Chapter 72

1.5K 24 0
                                    

Suzzane's P.O.V. 

Monday na. Papasok na naman ako sa trabaho. Pagkatapos kong maligo ay naghanda na ko ng isusuot ko. Kinakabahan ako. Nabalitaan ko kasi na meron naman daw isang magazine company din ang lumalaban samin. Gusto rin daw nilang bilhin ang Red company pero di pumayag ang pinakaboss namin. 

Pumasok na ko sa sasakyan at umalis na. Mabuti nga naturuan agad ako ni Manong mag-drive . Si Manong wala ngayon, busy. Ewan ko kung saan. 

Nagdrive na ako papunta sa opisina, mabilis lang naman ang biyahe. Pagkarating ko, bumaba na ko at pumasok. Madaming nakatingin sakin at bumabati sakin.. 

"Welcome back po ma'am." nginitan ko siya .. 

Eto na ang personal assistant ko na si Rose. 

"Ma'am Suzzane, ngayong araw daw po pupunta ang may ari ng GLAM magazine." ang Glam magazine, kalaban ng Red. 

Pagkabukas ng pinto ng elevator, tumingin muna sakin lahat ng nasa loob at lalabas pa ata sila. 

"No.. no. it's okay. Kasya naman tayong lahat." pumasok ulit yung iba at ako naman yung nasa gitna. 

"Anyway, Rose.. anong oras daw pupunta?" pagtatanong ko sa kanya. 

"3:30 PM po ma'am." nag okay nalang ako at lumabas na kami sa elevator. 

At nandito na kami sa isang malaking room kung saan nandun lahat.. Nandun ang nag-eedit ng mga pages,photos,cover anything! 

Sa ngayon sumasagot palang sila ng mga tawag at yung iba kumukuha na ng ideas sa net para sa ngayong issue ng magazine namin. November na pala ngayon. 

Pumasok na ko sa sarili kong cubicle at dun ko nilapag lahat ng gamit ko. May mga nagpapasa din sakin ng mga ideas nila at tinitignan ko para makapili na ko. Hindi pa pumapasok si Jarren,tinext ko siya pero hindi naman siya nagrereply. 

Kumain nalang muna ko sandali at uminom na ng gamot, isang taon ko ata iinumin tong mga gamot na to para bumalik yung tama kong memorya, pero sabi ng doktor nga nun,ilang months nalang.. 

Kapag talaga umiinom ako ng gamot ko para sa memorya ko, sumasakit ulo ko in 3 minutes tapos maya-maya parang aantukin ako. Sana pala kanina ko nalang ininom. 

Nakapamili narin naman ako ng mga ideas kaya naglagay na ko sa note ko kung ano yung mga napili ko at kung paano na ang mangyayare sa ngayong issue ng magazine. 

"Rose?" tinawag ko si Rose dahil alam ko na malapit lang naman siya dito sa cubicle ko. 

"Yes?" 

"Eto na yung idea ko, pakita mo sa kanila. Salamat." pagka-abot ko umupo na naman ako at pinikit ko sandali ang mga mata ko. Pagkadilat ko, parang may naalala ako sa lugar na to. 

Pakiramdam ko,nakulong kami dito ng taong minamahal ko talaga. Bumibilis ang tibok ng puso ko. 

"Ma'am! Nandyan na po yung may ari ng GLAM." nagtaka ako bigla at tumingin sa orasan. 3:40 PM na pala! Nakatulog ako? WOW 0____0 

Nag-ayos agad ako ng buhok, nagtoothbrush at inayos ang damit. Inayos ko rin yung cubicle ko dahil dito siya pupunta. Honestly di ko pa nakikita yung may ari ng GLAM,pero sabi kasi ni nanay, nakita ko na daw lahat personally ang mga publisher ng magazine dito sa Philippines. 

Pumasok na siya.. Napaka-pamilyar ang mukha. Maganda siya pero sa tingin ko nakilala ko na siya. Sa tingin ko nakagawa na siya ng problema sa buhay ko. No .. HAHA. Lahat naman ng makikita kong hindi ko pa kilala at hindi ko pa natatandaan eh pamilyar para sakin. Lumapit siya sakin at ngumiti siya. 

My Jeje PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang