Chapter 63

1.7K 30 3
                                    

Jarren's P.O.V. 

Oo nga pala.. Nandito ako sa hospital.. Hinihintay ang paggising ni Suzzane..

Tumayo ako sa sofa at nagulat ako sa nakita ko.. Si Suzzane.. Gising.. Kasama niya si Ate Linda at si Khyla. 

"Suzzane!" tumakbo ako papalapit sa kanya. 

"Ugh" teka umiwas siya.... 

"Suzzane.. Ako to.. SI Jarren ang boyfriend mo.." sinabi ko sa kanya. 

"Ah... hindi kita ma---" naputol ang sinabi niya. Nang bigla akong hilahin nila Noreen at Faye.. 

"Aray ano ba! Kailangan ko siyang makita!" sigaw ko. Ngayon ko lang na-alala na may amnesia pala siya. 

Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. May mga nurse na nagpakalma sakin. Nakabukas ng konti ang pinto at nakita ko ang mukha niya.. Ang mukha niyang nagtataka at nakatingin sakin.. Nag-aalala... 

*************************************************************

Suzzane's P.O.V. 

Nakita kong sumigaw ng sumigaw yung Jarren... Parang gusto ko siyang lapitan.. at yakapin.. Hindi ko naman sinasadya na magkaroon ako ng sakit. Naaawa ako sa kanya,sa kanila.. Dahil hindi ko na sila maalala. 

"Suzzane,wag ka ng mag-alala.. Makikilala mo rin siya." hinalikan ako sa noo nung Ate Linda. 

Hindi ko rin siya kilala. Parang nararamdaman ko na parang lahat sila nasaktan. Buti nalang hindi ako nawala,kung hindi lalo silang malulungkot. 

Maya-maya dumating na ang mga magulang ko. Iba pala ang mukha nila sa personal. Ngayon ko lang sila nakita,pero alam ko na naman na ilang beses ko silang pinalaki. Kinwento sakin nila Noreen,ang mga kaibigan ko.. Na hindi sila ang nagpalaki sakin kung hindi ang Tita at Tito ko. So sila pala ang mga magulang ko. 

"Suzzane anak." niyakap ako ng nanay ko at hinalikan naman ako sa noo ng tatay ko. Salamat nalang sa Diyos at buhay ako,kung hindi.. Paano na sila? Paano na silang mga nagmamahal sakin? 

Tinanong lang naman nila kung okay lang ba ko. Gusto ko ng umuwi. Teka? May hindi pa nga pala ako nakikita... Ang mukha ko. 

"Ate Linda,pwede po bang pagamit ng CR?" okay na naman ata ang iba kong katawan na nasugatan sabi ng doctor,ayos na rin ang pakiramdam ko pero ang ala-ala ko hindi pa. 。・゚゚・(>д<)・゚゚・。 

Pumunta na ko sa CR at naghilamos. Sila nanay at tatay ay bumili ng pagkain para sa miryenda. Ako naman nandito. Binukas ko ang gripo para kunyari gumagamit ako ng CR. Nakatingin lang ako sa salamin. Iba ang itsura ko,blonde ang buhok ko,blue ang mga mata ko. Sa nanay nga siguro ako nagmana.. At ngayon ko lang nalaman na...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

ANG GANDA KO PALA! <3 O(≧∇≦)O  

Lumabas na ko ng banyo at humiga na ulit ako. Nanood na muna ako ng TV. Nilipat ko lang ng nilipat,hindi ko naman kasi kilala ang mga pinapanood ko. Siguro kung wala lang akong traumaticalicalical ewan! Siguro kanina pa ko nanood. 

May nalipat ako sa isang channel at nakikita ko.. ang sarili ko.. Ako.. Naggigitara? Madaming tao ang nanonood sakin? Ako? KUMAKANTA?! 

"Ate Linda!!" sigaw ko. 

"Oh bakit?" tumakbo siya at lumapit sakin. 

Tinuro ko dhan dahan ang TV. Hindi ko maexplain kung ano ang title ng kanta pero puro siya "Re-e-ed." ang ganda niya.. AKO ATA YUN?! MAGKAMUKHA KAMI?! O BAKA AKO YUN?! 

"Ahh.. Anak si Taylo---" naputol ang sinabi niya ng nagsalita ako. 

"Ay. Kala ko ako. Ganda naman ng boses niya." pinanood ko lang ang music video. Bumalik na ulit si Ate Linda sa paghuhugas ng pinggan. "Red" pala ang title ng kanta. 

Pumasok ang 3 kong kaibigan.. I mean apat na sila. Yung isa, Si Madge.. Siya daw yung naging bestfriend ko simula nung pinasok ako sa school ni tatay.. Ang Hendersonville. 

"Uy Suzzane,eto na yung pagkain mo. Kain tayo,sila tita.. Umalis muna,si tito kasi may kailangan puntahan sa school . Si tita naman inaasikaso yung Red company." oo nga pala, ang Red magazine company. Hindi ko manlang naasikaso yun. Oo nga pala,September na. 

Habang kumakain ako,tumabi sakin si Jarren.. 

"Are you sure you can't remember me?" pagtatanong niya. 

Tinignan ko siya. Parang pakiramdam ko,kilala ko siya ng lubusan pero kung iisipin ko.. Hindi.. Parang siyang isang taong nakasalubong ko lang sa daan na hindi ko naman kilala. 

Bakit iba ang feeling ko? Sa pakiramdam parang kilala ko siya,pero sa isipan hindi. Oo nga pala.. Amnesia . 

"Jarren..." pagtatawag ni Madge.. 

"Let her answer." sinabi naman ni Noreen. 

BAKIT GANITO?! ANG LAKAS AT ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO?! Yung titig niya,yung mukha niya,yung kagwapuha-- wtf. 

"Someday i will remember you." tinignan ko rin siya. Oo nga pala.. Siya daw ang mahal ko. Hindi daw ako naka-amin sa kanya. Ayokong saktan siya at sabihin na deretsuhan na hindi.. 

Nagulat ako sa susunod niyang ginawa.. Kiniss niya ko sa noo,nakita ko ang 3 kaibigan na nagpapaluan at ngumingiti at si Madge patuloy ang pagkain. 

May kakaiba kay Madge.. Kaibigan ko nga ba talaga siya? 

*********************************************************************************

"Sa ngayon nagfufunction na ulit ng normal ang kanyang utak.. Unti unti siyang makaka-alala so she must take her medicine daily. And dun sa mga kaibigan niya,please let them introduce to your daughter kasi mabuti yun. Para mas madali niyang maalala. Sige po." lumabas na nag doctor pagkasabi nito. Nandito sila lahat. Ang mga pinakilala sakin ng mga kaibiga nko. Bukas na nga pala ang alis ko dito. Marami na kong nakilala at nakaclose. Ang kapatid ko,lagi siyang nakayakap sakin dahil daw hindi na daw niya maalala yung mga memories namin. 

Minsan naiisip ko,ano kaya ugali ko dati. Ni hindi ko man lang alam kung nasaktan ba ko sa pag-ibig o eto ang una. Wala naman kasi sakin kinekwento ang mga kaibigan ko tungkol sa love except lang sa dapat aamin ako kay Jarren. 

Paano kung matagal pa bago ako magkaroon ng alaala. Makakapag hintay kaya si Jarren? Ang sinasabi nilang pinakamamahal ko? Paano kung dumating yung araw na sumuko siya,ako.. Matututo kaya akong mahalin siya? Ayoko siyang mahalin lang dahil mahal ko siya noon.. Gusto kong mas maramdaman ko ngayon na mahal ko siya. Na totoo ang nararmdaman ko. Paano kung hindi naman nangyare yun? Hayyy ang negative ko naman mag-isip.. Teka? Negative din ba ko mag-isip kagaya ng dati? 

Kinakabahan ako... Sana sa isang araw bigla nalang akong kidlatan ng ala-ala, at dun ako magka-alala. 

**********************************************************

Hey guys Klyde here! Medyo matagal na ang paguupdate ko no? Haha. Pasensya na,nagbrown-out kasi ng halos isang araw dito kaya hindi ako nakapag-update. ^____^ bye. Hanggang sa last chapter at sa susunod na stories sana suportahan niyo ko. Mag-aaral lang muna ko at dun ko irerelease yung new story ko. Syempre,magprapractice na kong gumamit ng words. BYEE :D 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now