Chapter 14

3K 35 2
                                    

Author's Note:
Si Felicia po yung nasa picture ! ^^ 

Sh*t! Yung cellphone ko! Lumabas ako sa banyo at binukas ko ang pinto papalabas sa kwarto ko pero nagulat ako at nandun si Ate Linda. Sabay tuloy kaming napasigaw. Hawak-hawak niya ang cellphone ko at binigay sakin. Sinara ko na ulit yung pinto. Hindi lang cellphone ang nakalimutan ko! Nakalimutan ko rin magreply kay Faye! 

Binukas ko agad ang FB ko pero offline na siya. Eto nalang ang nakita kong reply niya....

"d4h1l s4Y0 4nG p4gh1h1wAl4y n4m1nG m4gK4k41b1gAn." 

(Dahil sayo ang paghihiwalay naming magkakaibigan.) 

Huh? Bakit naman naging ako? Eh hindi ko pa nga sila nakakausap or nakaka-away eh! Ano bang nagawa ko sa kanila? Nagreply nalang ako at ang hirap mag jejemon text dito kaya tiniis kong magtype ng maayos. 

"teka? ano bang nagawa ko sa inyo?" tinanong ko sa chat pero syempre nilock ko muna yung cellphone ko para di malowbat. Parang gusto kong magsorry kay Madge. Gets ko naman siya eh. Gusto niya lang talaga akong magbago para maging maayos ang tingin sakin ng mga tao. 

Respeto? Pasensya na pero rerespetuhin kita kung magbabago ka. 

Naalala ko na naman yung sinabi ni Madge sakin. May point naman siya eh. Hindi naman ako karapat-dapat respetuhin kung ganito ako. Napaisip ako ng plano at inunlock yung cellphone ko at pinagbubura ko ang mga pictures namin nila Faye,Khyla at Noreen,at inaamin ko. Medyo nalalaswaan ako. 

Halos lahat na ata ng pictures ko sa FB,dinelete ko na. Nagupload ako ng mga bagong picture at isa na dun ang mga selfies namin ni Madge sa Retrica. Marami rin naman naglikes. Ewan ko ba! Parang sa tingin ko tama yung nagawa ko dahil ang dami ng magagandang comments na dumating sakin. Yung iba naninira parin pero wala na kong pakialam. Wala namang taong walang haters eh.  Syempre pinalitan ko na rin ang profile picture at cover ko. Yung maayos na ako na. 

Sunday ngayon so.. Walang pasok. Sinubukan kong tawagan si Madge para magsorry. Hayy sana sagutin niya.. 

Madge's P.O.V. 

It feels like a perfect night to dress up like hipsters
And make fun of our exes, uh uh uh uh
It feels like a perfect night for breakfast at midni--- 

Sino na naman tong tumatawag na toh? Hayy masagot na nga.

"Hello?" 

"Madge,sorry ah. Kung ayaw kong ipadelete yung mga panget kong pictures. Sorry talaga."  Ah. Si Suzzane pala. 

"Sige okay lang. Nakita ko na naman sa FB na nagbago ka na." 

Pinatawad ko na si Suzzane kasi siya lang ang bestfriend ko sa school. Ewan ko kung bakit ayaw sakin nung mga babae dun sa school. Sinasabihan kasi nila akong mataray. Oo mataray ako kung hindi naman kanais-nais yung ugali nung lumalapit sakin. Pero kay Suzzane,kahit malajejegangstambay yan... Wala akong paki-alam dahil ugali ang tinitignan ko. 

Hindi naman si Suzzane yung tipong gangster na nakikita niyo sa kanto (pero siguro dati ganun siya.) Nag-bye na ko at nag-bye din siya. Sinabi niya sakin na pumunta daw ako sa kanila dahil gusto na niyang magbago. 

Nagbihis na ko at nag-ayos. Kumuha ako ng ballpen at papel. Ewan ko kung bakit nililista ko yung mga dapat kong baguhin kay Suzzane,masyado kasing marami para makabisado. Napuno ko ang dalawang 1/4 na paper kakalista ng mga bagay na dapat baguhin sa kanya. Pagkatapos nun umalis na ko at pumunta sa bahay ni Suzzane.  

Pagkababa ko sa bahay,wala sila mommy at daddy. Nandun lang yung kasambahay namin na naghuhugas ng pinggan. 

"Ate,where's mom?" pagtatanong ko. 

"Ah. Mam,pumunta po sila sa mall kasama si Austin." oo nga pala. Di ko pa nasasabi sa inyo na may kapatid akong lalaki. 8 years old palang siya at medyo makulit. Wala na kong pakialam kung pumunta sila sa mall. Ang pakialam ko ay si yaya lang ang tao dito at pati yung guard samin sa labas. Hayy paano ba ito. Wala akong masakyan. Wala naman kasi si mama at papa (pati yung driver) 

Ewan ko ba kung saan nagpupunta yung mga yan. Baka kasama kasi yung driver sa pagpunta ng mall. Hayy nevermind. Tatawagan ko nalang sila para magpaalam. Naglakad muna ko para pumunta sa sakayan ng tricycle pero hindi pa ko nakakapunta dun,meron dumaan na tricycle at inalok ako. 

"Tara ate saan kayo?" pagtatanong niya. 

Shaks saan bang street yun? 

"Ah basta kuya ituturo ko nalang sayo. Ikaw nalang bahala kung magkano ibabayad ko." pinasakay na niya ko at umupo ako. 

Nung umandar yung tricycle,grabe! Ang bilis naman magmaneho nito ni kuya! Grabe yung salpok nung hangin sakin. Nakapalda pa naman ako. Hinawakan ko nalang yung palda ko para hindi liparin. Tinuro ko rin dun kay kuya kung saan yung bahay at sa wakas! Nakapunta na rin kami. Binayaran ko si kuya ng 40 at pansin ko hindi pa siya umaalis. May tinanong siya.. 

"Ah ate,kaano-ano mo yung nakatira diyan?" tanong niya. Parang seryoso siya. 

"Ah,kaklase ko po." 

"Anong pangalan?" tanong niya 

"Suzzane Bautista po." napangiti si manong driver ng tricycle. 

"Sabi ko na nga ba eh. Pakisabi naman sa kanya na sana masaya na siya." sinabi niya at umalis. 

Hmm bakit kaya? Ano kaya niya yung driver? Ex? HALA?! 

Kumatok ako sa gate nilang napakalaki. Ewan ko ba kung bakit ganito yung gate nila,kung sa bagay. Parang mansyon kasi yung bahay nila Suzzane kaya ganito. Nagdoor bell ako at nagulat ako dahil isang pindot ko palang ng doorbell ay may bumukas na ng pinto. Si Suzzane ang nagbukas ng pinto. Naka-earphone siya at nakikinig sa songs niya sa cellphone niya. Nakita ko sa cellphone niya yung album cover ng RED at nakalagay yung All Too Well. Sinabi niya kasi sakin na favorite niya yang kantang yan. 

Buti naman unti unti na siyang nagbabago. Una sa facebook,yung pagtytyppe,profile pics,cover at yung name. Tapos ngayon yung kantang mga pinapakinggan niya ang aayos na ng meaning. At accept ko naman na Swiftie siya (Taylor Swift fan) ako rin naman kasi eh. Kaya lagi kaming nagkakaunawaan. 

Pumasok kami sa kwarto niya at pansin ko wala rin si Mr. Bautista. Puro mga katulong lang din ang mga nandun. Tinanggal ni Suzzane yung earphones niya at nilagay ang cellphone niya sa kama at may sinabi sakin.. 

"Madge?" 

"Bakit?" tanong ko. 

"Tulungan mo naman akong magbago oh?"  

Nang narinig ko tong sinabi niya,hindi ko napigilan ngumiti sa sobrang saya. Ayoko naman kasing tumalon talon dun sa kwarto niya na parang bata noh. Dinaan ko nalang sa ngiti at yakap. Kinuha ko ang listahan ng mga babaguhin ko sa kanya. Yung iba dun chineck-an ko na kasi nagawa na niya. 

Una kong ituturo sa kanya ay kung pano ngumiti ng maayos,magpose ng maayos. At paano magPOST ng mga status ng maayos. Pansin ko kasi na mali mali yung mga points or bantas kung tawag sa Filipino. At tsaka yung pagtytype dahil minsan capital yung isang letter yung isa hindi. Pero buti nalang iPhone ang gamit niya. Ang hirap magjejemon sa iPhone. Pagkatapos nun ay kung paano gumalaw na parang mayaman. Tinuruan ko siya nito dahil mayaman siya. PERIOD. Pangatlo naman ay yung pag-aayos niya at pananamit. Pagkatapos nun nagpahinga muna kami at nagpractice ng mag practice. 

"Madge parang hindi ko na kaya." sinabi ni Suzzane habang tinatanggal yung high heels sa paa niya. Pinagprapractice ko rin kasi siyang gumamit ng ganun. 

"Ano ba! Try and try until you die! And if you die... uhm... GOODBYE." walang umimik. Ang corny ko kasi eh. Pinasuot ko ulit yung high heels niya at pinaglakad siya ng maayos. Hayy Suzzane! Bakit kasi ganyan ka kumilos! URGH!! 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now