Chapter 68

1.6K 25 5
                                    

Just shake it off! shake it off :D And all my haters gonna hate hate hate hate :D Oh hi guys! KlydeSwiftie here! I'm back! Updating... chapters...in a very slow edition. But anyway i'm just here to promote my or our favorite singer's new single for her 5th album called "1989". So would you mind if you listen to it please? Make sure to find the original one because there's a lot of covers,parodies or fakes so to make your life easier *giggles* i will put it in this chapter! Is it okay with you? Okay? Okay. (i'm back for updating chapters so i hope some of the readers would come back and support MJP. thanks long live :D)

*******************************************

Suzzane's P.O.V.

Halong galit at inis ang nararamdaman ko para kay Jarren,tinanong ko ang mga kaibigan ko kung ganun ba talaga si Jarren. NAMBUBUGBOG KAPAG NAGSESELOS?! MADALING MAGALIT?!

At ayun,ang sagot nila ay Oo. Matagal na din daw magka-away ang dalawa. Pero di ko na sinabi sa kanila ang kinwento sa kin ni David na nangyare kung bakit kami naghiwalay. Dahil alam ko na naman eh,na hindi naman totoo yung mga sinabi nila sakin kung bakit kami naghiwalay.

Si David,lagi kong kinakamusta sa texts,nabalitaan ko na rin naman eh. Kaya tinawagan ko si Jarren nung naka-alis ang mga kaibigan ko. Tinawagan ko siya na magktia kami.

Nagbihis na ko at bumaba sa bahay,tinignan ko siya sa may gate nakita ko na siya ang lalaking sumira sa relasyon namin ng totoo kong minahal.

Binuksan ko ang gate at sinampal ko agad siya ng malakas. Napahawak siya sa pisngi niya,hindi siya nagsasalita samantalang ako ay humihinga ng mabilis at naluluha.

"Bakit mo ginawa yun?" mahinahon kong sabi. Hindi niya ko pinapansin,tinitignan at hindi siya sumasagot.

"Sumagot ka! Bakit?!" sumisigaw ako,wala namang makakarinig samin dahil ako lang mag-isa sa bahay at si Ate Linda,pinatulog ko muna.

"Bakit mo rin sinira ang relasyon namin?" ngayong oras tinignan niya ko.

"Sinira? wala akong sinisira." sinabi niya ng mahinahon.

"Eh ano yung sinabi ni David?! HA?! ANO YUNG SINABI NIYA?!" hindi na naman siya tumitingin sakin.

Napaiyak na ko at napatakip ng mukha,mga ilang segundo huminahon na ko at isang katahimikan ang nabuo ng mga 3 seconds at nagsalita na siya...

"Tapos ka na?" hindi ako makasagot sa tanong niya,parang gusto ko rin siyang ipabugbog!

"Pinapunta mo lang ba ko dito para ganunin mo ko? Para sigawan mo ko? Para sampalin mo ko? Baka kulang pa yun?" bigla akong napatahimik sa tanong niya. Nabawasan ang galit ko.

"Akala mo ba ang dali lang para sakin na pakawalan ka? At mawala ka sakin? Akala mo madali lang yung gabi gabi sumasakit ang ulo ko kakainom ng kung ano ano para lang makalimutan ko yung sakit pero hindi ko makalimutan? Akala mo ba madali lang yung may makikita akong may kasama ka? Wala akong karapatan pero takot akong mawala ka ng tuluyan sakin! Si David? Pinapaniwalaan mo? Dahil ano? Magaling yung storya na ginawa niya? Maganda ba? Pang Wattpad na ba ha?! Galit ang mga kaibigan mo dun dahil siya ang may kasalanan sa pag hihiwalay niyo. Hanggang kailan ka ba mabubulag sa katatahonan? Memorya lang naman naapektuhan sayo ha! Ano bakit? Siguro pagkagising mo sa ospital nung pinakita sayo yung picture na yun ginusto mo siya no? Eh tangina pala eh pagandahan ba ng picture?! Sige! Bibigyan kitang madami para sakin ka lang mapunta! Oo! Masama akong tao,pero kahit kailan hindi mo inayawan! Ngayon lang..." napatahimik ako. Naiyak ako sa sinabi niya at nakita ko siya na naluha na rin.

"Tama na!" sigaw ko. Hindi ko na kinaya ang mga sinabi niya. Ano ba kasing mga ginawa ko. Parang gusto kong sumigaw ng napakalakas sa mga ginawa ko,sa mga paggalaw ko. sa mga sinabi ko .

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon