Chapter 27

2.7K 27 0
                                    

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nag-unat. Hayy ang sarap naman matulog sa kwarto ng mama ni Jarren. Iniba ko ang posing ng pagkahiga ko at humarap ako sa kanan,nagulat ako ng may taong naka-higa rin sa kama at nakatalikod,nakahubad pa siya at naka boxer. 

Tinulak ko agad ng nalaman kong si Jarren ang katabi ko sa kama at nalaglag pa siya ng tinulak ko siya. 

"AHHH!" sigaw ko at siya ay biglang tumayo at wow abs.. Ehh! EWWW! 

"Bakit ka nandito?! Bakit ka nasa tabi ko at... at... MAGBIHIS KA NGA!" sigaw ko sa kanya at kinuha niya ang kumot at tsaka niya tinakpan ang boxer niya dahil bakat! EWWW! 

"Umalis ka dito!" sigaw ko at lumingon siya. 

"Wow! Sayo ba itong bahay na toh?" tanong niya sakin.

"Bakit sayo ba tong kwartong toh?" tanong ko naman sa kanya. 

"Eh bakit ka natutulog dito? Sayo din bang kwarto toh?" tanong niya sakin. Ish ano sasabihin ko?! Dapat ako ang manalo sa sagutan... i mean sa tanungan na ito. 

"Eh malamang pinatulog mo ko dito! Diba?" tanong niya. Sasagot na sana ko ng nagsalita siya ulit

"Sige isa pang sagot mo may gagawin ako." He! wala akong paki alam kung anong gagawin niya! 

"Wala akong paki-alam!" sigaw ko at binitawan niya ang kumot at humarap siya sakin. Tinakpan ko naman ang mga mata ko. 

"Ehh! Ano ba ! Magshort ka na nga at magbihis ka kadiri ka!" sigaw ko at kumapa ako ng malaking unan at binato ito sa kanya. At tsaka na siya umalis. 

"Bwisit! Nasira ang tulog ko sa kanya!" sigaw ko. 

Inayos ko na ang pinagtulugan ko at kinatok ang kwarto niya. Nagbihis na rin siya ng pambahay sa wakas. 

"Uuwi na ko." sabi ko. 

"Umuwi ka." sabi niya. 

"Fine.. Bye." 

Bumaba na ko at binukas ko na yung gate. Buti nalang at nandun yung guard at yaya nila sa bahay para bantayan yung gate at yung house nila Jarren,syempre concern din naman ako kasi baka manakawan pa sila. 

Sumakay na ko sa jeep at naalala ko na naman yung paghihiwalay namin ni David. Nakakainis siya! Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero basta naiinis ako sa kanilang dalawa ni Felicia! Pagdating ko sa bahay,umakyat agad ako sa kwarto at alam na rin naman ni tatay ang mga nangyare at hindi na niya ko nacheer-up dahil sa dami ng ginagawa niya. 

Nakinig lang naman ako ng musics sa kwarto ko at naka move on na naman ako. Madali akong nakamove on dahil unang una ayaw na ko ng magulang ni David at may iba na siya. Magsama silang mga bwisit sa buhay ko. Gusto kong makita ni David na hindi ako naapektuhan sa mga ginawa niya. Gusto kong magbago. Gusto ko lalong magbago. 

Habang nagFFB ako,nakikita ko ang mga parinig ni Felicia sakin na kulang nalang ay ilagay na niya ang pangalan ko sa mga parinig niya,at eto namang si David kung makapag comment ng "Oo nga" kala mo naman alam ang totoo. Bwisit! 

Waahh! Nakakainis! Bakit ako umiiyak?! Hindi dapat ako umiiyak! Gusto kong magbago! Gusto kong maging matapang! Waaahhhh! 

Nagulat ako dahil biglang may kumatok sa kwarto ko at binukas ko naman agad ito. Pero syempre pinunasan ko muna ang mga luha kong tumulo ng nakita ko ang mga parinig ni Felicia. 

"Oh ate Linda,bakit po?" tanong ko sa kanya. 

"Ah. May bisita ka,lalaki eh. Hindi naman siya yung ex mo." sabi ni ate linda. Oo alam na rin niya na hiwalay na kami ni David. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now