Chapter 35

2.4K 32 0
                                    

Suzzane's P.O.V.

Nagtaka talaga ko ng bigla akong iwanan ng 4 kong kaibigan. Hmp ano ba meron? Shizz. Maglalakad na nga lang ako dun.

Kagaya nga ng sinabi nila,sundan ko lang daw kung nasaan yung red carpet. At yun,sinundan ko nga. May mga table sa paligid parang restaurant pero walang tao ni isa. Sarado ata eh. Pero merong area dun sa dulo na maliwanag.. Baka dun yung pupuntahan ko.

Nagmadali na ko kasi naman medyo nakakatakot ako sa lugar kasi nga ang dilim nung pwesto kaya pumunta ako dun sa liwanag (eh dun din naman nakalatag yung red carpet)..

Pagpasok ko... Maganda ang itsura,puro petals ng roses sa sahig,meron ding mga ilaw sa paligid at may fountain na background(oo kasi outdoor yun eh) dun sa table at dalawang upuan.....

TEKA?! TABLE AT DALAWANG UPUAN?! NA MAY MGA PLATO?! TEKA DATE BA ITO?!

Nanlaki ang mata ko at aalis na dapat ako ng may nagsalita...

"Opss. Walang alis." pamilyar ang boses na yun. Lumingon ako para tignan ulit kung sino yung taong yung nagsalita. Nagulat ako ng nakita ko ang mukha niya. Nakaupo siya sa upuan dun sa table.. Naka formal siya. Yung tipong suot nung mga lalaki kapag nakikipag-date. Ang pogi rin niya. TEKA BAKIT BA KO NATUTUKSO SA KANYA?! PSH DAPAT NAIINIS AKO!

"Hoy!! Bakit mo ko dinala dito?" sumigaw ako kay Jarren ng malakas. At galit syempre.

"Haha you look beautiful princess." HINDI! Hindi Suzzane! Kailangan mong magalit sa kanya! Wag kang malandi parang awa mo na!

"Anong princess?! Anong beautiful?! At tumatawa ka pa?! Di mo manlang sinabi sakin or nagpaalam sakin na may ganito?!"

"Tama na nga pagdradrama mo jejemon. Umupo ka." sinabi niya yun na nakatingin parin sakin. MAY TANONG SA ISIP KO NA GUSTO KONG ISIGAW SA LUGAR NA WALANG TAYO! AT YUN YUNG TANONG NA...

BAKIT BA GANYAN YUNG ITSURA NIYA?! NAPAKAPOGI TANGINA!

"Excuse me ha,hindi na ko jejemon. GRR! Aalis na ko!" sinabi ko at aalis na sana ako ng bigla niyang binato sakin yung something na bakal at tumama sa ulo ko.

"ARRAYY!" at tinignan ko sa sahig kung ano yung binato sakin ni Jarren.. AT KUTSARA ANG BINATO NIYA!

"Aray ah! Papatayin mo ba ko?!" sabi ko.

"Psh. Kutsara lang yan. Kung hindi ka pa uupo. Babatuhin pa kita ng kutsara." bigla naman akong umupo sa sinabi ni Jarren.

"Oh ayan na po."

SHIT BAKIT KASI KAMI LANG DALAWA ?! Psh magtatanong na nga ako.

"T-teka bakit mo ba kasi ako dinala dito?" sinabi ko at ngumiti lang si Jarren. Wow ah XD

"I just want to date you,problem with that?"

Psh eto na ba?! Hindi na ba siya torpe? (Wow kala mo ako di ako torpe eh.) Pero nagiging matapang na ba siya para malaman ko?

"T-teka.."

"I know. Gusto kitang idate dahil gusto kita." biglang parang nanahimik ang lahat at puso ko lang ang naririnig ko. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko hanggang bumilis naman ang daloy ng dugo ko dahil sinerve na yung pagkain.

Ngumiti nalang ulit si Jarren at sinabing..

"Let's eat." at ngumiti siya sakin. Ngumiti na rin ako sa kanya,parang kasing ang komportable na niya sakin eh. Hindi katulad ng dati :3

Sobrang bilis ng mga pangyayare parang dati lang tinulak niya ko sa ramp noon dahil daw pwesto daw niya yun. :/ Psh.

Kain lang ako ng kain at maya-maya may sinabi na naman si Jarren..

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon