Chapter 20

2.8K 32 1
                                    

Author's Note: 

Si Suzzane po yung nasa picture,ayan po yung itsura niya ng nasa birthday na siya. 

David's P.O.V. 

Nandito na ko ngayon sa event ng party niya. Maganda rin dito,maraming tao at ang fairytale ng dating nung party niya. Nakasuot na lahat ng tao ng masks at ako naman na sa isang table ako kung saan may 3 babae at isang lalaki. Pansin ko kilala na nila ang isa't isa. At sa tingin ko ako lang ang hindi nila kilala sa table. Hayy.. Ano bayan. May mga table number kasi sa invitation namin at kailangan namin sundin yun. 

Maya-maya biglang pumatay ang ilaw at may nagsalita. 

"Ladies and Gentlemen,the princess has arrived" sinabi nito at nagpalakpakan kami at tumayo ang lahat. Inaabangan namin kung nasaan. Maya-maya may bumukas na spotlight at tumapat sa may pinto sa likod at puro camera flashes agad ang nagsindihan. 

Nagpalakpakan pa sila lalo at yung iba nagsigawan na dahil bumukas na ang pinto at nandun si Suzzane,ibang-iba ang itsura niya. Lalo siyang gumanda. Hindi ko napigilan ang pag-ngiti ko at pag-palakpak ng malakas. Ang ganda niya talaga. Ang ganda niya talaga paginaayusan. Syempre maganda parin siya kahit walang make-up oh ano man. 

Madami rin naganap sa birthday. 11:58 PM na kaya dapat lumapit na ko kay Suzzane para siya ang maging kapartner ko sa dance. Pero hindi naman kami sasayaw,kukunin ko lang siya at dadalhin dun sa garden ng event at sasabihin ko na ang nararamdaman ko sa kanya. 

Lumapit ako pero syempre hindi ako tumakbo kasi baka mamaya madapa ako. Nakita ko na siya,nakita ko na yung mga mata niya at hinahanap niya ko. Oo nga pala dapat pala nakavest ako hayy! 

Pagkalapit ko sa kanya,bumaba siya ng stage. Dapat hahabulin ko na siya pero lumapit siya dun sa lalaking nakavest din. Parang familiar sakin yung vest na yun. Familiar din ang kumuha nung vest na yun... 

Bumulong ako at parang nataranta. 

"S-si... Jarren." 

Biglang pumatay ang ilaw at walang nakikita ang lahat ng tao,bigla nalang sumigaw lahat ng tao at nagpalakpakan dahil oras na para tanggalin ang masks nila. Hinanap ko siya,kinapa-kapa ko ang dinadaanan ko. Pansin ko nakalabas na ko ng party room. Medyo maliwanag dun. Maya-maya biglang may tumakip sa bibig ko at nawalan ako ng malay. 

Suzzane's P.O.V. 

Tinanggal na namin ang masks namin. Habang madilim pa kinapa ko kung nasa harap ko na ba si David,kasi sabi niya may sasabihin siya sakin at dapat daw kami daw magkapartner pagpatak ng 12:00 AM . Ng bumukas ang ilaw. Parang nagslowmotion ang lahat. Parang nagkaroon ng glitters sa paligid namin ng makita ko si Jarren... SI JARREN?! Si Jarren ang kapartner ko?! 

"AH!!! EHH ! IH OH UH!" sigaw ko pero hininaan din. Bumalik ang vision ko sa normal. 

"Woah!? Bakit ikaw pa?" tanong niya na parang bigla akong binitawan. Nakahawak na kasi ako sa balikat niya. Akala ko kasi si David siya. 

"Ako dapat ang nagtatanong niyan! T-teka? Nasan si David?" tumingin-tingin ako sa paligid ko. Pero dinumog ako nung iba kong kaibigan at sinabihan akong "Ganda mo na", "Antaray!", "Ganda ni pards!" nginitian ko na lang sila. Pero maya-maya umalis rin sila para pumunta sa kapartner nila. 

Huhu :( buti pa sila komportable sa mga kapartner nila. Tumigil ako sa paghahanap at tinignan ulit si Jarren,nagsmirk siya at tumingin sa gilid. 

"Oh anong ngini-ngiti mo diyan?!" tanong ko. Nadala na ko sa emosyon ko dahil baka natuloy na yung plano ni Felicia. 

"Ikaw ha,may plano pala kayo ni David." kitang kita sa mukha ni Jarren na parang nalungkot siya pero pinipilit ngumiti nung sinabi ito. 

"Bakit? Ano bang paki-alam mo?" tanong ko. Bigla kong hinablot ang braso niya. 

My Jeje PrincessOnde as histórias ganham vida. Descobre agora