parang bodega. Pero maganda ang bahay na ito.

"Matagal ko na tong ginagawa,since nung naospital ka." binuksan niya ang ilaw at nakita ko ang mga bagay sa bodega. Ang ganda,puro pictures ko na kasama si Jarren.

"Eto yung favorite mong kanta. Actually kanta natin to noon." nagplay ang isang pamilyar na kanta..

This night is sparkling,don't you let it go...

I'm wonderstruck,blushing all the way home....

I'd spent forever wondering if you know,i was enchanted to meet you...

Huminto na ang kanta matapos kong lapitan ang mga litrato, tinignan ko si Jarren at lumapit din siya sa mga pictures na nasa harap ko.

"Eto yung nasa Christmas Ball tayo,kasama ka fashion show dun. Eto naman yung dance natin dun sa ball." Sa bawat turo niya ay may katumbas na pagkwekwento na galing sa kanya.

Unti unti kong naaalala ang iba,parang naaaninag ba. Bago siya matapos sa pagkwekwento,nagsalita na ko. Oras na para sabihin ko ang gusto kong sabihin.

"JARREN!" napahinto siya sa pagkwekwento sa last na litrato. Tinignan ko rin yun ng sandalian at magkahalikan kami.

"Bakit?" Tumingin siya sakin at lumapit.

"Jarren. Hindi kita mahal. Oo,utak ko ang na-apektuhan. Pero kailangan ko rin magisip,iba na ngayon. Pasensya na. Hindi na ata kita kayang mahalin pa ulit."

Hindi ko na masabi ang reaction ni Jarren pero ang alam ko nalang ay nagulat siya.

Bago ako maka-alis sa bodega niya nagsalita muna ko.

"Gusto kong makita si David,ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko." sinabi ko yun at nilingon siya. Nagulat nalang ako na biglang lumuhod at napahiga si Jarren at may luha sa kanyang mga pisngi..

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now