Chapter 18

3K 27 0
                                    

David's P.O.V. 

"Oh Masquerade yung theme ng party mo?" pagtatanong ko habang kausap ko si Suzzane sa canteen. Nandun din si Ralph at Madge,nagliligawan. Kami naman ni Suzzane.. May sariling topic.

"Oo!" sagot niya. Ang cute ng expression ng itsura niya,parang excited na excited siya.

"Naku kailangan ko ng bumili ng damit. Basta ang damit ko ay nakapolo akong long sleeves tapos nakavest. Bibili na ko mamaya kasi Friday naman ngayon. Maaga uwi." Tumango naman si Suzzane at kumakain lang siya ng lunch. Ako naman nagbabasa lang,tinatawag na ko ng mga kasama ko pero di ko sila pinapansin. Dito muna ko kay Suzzane.

"So... Pupuntahan kita bago mag 12:00 midnight dahil may ibibigay ako sayo at may sasabihin din ako."  sinabi ko. Oras na para sabihin ko ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

"Ahh. (ngumunguya pa siya) bakit hindi mo nalang sabihin ngayon?" pagtatanong niya. Parang lumalakas yung tibok nung puso ko. Baka kasi mahalata niya.

"Ahh. K-kasi mas maganda kung sa birthday mo nalang." sinabi ko at nag "Ahh" nalang siya. Tsk! Napaka-manhid naman! Hayy,ako lang ata ang may kasalanan.

Uwian na at hindi daw makakasabay si Suzzane sakin sa pagbaba sa school dahil daw magpapatahi pa daw siya ng gown na isusuot niya sa birthday niya. Sumakay na ko sa kotse ko at nagpahatid sa mall.

Pumunta ako sa department store para maghanap ng vest at polo na long sleeves. Nakabili na ko ng shoes,polo,pantalon at kulang nalang ay vest. Naglakad-lakad ako at sakto ang nakita kong vest! Yung gusto ko pang style! Tumakbo ako at kinuha ako pero nagtaka ako kung bakit di ko nakuha..

Nakita ko na may nakahawak na rin pala....

"Wait ako nauna dito." sinabi ko dun kay........... JARREN! Si Jarren?!  Si Jarren ang nakahawak dun sa isang stock nung vest. 

"Ako kaya. Kanina pa ko naghahanap at nakita ko toh. Sakasongalang bigla kang umepal." sinabi niya. Hayy napaka-yabang talaga ng g@gong toh! 

"Hoy! Ako ang nauna at --" 

"Ako!" 

"AKO!" 

"AKO!!!" 

Parang kaming batang nagaagawan nung vest maya-maya may humawak sa balikat ko at sa balikat ni Jarren.. 

"Boys wag na kayong mag-agawan." tumingin ako at nakita ko si Felicia. Isa siya sa mga chicks ng Hendersonville High School pero mas maganda parin si Suzzane. 

Tumingin kami ni Jarren sa kanya at nagtinginan kami sa isa't isa. Maya-maya ay biglang inagaw ni Jarren yung vest at pumunta sa dressing room. ISSHH! Paano ako makikilala ni Suzzane sa masquerade theme birthday party ni Suzzane?! Hayy.. Usapan pa naman namin yung ganung vest dahil konti lang ang nagsusuot ng ganun.  

No choice kundi.. Yung polo nalang yung susuotin ko. Ishh Gag* talaga tong Jarren na ito! Paepal! 

Jarren's P.O.V. 

Nandito ako ngayon sa fitting room buti nalang at napunta sakin yung vest. Sakasongalang... Si Felicia yung dahilan kung bakit ko nakuha ito. Eww. 

Sinukat ko na rin yung polo na binili ko at pati yung vest maya-maya binukas ko ang pinto upang tanungin si Felicia kung bagay. Sinama ko na siya sa pamimili ko dahil siya ang makakapili sakin kung ano bagay saking damit para sa birthday party ni Jejegirl. 

Pagkabukas ko ng pinto,biglang lumapit sakin si Felicia at itinulak akong papasok sa fitting room at nilock ang pinto. Nagulat ako ng bigla niya kong hinalikan at hindi lang basta isang halik lang kundi french kiss. Maya-maya ako na rin ay humalik pabalik pero natandaan ko... Si Felicia tong kahalikan ko. Bigla ko siyang tinulak papalayo at pinunasan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. 

"Anong ginagawa mo?!" tanong ko sa kanya. Wala naman tao sa fitting room so.. Pwede ko siyang sigawan. 

"Oppss hihi." what? Baliw na ba tong si Felicia. 

"I-i'm sorry! Pasensya na." inayos niya yung sarili niya at nagpunas din ng bibig. 

"Sige okay lang." sinabi ko.. 

Hindi ko na tinanong sa kanya kung bagay ba sakin. Sinara ko na rin ang pinto at nagbihis ulit at umalis narin. Binili ko na rin toh dahil ito rin ang gusto kong vest.. Unique kasi eh. 

Suzzane's P.O.V. 

Nandito kami ngayon sa panahian ng damit. Maganda rin yung bahay nung mananahi. Ang dami ngang tela sa paligid at ang dami ring mga pictures ng mga gowns and dresses na dinesign niya. Grabe ang gaganda. 

"Huy oh! Tignan mo toh! Siya pala yung nagdesign ng damit na toh! Nakita ko toh sa facebook eh!" sinabi ito ni Madge habang ako ay tumatakbo papalapit sa kanya. Tinuturo niya yung naka frame na picture at maya-maya dumating na yung mananahi. 

"Oh Mr. Bautista! Good to see you back! The last time i saw you ay yung araw na nagpatahi yung asawa mo ng gown tapos ikaw naman ang kasama niya nun!" sinabi niya. Babae ito,mga 30+ na ang itsura. 

"Ahh yes yes.. I remember! By the way this is Suzzane my daughter and this is her bestfriend Madge." ay ang taray! English speaking silang dalawa. Ngumiti samin pareho yung mananahi.

"Hi! Nice to meet you,i'm Alison. You're so gorgeous naman!" sinabi nung mananahi 

"Thank you po." 

"Hehe. So.. Upo muna kayo paghahanda ko kayo ng makakain." sinabi nung mananahi at pumunta sa kitchen. 

Umupo kami dun sa sofa at may binulong sakin si Madge. 

"Bakit ako hindi niya ko sinabihan ng gorgeous,pretty,maganda or kahit cute lang. Ang ganda ganda mo kasi eh!" sinabi niya ito at pinalo niya ko ng mahina. Tumawa lang ako. 

Maya-maya bumalik na yung mananahi at may dalang pagkain at coffee. 

"Uhmm. Alison,nandito kami para magpagawa ng damit sa darating na birthday ni Suzzane sa Monday." sinabi ni tatay at ngumiti lang si Alison

"Ay kayang-kaya ko yan. Ano ba yung design iha?" tinanong sakin at ako naman ay nakapag-isip na ng design. Kasi nung nasa kotse palang kami.. Nag-isip na kami ng design. 

Drawing lang ng drawing si Ms. Alison at pagkatapos niyang i-isketch. Tugma na tugma yung nasa isip ko at dun sa drawing. 

"So ganyan ba?" tanong niya 

"Opo." sagot ko ng may ngiti. 

"Beautiful design." sinabi ni tatay. At ako naman ay nagthank you. Napa-"oo nga eh" si Ms. Alison. Maya-maya tinawagan na niya ang mga workers niya at kami ay patuloy parin kumakain.

Nalaman na namin kung kailan kukuhanin or makukuha yung gown (sa Sunday,the day before my birthday) Excited na talaga ako sa Monday! Nung nasa bahay na ko. Kasama ko na naman si Madge dahil mag-slesleep over daw siya. Kasi daw nag-aaway yung mama at papa niya. Nagpaalam nalang siya at pinahiram ko ng pajamas. 

Maya-maya habang nagmo-movie marathon kami ni Madge may tumawag sakin.. Uknown number na naman. Hindi naman toh si David kasi sinave ko na yung number niya. 

This night is sparkli--- 

"Hello?" 

"Hoy! Hindi mo sinabi sakin na masquerade yung party mo!" teka sino toh? Maka-sigaw toh oh.

"Hoy sino ka?" tanong ko 

"Si Jarren toh!" ay. 

"Hoy sinabi ko sa facebook wag kang OA diyan!" 

"Ay oo nga pala sorry." sinabi niya. 

"Tss sige na bye!" 

Binaba ko na yung phone at pinagpatuloy parin yung panonood ng movie with Madge. 

Author's Note: Sketch po ng gown ni Suzzane yung nasa picture para sa birthday niya! :) (not my picture) 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now