Chapter 54

1.8K 26 1
                                    

Nagstay nalang muna ko sa room ko at maya-maya pumasok si Rose.

"Oh anong kailangan mo?" pagtatanong ko sa kanya.

"Ikaw talaga Suzzane ang taray mo na! Hindi ka naman ganyan nung unang month mo dito." sinabi ni Rose at ako naman naglaro lang ako ng Candy Crush.

"Sarreh." yea. Ginaya ko pa yung sa My Love From The Star .

"Hmp! Bahala ka. Ang bitter mo." tapos umalis na siya.

Sanay na kong ganyan yang si Rose,parang si Madge yan,matabang Madge.

Pagkatapos ko sa dalawang round ko ng Candy Crush lumabas na ko para kamustahin yung magazine. At ang ganda nung model ah. Maganda rin yung cover, i hope tumaas ang sales namin dahil madami pa rin namang inadd na topics sa magazine na yun.

Tinignan ko lahat ng ginagawa nila mula editors hanggang sa photoshoot at ayun nung nagbreak na may nagbigay na sakin ng mga cover ng magazine at pinapili ako kung alin dun.

10 covers ang pinapili sakin kasi yun daw ang mga magaganda. Out of 10 dalawa lang ata yung maganda :3 Kaya bumababa yung sales eh.

Then nung nakapili na ko. Sinabi ko na kay Mr. Mendoza. Syempre kasama ko rin sila Rose.

"Make sure na bebenta ito sa mga tao Suzzane. Bumababa ang sales natin simula ng pumalit ka sa posisyon ng mama mo." at umalis si Mr. Mendoza at ako naman napayuko nalang.

"Okay lang yan Suzzane. Bebenta yan promise." sinabi ni Rose at ako naman ngumiti nalang at bumalik nalang ulit kami sa cubicles namin.

Medyo nawalan naman ako ng gana kaya ang lungkot ko na rin dahil ang boring. Piniprint na kasi ang mga magazines. At ako wala akong ginagawa. Hmmm kamusta na kaya si Coleen?

Hayyy oo na. Bitter na ko. Hindi ko pa kasi nasasabi sa inyo na.... Na.... Na.... Nagkamali ako. Ang tanga ko. Isa kongmalaking tanga. IIIISSSHHH! Bakit kasi hindi ko binigyan ng chance si Jarren?! Bakit kasi hindi ako nakinig. Oo mahal ko parin siya. Landi pakinggan diba? Itatago ko nalang tong nararamdaman ko hanggang sa mawala ito.

*******************

Jarren's P.O.V.

"Coleen! Wait up!" Bumaba ako ng office pagkatapos pagalitan netong si Suzzane si Coleen. Nasa labas na kami ni Coleen ng tumigil siya kakalakad at umiiyak siya. Ginawa ko ring dahilan na may sakit si Coleen para maawa itong si

"I can't take her attitude anymore." Umiiyak na sabi ni Coleen.. Pero pinunasan ko lang ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko.

"Pabayaan mo na... Stress lang sa work yun." At niyakap ko siya. Tapos na rin naman ang pag-eedit ko at tinext ko nalang si Rose na umuwi na ko.

Pumunta kami sa kotse ko at dumeretso ako sa condo ko,binenta ko na kasi yung house ko then sila mama at papa nasa ibang bansa pa rin nakakaipon na rin naman sila sa mga sweldo nila at nagbabakasyon naman sila dito pag Holidays.

Pinagluto ko si Coleen ng pagkain niya to make her cheer-up.

"Masarap ba?" Tinanong ko ng pagkaubos niya ng soup,tumango lang siya as an answer.

"Jarren..." Nagsalita si Coleen pero nakayuko lang siya.

"Bakit?"

"Jarren,i'm sorry but... Please tigilan mo na ko sa panliligaw mo." bigla akong nabigla at nasaktan sa narinig ko. Eto na ang pangalawang beses na nasaktan ako (well si Suzzane at Coleen lang ang sineryoso ko at minahal ko.)

"T-teka." Tatayo na sana si Coleen pero...

"Sorry. Wag kang mag-alala,wala na naman akong sakit. You have nothing to worry about." Hindi ko muna siya pinaalis at hinawakan ko muna siya sa kamay.

"So did you mean that..." Hindi na ko pinatapos ni Coleen.

"Hindi na kita mahal. Ayaw na kitang mahalin." at lumabas na si Coleen.

Sari't saring sakit ang naramdaman ko. I guess,wala na talaga akong perfect love.

***************

Suzzane's P.O.V

"Oh Suzzane bye na ha?" Sinabi ni Rose at nagbye na rin ako sa kanila at sumakay na ko sa kotse.

Madilim na at kailangan ko na talagang mag madaling umuwi kaya inandar ko na agad ang kotse ko at umalis.

Habang nagdridrive ako bigla naman akong nagulat dahil bigla bigla nalang umulan,palakas ng palakas at ayun,ulan na talaga.

Nung nasa isang street ako,bigla naman may kumalabog sa pinto ng kotse ko ng dahilan ng pagkasigaw ko.

Then tinignan ko kung sino yun at .... SI JARREN!

Binukas ko naman agad ang pinto para papasukin siya at kinuha ko yung twalya ko sa kotse ko at binigay sa kanya. At pinunas na rin naman niya sa sarili niya pero bigla nalang akong nagulat ng bigla siyang pumikit at sumandal dun sa bintana. Naka-amoy rin ako ng alak. TEKA? Lasing to? Eh gago pala to pag lasing eh! Biglang kumakatok sa kotse.

Pero bakit ganun? Hindi ko napipigilan yung nerve sa mata ko na tumingin sa itsura niya. Aaminin ko,ang gwap-- ang panget niya pag natutulog tapos basa pa! Napaka pog-- panget!

Hindi ko alam ang condo neto at kung saan matutuluyan kaya no choice ako .. Papatulugin ko siya sa bahay namin. Malapit na kami sa bahay namin ng biglang nagtext si Coleen.

Ate Suzzane,nandito ako sa friend kong si Micaella,dito muna ko matutulog. Pakisabi na rin kala mama.

Ayan ang text niya at nagreply naman ako ng "okay" at "sorry" mali rin naman yung ginawa ko.

Pagkarating namin sa bahay,dahan dahan lang ako dahil tulog na ata silang lahat. Ang bigat niya pala! Binuhat ko kasi siya hanggang sa kwarto ko. Dalawa na naman yung kama ko sa kwarto ko kaya dun siya sa isang kama.

Hiniga ko siya dun at nagbihis na rin naman agad ako sa closet at nag toothbrush. Pagkarating ko sa kwarto ko,hihiga na sana ako ng marinig ko si Jarren na nagsasalita habang natutulog.

"Suzzane,wag mo kong iwan." Gusto ko siyang lapitan para hawiin ang ulo niya pero natatakot ako.well lasing naman siya kaya nilapitan ko siya at.... Kiniss sa cheeks at bigla akong tumakbo agad sa kama ko at humiga at nagtulugtulugan.

Pero sa totoo lang? Kinilig ako. PAANO BA NAMAN KASI ANG HOT NA NIYANG TIGNAN NGAYON TAPOS NAGIMPROVE PA YUNG ITSURA NIYA.

******************

Hello guys! KlydeSwiftie here! Sorry if ang bagal ko mag update at super panget ko magupdate haha.

Anyway thank you sa pagsuporta kahit ang baduy. Haha and oo nga pala may project ako and it's called

#HelpKlydeSwiftie

Tutulungan niyo ko para sa upcoming story ko na "Don't You Ever Leave Me." tutulungan niyo ko sa Prologue,Characters,Plot,Book Cover. Anything about the story.

And gagawin natin to sa June 10,2014, sa isang group. For more infos go visit my page. Search niyo lang, KlydeSwiftie tapos like niyo na rin para mainform naman kayo XD

Dun ko kasi ililink yung group. So i hope na sumali kayo :) bibigyan ko talaga ng credits yung mga tumulong.

THANK YOU!

My Jeje PrincessМесто, где живут истории. Откройте их для себя