Chapter 3

4.4K 43 2
                                    

Author's Note 
Si Tom po yung nasa picture! ^^


Jarren's P.O.V.

Tsk! May pasok na naman! Nabura pa yung barr pass ko =___=. Pinaalam ko toh kala mommy at daddy. Hindi ko sinabi sa kanila na yung Jeje Girl ang may kasalanan. Sabi nila daddy tumawag na daw sila sa school at ipaalam nalang daw sa guard kung ano name ko at ipakita nalang daw yung I.D.

Tss. Sumakay na ko sa kotse at naglaro sa cellphone ng Subway Surfers. Pagkababa ko sa kotse at pumunta sa gate ng school... Sakto nandun si Gerald! Hinabol ko siya at naabutan ko siya na iiscan na niya yung I.D. niya at inunahan ko siyang pumasok. Meron kasi dung something.. yung para sa LRT. Kailangan 1 I.D. 1 entry. So hindi siya nakapasok.. Ako ang nakapasok nagulat si Gerald sakin at pinabayaan ko nalang siyang hindi makapasok.. Ang ginawa niya.. iniscan niya ulit. Pero di pa rin siya makapasok.

"Hoy Jarren! Gago ka talaga!" tumawa lang ako at lumingon para tumakbo pero di ako nakatakbo ng sumalubong sakin si Mr. Bautista na umiiling. Pagkatapos nun dinala niya ko sa Principal's Office.

"Ano ba talagang gusto mo? I-kick out kita sa school na ito?! Kala ko ba hindi ko nakita yung mga ginagawa mo? One chance nalang.. Bibigyan pa kita ng one chance!" sigaw niya at pinaalis niya ko. Ish,lagi nalang one chance HAHA! Baka hindi ako makick-out dito kaka One Chance. Pagka-alis ko dumeretso agad ako sa classroom.

"Collins why are you late again in my class?" HAHA natawa naman ako sa tanong ng teacher ko! Totoo! Lagi nalang sa subject na History ako nalalate. Nagsorry nalang ako at umupo dun sa upuan ko. Pansin ko nakatitig sakin si Gerald at sinasabing ..

"Gago ka talaga!" sabi niya. At tumawa nalang ako. Si Gerald pogi yan,mahilig yan sa rock kaya medyo astig. Marunong din yan magelectric guitar at nag-aagawan sila ni Ralph kay Madge. Ewan ko ba kung ano meron kay Madge at gustong gusto nila! Pero bagay naman si Gerald at Madge dahil pareho silang mahilig sa rock. Pagkauwian,nagsorry lang muna ko kay Gerald at umuwi na. Umuwi ako at pagkapasok ko sa bahay naka-abang si mommy at daddy..

"Ayan na yung anak mo!" sabi ni mommy

Ewan ko kung bakit galit si mommy,umakyat siya pagkatapos niyang sabihin yun at nandun si daddy,nasa living room. Pumunta ako dun...

"Teka dad what's going on?" tanong ko

"What's going on? Wow! Hindi mo ba alam na sinabi sakin ng principal at nung owner ng school niyo kung ano na namang kababalaghan ang ginawa mo?! Hayy grabe talaga! Gusto mo bang makick-out? Sa tingin ko bawat month o weekly may ginagawa kang hindi maganda eh! Hindi ko ba alam kung bakit ganyan ka!" Umalis na siya at hindi ako nakapagreply. Wow. =___=

Pumunta ako sa kwarto ko at nagcomputer ulit at nagbukas ng FB. May 1 friend request ako! Wow naman! Tinignan ko at siya si.....





Bhoxz Suxzane.

Si Bhoxz! i mean si Suxzane ! Teka ganyan ba talaga pangalan niya?! Tinignan ko ang timeline niya at siya nga! Ang babaeng jejemon na maganda pero hindi siya ang profile picture at cover! =__= Bakit niya tinatago yung mukha niya.. At bakit ganito siya magtype? Grabe hindi talaga maintindihan! In-accept ko nalang ito at nakita ko yung alternate name niya... at ang true name niya ay....

Suzzane Bautista. What a beautiful name (sakasongalang jejemon)... Tinignan ko yung mga ibang pictures niya at may mga pictures naman siya sakasongalang yung mga pose niya hindi kanais nais! Kaya ang dami sigurong may ayaw sa kanya. At maya maya.... MAY NAKITA NA KONG PERFECT na picture niya at siguro photoshoot yun nung highschool pa sila sa Mr. and Ms. English at ang ayos niya tignan... Ilang minuto na kong nakatitig sa computer at wala naman nagaganap sa FB wall ko eh. 


******************************************************************************************
Suzzane's P.O.V.

Pagkagising ko sa umaga... Naligo agad ako at inaalala kung nakapasok si Jarren,kung okay lang ba siya... Teka bakit ba ganito ako? Bakit parang inaalala ko masyado siya. Hmm! Alisin ko na nga yung pagkacrush ko sa kanya! Sayang siya,masyado kasing mainit yung ulo >___< Nagbihis na ko at pagkalabas ko nandun na sila Faye,Khyla at Noreen. Iba talaga kami kapag naka-uniform,kasi hindi kami mukhang tambay. Nagpony tail ulit ako at naglakad na kami..

Habang naglalakad kaming magkakaibigan papuntang school

"Oh twin! Nasoli mo na ba dun sa pogi yung I.D. niya?" Tanong ni Noreen. Oo twin,sagwa diba? Pero wala kaming pakialam kung sino man ang manghusga ng CS namin.

"Oo nasoli ko na." Sabi ko.

"Talaga?!"
"Oh my !"
"Pogi?! Ano itsura sa personal?" Ang landi nila noh? Ganyan mga reaction nila.

"Oo sobrang pogi,matangkad,ang laki ng muscles at pogi,matangka---" sabi ko

"Talaga?! Shit gusto ko siyang makita! Puntahan natin ulit!" Sigaw ni Faye

"Ayoko." Sigaw ko

"Teka bakit? Siguro boyfriend mo na noh?! Kaya ayaw mong ipakilala samin." Sabi ni Khyla

"Tumigil nga kayo! Unang una sa lahat,hindi ko yung boyfriend at kaya ayoko na siyang puntahan dahil galit siya sakin! Dahil nabura ko i mean ni Chacha yung bar pass niya sa I.D. niya. Yun kasi yung parang susi nila para makapasok." Sabi ko

"Ikaw kasi eh dapat sinasabihan mo rin si Chacha na wag lumandi." Nagtawanan lang sila at ngumiti nalang ako ng konti. Nag-aalala lang kasi ako sa kanya. Baka kasi mamaya galit na galit na yung pamilya nun sakin or siya. Hayy gusto kong magsorry!

Dumating na yung teacher namin at may mga lalaki siyang kasama na nagbubuhat ng madaming testpapers. Lumapit sakin si Michael,yung lalaking napaka-itim at napaka-panget na nang-liligaw sakin. May sinabi siya sakin at syempre karamihan ng mga kaklase ko nakatingin sa kanya...

"Ui Suzzane,bakit ayaw mo ba kong sagutin?!" Sinabi niya at karamihan ng mga kaklase ko nandidiri sa sinabi niya,pero totoo nandidiri ako,buti public school toh at kaya ko siyang sapakin ngayon na....

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Sigaw ko...

"Ikaw talaga babe pachoo---"

Naputol ang sinabi niya ng sinapak ko siya. Gago siya ah! Nagulat sila ng mapatumba si Michael. One time naging mag-kaklase kami niyan at nasipa ko siya sa ano nung lalaki (if you know what i mean) Pero hindi parin siya sumusuko sa pangliligaw sakin. Simula 1st year kasi nanligaw sakin yan at hindi ko parin siya sinasagot. Naiinis talaga ko nung 1st year at 2nd year ako kasi yun yung level na kaklase ko siya. Buti nalang ngayong 4th year na ko ang ganda wala pang sagabal na dumadating sakin. Pero i think magkakaroon ng sagabal dahil July palang ngayon. Hayy. 

Nakita ng teacher ko ang nangyare at nareport pa ko. Ano bayan! Feeling private talaga. Pagkatapos ng lessons,pinababa ako sa Principal's Office at infairness may aircon ito at malinis. Nandun lang ako sa isang tabi. At nung pinapasok ako,sinabi sakin na wag ko na daw ulitin ang mga ginawa ko. Tss Ang arte! >___< Bakit kasi ako pa yung dapat dalhin dito?! Hindi yung Michael na yun! 

Pag-uwi ko nagpisonet ako at napakaboring talaga kapag nagFFB kaya nagpatugtog nalang ako ng Curse One songs :) Nawala ang boring ko ng may nagchat sakin.....



















































Si Jarren... yung pogi,hot at mainitin ang ulo na lalaking nakita ko sa personal.


My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon