Chapter 64

1.7K 28 4
                                    

Nag-aayos na kami ng gamit at tinanggal na ang mga kung ano anong nakalagay sakin. Nagtali ako ng buhok at simple lang ang mga damit na isinuot ko. Sa ngayon mas komportable na sila sakin. 

Parang may bago talaga kay Madge,kahapon ko pa ito iniisip. Akala ko may sakit siya pero iba ang pag-galaw niya. 

Sumakay na ko sa kotse at nagthank you sa mga kaibigan ko. Si Jarren sumama ata sa mga kaibigan niyang sila Ralph. YES! Marami na kong kilala. 

Pagkarating ko sa bahay,grabe.. Ganito ba talaga bahay namin? Parang ang dali naman nakawan? Nagulat ako sa narinig ko.. Si Coleen,ang kapatid ko. 

"ATTTEEEE!!!" sabay yakap niya sakin. Naka school uniform pa siya.. 

"Dahan-dahan lang Coleen hindi pa masyado magaling ang mga sugat niya" sinabi ng nanay ko. 

"Ay sorry naman ma. Nakakamiss kasi si Ate! Tara ate papakita ko sayo kung gaano kaganda ang kwarto natin." sabay ganun? Sabay ngiti? Weird ba to talaga? 

Pinagmasdan ko ang kwarto,parang may bigla akong naalala pero di ko maexplain. Basta parang familiar ito. Nagkakaroon na ba ko ng ala-ala? THANK YOU LORD! (^▽^) 

"Coleen,wait lang CR lang ako." bigla akong pumasok sa CR.. Naiihi na kasi ako. Pagkalabas ko,nakatingin sakin si Coleen... Ang laki ng mata niya. Teka bakit ba?! 

"A-ate.." nakatingin lang siya sakin. Tumingin ako sa likod ko,wala namang nakakatakot ah? 

"BAKIT?!" pagtatanong ko. Baka mamaya kung ano na nakikita niya. 

"P-paano m-mo n-nalaman na diyan ung CR?" tumingin ako sa likod ko. Oo nga. Paano nga ba? Ganito ba pag traumaticalicalcalical pwe! na amnesia? Madaling maka-alala. 

"WAAAAHHH!!!" biglang nagtatalon-talon si Coleen. Ang weird niya talaga. Hindi siya kagaya ko. May hindi pa ba ko alam? 【・ヘ・?】 

Nanood muna kami ng TV at kumain pagkatapos nun humiga ako para magpahinga. Pagkatapos kong magpahinga ng 30 minutes,tinanong ko si Coleen. 

"Coleen may hindi pa ba ko alam?" pagtatanong ko. Tumingin siya sakin habang kumakain ng donuts na inorder namin kanina. 

"Ahh ehh." (⊙﹏⊙✿) parang nateterrified siya. ano ba?

"Sabihin mo." pero seriously,ang cute niya. 

"Hindi mo talaga ko kapatid na kapatid talaga. Kapatid mo lang ako sa ina." nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya ng seryoso. 

Ano? Si nanay? Nagkaroon ng anak sa ibang lalaki? 

Kinwento naman agad sakin ni Coleen ang mga nangyari. 

(Guys alam niyo na yung story kung bakit may anak yung mom ni Suzzane sa ibang lalaki right? -KlydeSwiftie) 

Nagulat naman ako sa mga pangyayare pero bakit nainspire pa ko sa story nila? Dahil ba kahit pinaghiwalay sila,nagkabalikan sila ulit? So may mga disadvantages pala ang love story nila.. 

Ako kaya? Nasaktan kaya ako noon? Niloko kaya ako? O nanloko ako? Malay ko ba,hindi ko naman alam ang mga nangyari noon dahil sa sakit kong ito. 

"Coleen..." tinawag ko siya.. 

"Hmm?" 

"Alis tayo.." sinabi ko at pumayag naman siya. 

************************************************
Jarren's P.O.V. 

Nandito ako sa trabaho at nageedit na ng mga pages at covers para sa magazine ng Red. Si Tita ang namamahala ng company ngayon at hindi si Suzzane. Oo Tita ang tawag ko dahil may karapatan ako,alam din niya na hindi ko naman talaga sinaktan si Suzzane noon. 

Nag-lunch break muna kami at sabay sabay kami nila Romeo at Julieto kumain sa isang table. Sila lang mga nagiging kaibigan ko sa work. Alam din nila ang story namin ni Suzzane.. 

"Oh paano yan Jarren? Dahil may amnesia si Suzzane,anong balak mo." tanong ni Julieto at napataas nalang ako ng balikat na nagsisimbolo na,ewan ko. 

"Eh diba kaya kayo nagbreak dahil nagalit siya noon sayo? Gusto mo bang maalala niya yun? Mas maganda kung gawin mo nang malinis ang pangalan mo hanggang ngayon?" bigla akong napaisip. Oo nga,alam kong hindi ganun kasunud-sunod ang pagfunction ng mga maaalala niya,paano kung naalala niya ang nangyare na yun? Baka mas mawalan ako ng chance. 

"Ayokong magsinungaling sa kanya pre." sinabi ko nalang. 

"Bahala ka." sinabi ni Romeo at kumain na naman. Napaisip ako,kailangan ko muna mag-isip para sa mga gagawin ko. Kailangan wala munang magsabi sa kanya na nangyare yun. 

************************************************************************
Coleen's P.O.V. 

WAAAHH! (*/ω\*) Ang daming binili ni Suzzane na damit,puro floral dresses,bumili rin siyang 3 shoes,apat na sandals at 5 keds. Yung totoo? Saan naman nanggaling pera neto? WAAHHH ! Nevermind,nilibre naman niya ko ng damit at album ng 5SOS !!!! ASDFGHJKL!  

Kumain din kami at ang grabe pa,isang bucket ang inorder niya at naubos namin. Ayun busog na busog kami. Pagkatapos nun nagulat naman ako sa susunod naming pinuntahan. Sa Salon.. NILIBRE NA NAMAN NIYA KO,nagparebond lang naman ako at napa nail polish. Waahh i love my new nails,it's pink na. 

Ako naman ang naghintay kay Suzzane,sa totoo lang hindi ko alam kung ano ginawa sa kanya kasi patago yung pwesto niya at ang tagal niya lumabas. Nagbasa muna ko ng magazine ni Taylor Swift,sa totoo lang kamukha talaga ni Taylor Swift si Ate Su--- 

0____________0 SINO TONG NAKIKITA KONG TUMABI SAKIN? LALAKI SIYA. SALON NAMAN TO HINDI PARLOR KAYA PWEDE NAMAN PERO. BAKIT NANDITO SIYA. BAKIT?! 

"ANONG GINAGAWA MO DITO?" pagtatanong ko sa kanya. 

Nilock niya ang phone niya at ngumiti sakin. OMG. Wag nga siyang ngumingiti ha?! NAKAKAINIS! 

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan Luke?!" pagtatanong ko sa kanya. 

"Because you're so gorgeous." yung tingin niya,yung tono ng pagsasalita niya,yung ngiti niya. (。♥‿♥。) 

"Che!" at nagulat na naman ako sa nakita ko,isang babaeng matangkad na pumunta kay Luke. 

"Hey babe tara na." tumayo na si Luke at tinignan ko silang dalawa. 

Ano?! BAGONG BABAE?! Tapos papick-up pick-up lines pa siya kanina . PUT*NGINA BA NIYA?! 

Nalukot ko tuloy yung isang page ng magazine. Pero nawala ang galit ko ng nakita ko ang isang lalaking may hawak ng dustpan at nakita ko ang blonde na buhok. Siya lang naman ang nakita kong ganyan ang pagkablonde ngbuhok dito sa Pinas. at siya lang ang blonde dito sa Salon (yung iba kasi rainbow yung buhok lalo na yung mga baklitang manggugupit.) 

At mas lalo akong nagulat sa nakita ko.. Si Suzzane... 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

WITH HER SHORT HAIR. 

**********************

Hey guys, Klyde here. I'm trying my best na para mag update ng mabilis ha? Wag na kayong magtampo at humanap ng ibang story. dejk. Sorry kung nainis kayo dahil ang bagal kong magupdate. Eto na.. konting tiis nalang. matatapos na </3 #SpoilerAlert

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon