Chapter 30

2.8K 32 0
                                    

Bakit ba lagi nalang nasisira ang mga magagandang nangyayare sa buhay ko dahil sa isang tao?!

Bakit nagawa ni Jarren ang mga bagay-bagay na ganun? Yung totoo? Every christmas prom ba nanghahalik siya ng tao? Nakaka-bwisit! Kung kailan naman magsesembreak na,naging usap-usapan pa ko sa school...

"Ayan ba yung anak ni Mr. Bautista? Grabe nangyare sa kanya noh?"

"Ang taray nga eh,nagpastraight ng hair."

"Sabi nila naging boyfriend niya rin yung isa pang crush ng campus na si David eh."

"Naku tapos susunod si Jarren ang aahasin niya?! No way!!"

"Sige go girl! Kahit Queen yan ng Prom tatalunin natin yan!

Ayan ang mga naririnig ko habang naglalakad ako sa hallway ng school. Pati ba naman buhok ko naging usap-usapan na din? Tinignan ko nalang sila ng masama at hindi rin naman sila nakatingin sakin ng deretso kaya dumeretso na ko sa classroom.

Pagkapasok ko sa school,nakikita ko na naman na naghaharutan ang klase at si Magde naman saway ng saway eh wala namang nakikinig sa kanya.

"Hi Madge.." sinabi ko ng matamlay at umupo ako.

"Hayy naku pagpasensyahan mo na si Jarren ah,nagkaroon siya ng 5 day suspension,or sabihin na nating 1 week."

Kahit papaano ay nagulat ako sa sinabi ni Madge na na-suspend daw si Jarren

"Ha?! Sana kahit 3 days lang kasi hindi naman niya sinasadya! Wala na ngang natutunan sa klase tapos hindi pa papasok?" sinabi ko. Teka bakit ba concern ako? =______=

"Kasi naman bawal maglasing ang mga estudyante dito kapag may events or program. At tsaka HELLOW?! Dalawang beses na niya ginawa eh.. At tsaka ikaw na nga nagsabi,walang ng natututunan pero bakit papasok pa? Duhh." Maarteng sagot ni Madge habang naglilista ng kung anu-ano..

Kung sa bagay may point siya,pero bakit ba ko nakakaramdam ng awa sa kanya kahit 35% lang. Ano ba yan! Kagabi pa kong ganito,iniisip ang mangyayare kay Jarren..

Recess na at hindi na muna ako sumabay kala Madge dahil lagi nalang ako pinaguusapan at iniinterview ng mga ibang section.

Naglibot libot muna ako sa school,kay tatay naman ito kaya pwede kong libutin.

Tinignan ko ang iba't ibang rooms ng elementary at ang gaganda.. Nang mabored na ko,umakyat nalang ako sa rooftop ng school namin at nakikita ang buong grounds at yung arena. Nagstay nalang muna ako dito at hihintayin ko mag 10:30 AM. Yun kasi yung time namin eh.

Kinuha ko sa bag ko ang libro ko at nagbasa. Naghanap naman ako ng pwesto kaya tumingin ako sa paligid ng rooftop at nakita ko si JARREN!

Teka?! Bakit nandito si Jareen? At bakit suot-suot pa niya yung damit na sinuot niya kagabi?! Baka naman dito siya nagstay kagabi?! HALA!

Pinili ko nalang manahimik at magbasa. Pero hindi ko magawang magconcentrate sa binabasa ko dahil sa itsura ni Jarren! Nakahiga kasi siya tapos naka bukas yung suit and tie niya.. Oohh ang.. Hot. ISH!

Tinakpan ko nalang yung view niya o kaya tumalikod nalang ako para di siya makita. Tinitignan ko rin ang relo ko pero ang tagal pa mag 10:30!

Nagulat ako ng gumalaw siya at umunat at biglang sumigaw!

"WAAAHHH!"

"AY!!" ako rin ay napatili sa sigaw niya.

Mukhang kagigising palang ng mukha niya at magulo ang buhok! Di ko ba alam kung bakit kahit ganito na yung itsura niya,ang pogi niya parin!

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon