Chapter 26

2.7K 27 1
                                    

Suzzane's P.O.V. (si Suzzane po yung nasa picture,ayan po ang kanyang itsura sa party ni David)

Pinatawag na ni tatay ang mga make-up at hair designers para ayusan ako sa birthday ni David,ako ang girlfriend kaya dapat maayos akong tignan. Alam na rin pala ni tatay ang tungkol samin at okay lang naman para sa kanya ang relasyon namin. Sakasongalang hindi na daw niya sagot kung magkakaroon kami ng problema dahil daw pinili namin mainlove.. Humanda daw kami sa mga masasakit na mararanasan namin. 

Pumikit ako habang mina-make up-an ako. Hindi kasi ako sanay na naka-dilat dahil baka di na ko masurprise. Kaya pumikit nalang ako. Pansin ko rin na ang daming nilalagay sa mukha ko at ang dami din nilalagay sa buhok ko.  After 20 minutes dinilat ko na ang mata ko at nasurprize ako sa itsura ko. 

"Teka? Ako ba toh?" tanong ko. 

Nagtawanan naman ang mga fashion designers na nag-ayos sakin. Bumukas ang pinto ng pagkasabi ko nito at si tatay ang pumasok. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ko nag-aayos,malaki naman yung kwarto ko kaya pwede na dito. 

"You looks so gorgeous Suzzane!" sabi ni tatay at ngumiti naman sakin ang mga fashion designers,magaganda rin naman sila kaya nginitian ko din. 

"So? Who want a cups of coffee?" tanong ni tatay at bumaba na sila. Naiwan ako dun sa kwarto ko at meron na namang pumasok,si Ate Linda. 

"Ay ang ganda talaga ng anak ko oh!" sabi ni Ate Linda,nilapag niya muna ang panlinis ng alikabok sa table ko at hinawakan ako sa magkabilang braso. 

"Ang laki ng pinagbago mo!" sabi ni Ate Linda,dala-dala din niya ang sandals na isusuot ko sa birthday. Sinuot ko na rin ito at iniwan na ko ni Ate Linda. Kinakabahan ako sa gift ko,binili ko kasi yung figure ni Luffy,alam ko kahit 4th year na siya magugustuhan naman niya yun. Ididisplay nalang niya. 

Bumaba na ko at excited na ko! Ano kayang itsura ni David? Siguro napaka-pogi ng boyfriend ko ngayon! Si Madge kaya? Oo nga pala invited din si Madge dahil naging close narin kasi sila ni David dahil sa akin. Kaya ngayon kasabay ko si Madge. Pagkababa ko sa hagdan nakita ko si Madge na nakaupo narin sa couch at hinihintay ako. 

"Suzzane! Ayan ka na pala! Antaray ang ganda! Selfie tayo!" sabi niya na parang excited pa. 

Maganda rin si Madge ngayon,rockstar na rockstar ang dating. Nakadress kasi siya ng dark na brown then na ka sneakers at naka high socks. Mukhang baduy pero bagay sa kanya. 

Naka-ilang pictures din kami ni Madge at inupload din namin sa Instagram,oh alam ko na ang instagram! Ang dami na ngang nagfofollow sakin eh! Famous si Madge sa FB ngayon at ako din? Kasi ang mga likes ng DP namin ay umaabot ng 1K minsan. 

Ngayong nagpicture kaming dalawa,superdaming naglikes. Yung ibang naglkes hindi naman namin kakilala ni Madge,siguro mga likers lang. Nakakatuwang pagmasdan na wala ng bad comments hindi katulad ng dati. 

"Oh ano tara na?" pagkatapos namin mag-ayos ayos ni Madge ay umalis na rin kami. Sumakay kami sa kotse ni tatay at syempre si Manong ang magdadrive dahil may gagawin pa daw si tatay. 

Nakita ko sa FB wall ko na may pictures na agad sa birthday ni David,may nakita pa nga ako na photo nilang dalawa ni Felicia eh. Nakakainis! Magsama sila! 

Hindi nagtagal at nandito na kami sa venue. Pinagtitinginan kami sa loob. Maraming tao at mukhang mayayaman ang mga tao. Yung ibang lalaki naman grabe. Ang lalandi,kinukuha pa mga CP numbers namin ni Madge,pero etong si Madge nilabanan niya at umupo na kami sa upuan namin. 

Nandito na kami ni Madge sa table number 13,malapit din naman kami dun sa pwesto ng family ni David at nakita ko rin si Felicia na naka-blue. Umupo siya sa table number 14 pero bago siya umupo dinaanan niya ko at binulungan. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now