Chapter 34

2.5K 31 2
                                    

Madge's P.O.V.

7:00 AM ako ng nagising ako at sila Suzzane tulog na tulog pa rin. Nandito kami sa sahig ni Noreen dahil silang 3 nandun sa kama at buti nalang may foam sila kaya dito nalang kami sa sahig natulog.

Nagsipilyo at naghilamos na rin naman agad ako. At grabe. Dahil sa excite nagising ako ng ganito kaaga. At iniisip ko rin kasi yung mga mangyayare sa set-up. Lalo na pareho na ng nararamdaman si Jarren at Suzzane. Sobrang bilis ng pangyayare dahil gusto narin pala ni Suzzane itong lalaking ito.

Sinabi na rin kasi ni Suzzane na ang problema lang daw kasi kay Jarren ay ang ugali niya kaya tinago nalang niya ang feelings niya kay Jarren dahil wala naman daw siyang pag-asa. Kaya ngayon nalilito siya kasi nga may pag-asa siya! Gosh! <3 <3 Thank you God dahil binigay niyo kami ng couple na ganito!

Gusto ko sanang magprepare ng breakfast para sa kanila. Yung tipong ako yung naghanda XD Kaya bumaba muna ako at hinanap ko si Ate Linda. Syempre si Ate Linda lang naman ata close kong kasambahay nila Suzzane noh? At pagkababa ko sakto nasa kusina siya at may hinahanap.

"Hello ate Linda!" sabi ko.

"Oh gising ka na pala. Sila ba gising na?" nagpatuloy pa rin siya sa paghahanap pagkatapos niyang sabihin ito.

"Naku po,tulog na tulog po sila."

"Kung sa bagay maaga pa naman. Eh ikaw bakit ang aga mo naman magising hija?" tanong niya. Grabe talaga tong kasambahay na toh. Napakabait. Sana madaming Ate Linda sa mundo.

"Ah wala lang po. Gusto ko lang po sana maghanda ng breakfast para sa kanila okay lang po ba?"

"Ah eh,wala ngang mga sangkap or kahit anong pagkain para ihanda sa kanila eh." kaya pala naghahanap si Ate Linda.

"Sige maggrogrocery muna ako ah. Diyan ka muna o kaya akyat ka na." sinabi sakin ni Ate Linda at syempre gusto kong sumama kaya..

"Wait Ate Linda gusto ko pong sumama okay lang po ba?" tanong ko.

"Oh sige."

Kaya ayun. Nagayos muna kami ni Ate Linda at sumakay na kami sa kotse para pumunta ng supermarket. Oh ang taray diba? Talagang supermarket talaga kami. Iba talaga pamilya ni Suzzane. Ang nakakapagtaka lang,nasaan na kaya ang nanay ni Suzzane?

Pagkababa namin nandito na kami sa supermarket at una kaming bumili ng mga ingredients na pangbreakfast at iba pang pangangailangan. Sa kusina nila. Nagulat ako ng may babaeng kumausap kay Ate Linda. Mukhang mayaman yung babae at blonde siya. Mukhang nanay na pero sexy at fresh pa rin.

"Linda? Ikaw ba yan?" sinabi niya ng nakangiti at nakabusangot lang ang itsura ni Ate Linda

"Oo." sinabi ni Ate Linda ng matamlay. Teka anyare? Nandito lang ako sa likod nila hawak hawak yung handle ng cart.

"Naku kumusta ka na? Si George ba kumusta na?" si George... Yung tatay ni Suzzane. Oh diba alam ko? Malamang president ako ng school eh. Yabang :) XD

"Okay lang siya. Mayaman na siya ngayon at kasama na niya yung anak niya." sinabi yun ni Ate Linda at hinila na niya yung cart at ako naman ay nagulat kaya tinulak ko nalang yung cart.

"Teka Linda sandali lang." huminto yung cart nung nagsalita yung babae

"Sinong anak? Si Suzzane ba? Y-yung anak namin?" ngumiti lang si Ate Linda sa babae at sinabing..

"Diba tinanggi mo yung anak mo? Dahil sabi mo nun magagalit yung pamilya mo? Oh ayan. Anak lang yun ni George. Hah. Kung nakita mo lang silang dalawa. Mas masaya sila kesa sayo." at umalis na kami ni Ate Linda.

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon