Chapter 73

1.4K 23 3
                                    

TUESDAY 

"Now we have 5 days left to prove them that we can keep our business better." 

naguusap usap na kaming lahat. Nakasave na lahat, ang cover, ang pages, ang pictures, articles, lahat lahat ng ilalagay namin sa magazine. Pagkatapos naming magusap-usap dun na kami nagsimula ng printing and packaging. 

Lahat sila kumikilos, dahil kapag bumaba ang sales ng magazine namin, tiyak mawawalan sila ng trabaho. Alam ko naman na mas bebenta na ang magazine namin ngayon. 

Habang gumagawa sila at binabantayan ko sila (syempre tumutulong ako.) bumukas ang pinto at nakita namin si Jarren. Kahapon kasi absent siya, hindi rin kami nakapagusap ng persona kahapon, chat lang. May problema ba siya? Tinanong ko kasi siya kung bakit di siya pumasok kahapon sabi naman niya pumunta daw siya dun sa kamag-anak nila. Pero ngayong nakita ko na siya,parang iba ang aura niya. Wala siyang emosyon ..

"Sorry i'm late. Kain ka na." kiniss niya ko sa cheeks at binigay niya sakin ang pagkain niyang dala.

"Sige mamaya na. So piniprint na nila yung mga pages and covers, tignan mo kung okay na." tumango siya at pumunta na siya dun sa mga nagpiprint. 

Pag tinitignan ko siya,seryosong seryoso siya pero hindi naman siya galit. Yung tipong wala lang talaga siya sa mood para ngumiti. Bhala na baka pagod lang. 

WEDNESDAY 

Nagsisimula na ang advertisement ng Red magazine sa iba ibang channel. Binebenta na rin ng ibang book stores ang magazine, nakikita namin sa IG posts ng mga celebrities na bumibili sila, may mga kabataan ding bumibili dahil theme ng magazine namin ay pagbabalik sa kabataan or teens. 

Nagtretrending din kami sa ibang mga social medias. Si Jarren, masaya naman pero absent na naman siya. Sa Text at chats nalang kami nakakapagusap. Ang huli lang niyang text sakin ay.. 

Unang araw palang ang dami ng bumili ng magazine. So proud of my princess. Sorry ah,di muna ako papasok ngayon sa work. Promise malalaman mo rin kung bakit. I love you so much. 

Ang weird talaga. 

Jarren's P.O.V. 

Magdedecember na. May plano na ko. Ayokong ikasal sa babaeng di ko naman gusto. Ang plano ko ay dalhin si Suzzane sa isang malayong lugar at doon kami titira. I don't care kung hindi payag ang pamilya niya at ang pamilya ko basta ang mahalaga, walang makakapag pigil kung ano na ang meron kami. Itatanan ko siya. 

Hindi ako pumasok ng trabaho ng 2 araw dahil naghanap ako ng maliit na bahay na pwede na samin ni Suzzane. 

At buti nalang nkahanap ako agad. Pero may bumabalabag parin sa isip ko. Ang sinabi ni mama, ang mga "consequences" daw na haharapin ko. I won't let those consequences break my plans. 

Nung pangalawang araw, nagdala na ko ng iba kong mga gamit at nilagay ko dun sa magiging bahay namin ni Suzzane. 

Alam kong papayag si Suzzane,mahal niya ko. May tiwala kami sa isa't isa. Sila mama at papa, di ko na pinapansin pero ang alam ko siniset-up na nila ang kasal. Si Shailene, pumunta dito kahapon pero buti nalang umalis ako nun. Ayokong makita ang babaeng pwede namang umayaw sa plano nila . Alam naman niya na may minamahal na ko. 

Bumaba ako para umalis, pupuntahan ko si Suzzane. Sasabihin ko sa kanya ang plano ko. 

"Jarren nandito na ang damit mo para sa kas--" pagkababa ko nagsalita agad si papa dala-dala ang isang suit and tie. Pero hindi ko siya pinatapos.

"I don't care dad." pati si papa, both of them are forcing me to marry that bitch . 

Lumabas ako ng bahay at sumakay agad sa sasakyan at pinuntahan ko si Suzzane. Pero nung inistart ko ang engine ng sasakyan ko,may nakalagay na sticky note sa steering wheel at nakalagay ang "Face the consequences." pero nilukot ko lang yun at itinapon agad. 

***********************************************************************

"Suzzane, magbihis ka. Aalis tayo. Magdala karin ng extra na damit." sinabi ko sa kanya pero nagtatanong siya ng bakit . Sinasabi ko nalang na aalis kami. Buti nalang at sumunod siya,sumakay kami sa kotse ko at nung pinaandar ko na to papunta sa titirhan namin. 

"Teka bakit ba?" pagtatanong ni Suzzane. 

Parang ayoko pang sabihin sa kanya, paano kapag hindi siya pumayag? Paano kapag nabigla siya? Kailangan ko munang hindi sabihin talaga. 

"I just want to spend my night with you." ngumiti siya sakin at ngumiti rin ako. 

"Phew, akala ko naman kung ano." namula ako sa ginawa niya, hinalikan niya ko. Buti nalang wala masyadong dumadaan na sasakyan dahil gabi na naman.

40 minutes ang biyahe. Kahit hindi naman masyadong traffic,malayo din kasi yung pinili ko. Yung hindi nila alam, yung hindi alam ng lahat. Kami lang ni Suzzane. 

Pagdating namin nagsalita si Suzzane. 

"Is this your place? Wow." tinignan niya ang bahay nung bumaba na kami sa sasakyan. 

"This is ours." napatingin siya sakin na bakas sa mukha niya na nagagandahan siya sa bahay. 

Maliwanag kasi ang paligid ng bahay kaya mamamangha ka talaga,at perfect for two lang kung titignan. Niyakap ko siya bago kami pumasok at nung nakapasok na kami nilibot ko siya at tuwang-tuwa siya sa itsura. Napakasaya ko, nkatakas ako sa mala-impyernong pangyayari sa bahay. WEll not literally. 

"Jarren, i hope ganito nalang tayo palagi. Yung tayongf dalawa lang,yung wala ng sisira sa pagmamahalan natin." pagkasabi niya nun kiniss ko siya sa noo. 

"I promise you,that will happen very soon." dumeretso na kami sa kwarto at natulog na. 

******************************************************************************** 

Unknown's P.O.V. 

"Pakisabi sa anak niyo na layuan ang anak namin! Hindi niyo ba alam na ikakasal na sa iba ang anak namin? Ayaw namin sa anak niyo, alam na niyang ikakasal ang anak naming si Jarren, nilalandi niya parin. Pakituruan ng asal yang anak niyo!" 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now