Chapter 38.2

2.1K 25 2
                                    

Si Amanda? Paano naman niya nalaman ang number ko? Ginawa ko nalang ang mga ginagawa ko pero may nagtext na naman at si Amanda ulit. Parang bumabalik na naman sa isip ko ang mga nangyari dati. Yung araw na iniwan niya ko at buhat buhat ko si Suzzane nung sanggol pa siya.

Umiiyak ako dahil sa sinabi niyang hindi daw niya kayang alagaan ang anak namin dahil hindi payag ang mga magulang niya sa relasyon namin. Lalo na kapag nalaman pa ng magulang niya na may anak na kami.

Tinignan ko ang sumunod na message niya sakin.

"This is me Amanda, sorry kung naistorbo pa kita. You can save my number na"

Hindi parin ako magrereply at hindi na talaga. Hindi ko pa rin natatanggap ang ginawa niya sakin.

*******************

Suzzane's P.O.V.

Umuwi na rin naman agad si Jarren dahil magrereview pa daw siya,syempre ako rin naman kailangan ko pa rin magreview para manatiling nasa Top 10 ako <3 <3 <3

Pagkahatid ko kay Jarren sa sakayan ng tricycle umuwi na ko kaagad. Pagkapasok ko sa bahay,nakasalubong ko pa si tatay at nagmamadali pa siya. 

"Oh tay san ka pupunta?" pagtatanong ko. 

"Sa school lang. Diyan ka muna,magreview ka na para sa test mo,malapit na." sumakay na agad si tatay sa kotse at ako naman umakyat na ko sa kwarto ko para magreview. 

Pero bago ako makapasok sa kwarto ko narinig ko sa kwarto ni tatay na nagriring yung phone niya. Pumasok ako sa kwarto niya at kinuha yung phone ni tatay. Unknown number yung tumatawag. Hmm sagutin ko kaya. Nakakatakot kasi baka magaya ako sa "Scream" hahahaha

"Hello po?" sinagot ko na dahil baka importante. 

"Hello? Pwede po ba kay George?" hala baka katrabaho ito ni tatay. 

"Ay! Umalis na po siya. Mahalaga po ata ang pinuntahan niya." sinabi ko yun. Babae yung tumawag eh. Hala si tatay ! Baka GF niya ito ah. 

"Ahh pakisabi nalang sa kanya na tumawag ako ah. Tumawag si Amanda pakisabi. At pakikamusta yung anak namin si Suzzane salamat." tumigil ako ng sandali at nagulat sa mga narinig ko.. 

Siya ba yung nanay ko? Hindi ako makapaniwala na tinawagan na ko ng nanay ko. Gusto ko pa sanang sabihin na ako si Suzzane pero binaba na niya kaagad. Tumakbo agad ako para sabihin kay Ate Linda. 

"Ate Linda! Si nanay tumawag kay tatay!" sigaw ko at syempre pati yung ibang katulong nagulat. 

"Oh? anong sabi?" pagtatanong ni Ate Linda.. 

"Eh akala niya hindi ako si Suzzane. Pero sabi niya,sabihin ko nalang na tumawag siya." 

"Oh edi tawagan mo ulit!" sabi naman ni Ate Linda.. 

Tinawagan ko naman pero... 

"Ate Linda.." sinabi ko ng mahina.. 

"Oh ano na naman yun?" 

"Wala naman load si tatay eh." 

Hinintay ko nalang ulit tumawag ang nanay ko. Grabe! Gusto ko siyang makausap. Parang nawala ang galit ko sa kanya dahil iniwan niya kami ni tatay. Di ko alam siguro namiss ko lang talaga siya,ni hindi ko siya nakita o nahawakan man lang. Pangalan nga hindi ko alam eh. 

11:30 na ng gabi pero wala pa ring tumatawag. Nagreview na rin naman agad ako para malibang ako at may matutunan na sa darating na test. Pero kahit natapos na ako magreview wala paring tumawag. 

Dumating na rin pala si tatay at sinabi ko sa kanya ang mga nangyare. 

"Tatay! Maniwala ka sakin tumawag siya! Kung gusto mo magpaload ka tapos tawagan mo siya!" sabi ko sa kanya. Hindi kasi siya naniniwala na tumawag. 

"Wag na. Akin na yan. Hindi ka ba nagagalit sa kanya? Iniwan niya tayo kasi daw hindi ka niya kayang alagaan. Pumasok ka na sa kwarto mo at matulog ka na. Gabi na." sinunod ko nalang ang sinabi ni tatay. 

Naiintindihan ko naman ang nararamdaman ni tatay pero gusto ko lang naman makausap ang nanay ko. Baka nga pinagsisisihan na niya yung mga ginawa niya tapos alagaan niya ulit ako. Ishh alam kong mali ang ginawa ni nanay,hindi niya kami napaglaban. Pero kahit na ganun,nanay ko pa rin siya. Sakasongalang... hindi siya ang nagpalaki sakin. 

Teka... Pareho lang pala sila ni tatay. Hindi rin ako ginawang alagaan nung bata ako. Hayyy :/ 

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon