Chapter 36

2.5K 28 0
                                    

Pasukan na naman at ang dami na namang gagawin. Maliban sa test meron pa kaming practice para sa graduation namin. Woooosshh. Magcocollege na ko at di ko pa rin alam ang kukunin kong course. XD

Ngayon hinihintay naman ako ni Jarren sa school. Ang dami ng text na natatanggap ko puro "Nasan ka na? Nandito na ko sa school bilisan mo!" syempre ako naman nagmadali na. Psh. Buti pa yung ibang boyfriend diyan tinatawagan pa yung GF tapos naghihintay ng matagal. E etong Jarren na to hindi :3 Bwisit.

Pagkarating ko nakita ko siya na nakapamulsa. At ang ayos niya tignan ngayon ah? Wow. Pumunta na ko sa kanya at nagroll-eyes naman siya.

"Psh ang tagal."

"Hoy anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko ang tagal!" sigaw niya at yung ibang babae sa likod pinagtawanan pa ko. Nahalata ni Jarren na pinagtawanan ako nung iba at nagsalita ulit si Jarren.

"Ang tagal mo talaga dumating,alam mo naman namiss na kita diba? Tapos magpapatagal ka pa!" biglang nawala ang ngiti ng mga babae at si Jarren naman ay kumindat sakin at ako naman ay wala lang.

Pumasok na kami sa classroom at pagpasok namin yung mga kaibigan agad ni Jarren at si Madge ang sumalubong samin at kinakamusta kami. Syempre habang kinakamusta kami bumalik muna kami sa upuan dahil pumasok na yung teacher namin.

"Okay class settle down..." at umayos muna kami. Pinili nalang namin sa recess nalang mag-usap nila Madge.

Tumahimik na rin naman agad ang klase at nagsalita na ulit si mam..

"Okay thank you.. So! Malapit na ang graduation pero mas malapit naman ang periodical test niyo.. Dahil nga parehong malapit na ang dalawang ganap na ito paghahandaan na natin to. So starting January 25 sisimulan na ang pagprapractice ng Graduation.. At! February 23 naman ang inyong final periodical test. So kailangan na natin maghabol ng lesson dahil puro practice na kayo. So.. put out your notebooks and we will start our lesson.." at yun na naglesson na.

Pahirap na ng pahirap ang lessons lalo na sa Science. Kinakabahan nga ako sa mga magiging results. I mean maganda naman yung mga resulta ng tests ko simula 1st periodical pero ngayon kasi parang kinakabahan talaga ako.

Nag-recess na at syempre pumunta agad sakin si Jarren at hinawakan niya ko sa kamay.

"Tara na." sabi niya at nakatingin siya sakin. Ang bait niya tignan,hindi katulad dati na ang siga siga.

"Sandali lang hintayin muna natin sila Madge." at lumabas narin naman agad sila Madge at parang naglalandian na naman sila ni Ralph.

"Eh kasi naman eh! Akin na muna yan!" sabi ni Ralph dahil may something na sinusulat dun si Madge sa may notebook at si Ralph naman inaagaw.

"Ehh ! Sandali lang please!" sigaw naman ni Madge.

"Oy,wag nga kayo dito maglandian." sabi ni Jarren at nag-poker face pa si Madge kay Jarren.

"Eh kayo nga holding hands pa!" sigaw naman ni Madge at ako naman ay tumawa lang. At si Jarren lumingon naman ish. Parang aawayin pa niya si Madge.

"Natural lang to sa nagmamahalan? Kayo nga di ko pa kayo nakikitang naghawakan ng kamay eh." at bigla naman umalis si Jarren,syempre dahil hawak nga niya ang kamay ko. Parang hinihila niya tuloy ako. Nang makalayo kami sa kanila.

"Jarren sandali nga lang. Bakit ba? Ano bang nangyare?" tanong ko.

"I just want to be myself again. Problem?" sabi niya at umalis na naman kami. Nagtaka ko dahil hindi kami bumaba,parang papunta kami sa..

"Rooftop? Bakit tayo pupunta dun?" pero di siya kumikibo naglalakad lang kami at nang makarating na kami dun umupo siya at pinaupo niya rin ako.

"Oh bakit ba?" tinanong ko siya. Nakalagay kasi yung mga kamay niya sa mukha niya.

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon