Chapter 41

2.1K 20 0
                                    

Saturday ngayon at sa wakas tapos na rin ang test. Gusto kong sabihin kay tatay ang mga nakita ko kahapon. Yung asawa ni nanay,at yung bagong anak niya. Kaya pagkagising ko syempre nagsipilyo agad ako at naghilamos alangan namang deretso kausap kay tatay?

Pagkatapos kong magsipilyo dumeretso agad ako sa kwarto ni tatay at nandun siya nanonood ng basketball. Pumasok nalang agad ako.

"Tay! Nakita ko si nanay kagabi may kasama!" pero nakatingin lang si tatay sa TV at hindi tumawa or ngumiti or kung ano man. Pero nagsalita siya.

"Oh anong nangyare?" mukhang matamlay ang boses ni tatay.

"Ahh.. eh.. May bagong asawa na pala si nanay?" kunyari masaya kong sinabi pero sa tingin ko pareho lang ang naramdaman namin ni tatay.. Parang sinasaksak ng kutsilyo sa dibdib. Pinatay ni tatay ang TV at ngumiti. Pupunta na sana siya sa banyo pero nagsalita ulit siya.

"I guess she's happy right now. With her new husband." at pumasok na siya. Awts. :/

Kainis naman kasi si nanay eh! Bakit kasi ganun siya kahina. Hayyy.

******************************

Bumalik ulit ako ng kwarto ko pero nakita ko ang phone ko na nagriring at unregistered ang number,hindi naman ito si nanay dahil nakasave na ang number niya sakin. Hmm sino kaya ito?

"Hello?"

"Hey. Eto ba si Suzzane?" babae. Mukhang familiar.

"Ah. Oo."

"Hi! Si Coleen toh!" ay si Coleen pala.

"Ah hello!" kunyari masaya ako. Pero sa totoo lang nalungkot ako bigla.

Di ko alam,kapag nafefeel ko presence ni Coleen parang nalulungkot ako kasi nga diba.. Alam niyo na? :/

"Suzzane, free ka ba ngayon?" mukhang masaya siya.

"Ah oo."

"Coffee tayo! Ngayon na. Sa MOA tapos pasyal na rin tayo dito. Bihis ka na ah." What sa MOA pa talaga? Ish. Sige na nga.

"Ah. eh." nagdadalawang isip pa ko.

"Okay lang yan! Susunduin nalang kita Bye!"

At syempre sinunod ko naman siya. Ish. Parang ang childish naman neto. Tinagalan ko na rin ang ligo at bihis ko dahil baka mamaya hindi naman niya alam papunta dito at baka nagpapaganda pa.

Simple lang naman sinuot ko,shirt na may design na triangle or diamonds at nakatack-in na shorts. Nagshades na din ako dahil mainit.

Bumaba na ko para dun hintayin si Coleen.

"Oh si Suzzane,saan ka pupunta? Ang ganda lalo oh!" Sabi ni Ate Linda at ngumiti nalang ako.

"Ah yung kaibigan ko kasi nag-yayaya magmall kasama siya so susunduin nalang daw niya ko." Sinabi ko at kumuha muna ko ng cookies sa ref kasi baka matagal akong maghintay...

Pero nabigla ako dahil may biglang bumusina sa labas..

"Ate Linda pakitingin nga po kung sino po yung tao. Salamat.." hindi ko pa nga nakakain yung cookies ko eh >3< ...

Bumalik na rin naman agad si Ate Linda at sinabing...

"Hindi ko po kilala pero babae po siya,Coleen daw pangalan niya." At ayun nagayos na ko at lumabas na. Nagpaalam na rin ako kay tatay. At ayun pumasok na ko sa kotse niya.

At ang taray ah simple lang ng suot ni Coleen at siya lang yung nagdridrive.

"Wow ang ganda naman ni Ate Suzzane!" Ate? Bakit? Sabi ko na nga ba childish to eh.

"Ate? Call me Suzzane nalang!" Sinabi ko at umupo na ko sa passenger's seat.

"Eh. Mas matanda ka sakin eh,4th year ka na,ako 3rd year palang." 1year lang pala agwat namin netong babaeng toh. :/

Pero ang ganda niya ngayon ah. Nakadress lang siya na puti maganda na. Hayy hindi ko talaga alam kung pagkakatiwalaan ko ito eh. Kikilalanin ko muna siyang mabuti. 

Pumunta muna kami sa cafe. Naglakad kami papunta sa cafe at ang daming tumitingin samin. Hmm bakit? Dahil ba sa itsura namin. OMG! Feel ko tuloy yung paglalakad ko dahil sa kanila. 

Parang nagslowmo ang lahat dahil sa paglalakad namin dahil feel ko talaga ang presence.. Nagulat nalang ako ng tinawag ako ni Coleen. 

"Suzzane! Bilisan mo! Haha" hindi pala nagslow-mo ang lahat. Ako lang talaga ang bumagal maglakad. XD

"Ay sorry!" nakarating na rin kami sa cafe at bumili na ko ng coffee jelly. Dun muna kami nagstay ni Coleen at nagusap.

"Suzzane,hindi ba talaga familiar yung mukha ko sayo?" pagtatanong niya sakin habang nakikipagtext ako kay Madge at kay Jarren.

"Ah eh. Hindi eh." uminom muna ko ng binili ko at nagsalita ulit siya.

"Psshh.. Hehe. Tiga Hendersonville din ako :) Iba nga lang section ko at syempre hindi mo talaga ako makikita dahil iba ang school hours at breaks natin. Hindi kasi ako pala-labas ng classroom,dun lang ako nagbabasa ng pocket books."

"Tiga Hendersonville ka? Bakit di kita nakikita? Hahaha. Kung sa bagay magkaiba nga school hours natin." at yun nagkwentuhan na naman kami. Hindi muna ako nagreply sa mga katexts ko.

"Uhm Suzzane pwede ba ako mag.. kwento sayo?" nakangiti niyang sabi.

"Oo naman :)" sinabi ko ng nakangiti. Ang nice na kasi ng tingin ko sa kanya kaya komportable na kong kausap siya.

"Ahh kasi may nakikita akong lalaki sa school. And napakapogi niya. Sabi nila may GF na daw yun. Pero kahit na ganun. SHIT LANG TALAGA." natawa naman ako sa itsura niya dahil namumula na siya at super ang kilig niya.

"Haha. Alam mo na ba name niya? Anong year?" pagtatanong ko.

"Hindi ko nga alam eh. Bwisit kasi mga kaklase ko. Sila lang may alam kung ano ang info ni crush. Takot sila dahil baka maagaw ko daw." natawa na naman ako dahil nagroll eyes siya.

"Haha okay lang yan. Sino ba GF niyan? Bugbugin na ba natin?" tumawa kaming dalawa. At kahit nagtitinginan na samin yung iba hindi parin kami tumatahimik.

Pagkatapos namin magcoffee,pumunta naman kami sa arcade at naglaro. Hindi ko na pinapansin yung cellphone ko sa bulsa dahil kahit nagvivibrate eto hindi ko pinapansin. Nasa Dance Central kaming dalawa ni Coleen at ang galing niya rin sumayaw. Ako naman ginagaya ko nalang yung mga steps na pinapakita sa monitor. Pagkatapos ng time ng credits namin sa Dance Central,kinuha na namin yung tickets..

"Grabe nakakapagod!" pagrereact ko habang pumupunta kami sa tindahan nung arcade para mamili ng prizes.

"Oo nga eh." pagsasagot ni Coleen sakasongalang mahina ang pagsagot niya. Umupo muna siya ng sandali.

"Teka Coleen okay ka lang?" pagtatanong ko...

"Oo... Okay lang ako. Ate." tinawag na naman niya ko ng Ate. Nagulat nalang ako ng bigla siyang natumba at hinimatay. Humingi agad ako ng tulong. Hindi ko alam ang nangyare kung bakit bigla siyang nagkaganun. 

************************************************

Nandito kami ngayon sa hospital. Nandito rin si nanay. Sa kotse ko lang nabasa ang mga texts. Si Nanay pala ang nagtext at pinaalala niya ko na may sakit daw si Coleen sa puso at bawal daw siyang magpagod pero mahilig daw magpagod etong si Coleen kahit bawal. Kaya dapat daw may tubig siyang dala. 

Kasalanan ko toh. Ang tanga tanga ko. 

"Nay pasensya na po." 

"Okay lang Suzzane. Alagaan mo nalang ulit ang kapatid mo kung mangyayari ulit yun" nabigla ako sa sinabi niya. 

"Kapatid?" 

"Oo Suzzane,kapatid mo sakin. Payag na naman siya. Gustung-gusto ka niyang makausap dahil maganda ka daw." at ngumiti kaming pareho ni nanay at nagyakap. 

Ngayon ko lang nayakap si Nanay. Naiiyak na naman ako. Buti nalang at may "kapatid" na ako. Isang kapatid na maganda,mabait... at may sakit. :( 

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon