Chapter 25

2.5K 22 0
                                    

Pagpasok ko sa bahay, nakita kong nakaupo sa sofa ng living room si David,nakasalubong ko rin si Ate Linda na may hawak na tray. 

"Oh Suzzane! May bisita ka,pinakain ko muna kasi baka matagalan siya ng paghihintay. Sige aalis na ko." umalis na si Ate Linda at pagpasok ko lumingon si David at tumingin sakin. 

"Where have you been?" tanong niya. Grabe nakakatakot pakinggan nung boses niya. Galit ba siya?

"Sa kaklase ko lang." sinabi ko ito ng mahinahon para hindi niya mahalatang natatakot ako sa kanya. 

"Where have you been?" tanong niya ulit pero mas malakas yung pagkasabi niya. Gosh kinakabahan ako. 

"Wala ka bang tiwala sakin?" tanong ko. 

"Meron,pero tinawagan ko lahat ng classmates mo at wala ka daw dun. Pero sinabi ni Madge na dinala ka daw nya sa club kagabi. At yun ang nakakainis." Hala,anong sasabihin ko. 

"Nagpalasing ka daw,tapos nandun daw si Jarren at inuwi ka." yumuko si David ng sinabi niya ito. 

"Nagawa ko lang yun kasi hindi mo ko pinapaniwalaan!" sigaw ko sa kanya. 

"Saan?" tanong naman ni David

"Sa mga sinasabi ko! Sa sinasabi kong si Felicia ang may kasalanan! Bakit ba hindi mo ko pinapaniwalaan?" tanong ko. Pero nakapoker-face lang si David at binigay ang isang invitation. 

"Iniinvite kita sa birthday ko. Sige bye." umalis na siya. 

Nakakainis! Nakakainis talaga! Hindi ko alam gagawin ko! 

**************************

Nandito ako sa gate ng school para hintayin si Jarren. Tinetext ko na siya pero hindi siya nagrereply. Nakita ko si David na papasok at parang upset. Lalapitan ko na sana siya ng biglang lumapit sa kanya si Felicia at yun yung dahilan ng pag-ngiti ni David. Aaminin ko nag-selos ako at nalungkot. 

Parang ang dating kasi eh mas mabuti para sa kanya si Felicia. Hayy wala na kong magagawa kung hindi siya maniniwala. Habang iniisip ko toh may tumapik sa ulo ko. 

"Huyy! Eto na ko." ay. Si Jarren lang pala. 

"Alam ko may mata ako." pumasok na ko at siya sumunod den. Ayan na naman,makiki-iscan na naman siya at magkatapat na naman kami pagpasok. 

Buti nalang hindi kami nagkadikitan ng ano. Pagkapasok ko nandun agad si Madge na umiiyak. 

"Suzzane sorry talaga! Naiinis ako sa sarili ko sa mga ginawa ko!" ngumiti lang ako at niyakap siya. 

"OA naman neto,ako naman may kasalanan kung bakit ako nalasing eh. Pinapatawad na kita." pinunasan na ni Madge yung mga luha niya at tumingin naman siya sakin. 

"Oo nga pala yung dress ko?" tanong niya. Hala tinapon nga pala ni Jarren! 

"Uhm,tinapon ni Jarren eh." nanlaki mata niya at tumakbo siya papunta kay Jarren at naririnig kong tinatanong niya kung bakit niya tinapon yung dress. Nagsmirk nalang ako at umakyat na sa room. 

Habang wala pa yung teacher,hiniram ko muna yung invitation ni David sa kaklase kong invited din. Kinabukasan na pala ito. Isusuot ko nalang yung black dress or party dress ko na dapat isusuot ko sa birthday ko pero di natuloy. 

Hindi naman nagtagal ang mga lessons ng mga teachers at nagegets naman lalo na sa Math and Science. Habang kumokopya ako ng notes,hindi matanggal sa isip ko kung pupunta ba ko sa birthday ni David? Ano kaya ireregalo ko? 

Umalis na ang last subject teacher namin,hihintayin nalang namin yung adviser na idissmiss kami. Pumunta ako kay Madge at tumabi sa kanya. 

"Madge samahan mo naman ako mamaya,bibili kasi ako ng regalo kay David." sinabi ko at pumayag naman siya. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now