Chapter 16

3K 34 1
                                    

Madge's P.O.V.  

"Diba nakakakilig?!?!?" sigaw ito ni Suzzane at hinahampas ako sa braso. 

Kinwento niya kasi ang nangyari sa kanya kahapon. Oo aaminin ko medyo nagselos ako dahil medyo crush ko si David Tan. Nag-agawan pa nga kami eh.. 

"Hindi." pabiro ko. 

"Nakakainis ka naman Madge! Selos ka lang eh!" sigaw ni Suzzane habang kinikiliti ako. Nandito kami ngayon sa school ramp namin (hindi stairs .. Ramp talaga para sa mga disabled na estudyante) bumababa kami dahil Lunch Break na namin. 

"He! Sakin lang siya!" sigaw ko. 

"Hoy! Sakin siya! Sinabihan niya ko ng maganda, kaya mataas ang posibilidad na ako ang mahal niya" sabay bhelat ni Suzzane.

"AKIN SIYA!" sigaw ko at maya-maya may humawak sa magkabila kong balikat at nagsalita. 

"Sino ang sayo?" si Ralph pala. Tss. Bwisit naman toh! 

"Wala-wala." sinabi ko. Ayoko naman siyang saktan dahil naranasan ko ng masaktan. Ewan ko lang.. Baka kasi mas masakit para sa mga lalaki ang saktan ng babae. Pero hindi naman sa sasaktan ko si Ralph. Ayoko lang talaga siya minsan pagselosin. Baka kasi madali tong magselos eh. 

Kumain kaming tatlo. Si Ralph medyo na OP samin dahil kaming dalawa lang ni Suzzane ang nag-uusap at nakakaintindi sa mga sinasabi namin. Tinatanong nga ni Ralph kung gusto niyang makakain pero naunahan siya ni Suzzane at nilibre niya ko. 

"Huy kausapin mo naman yung soon to be boyfriend mo" sinabi ni Suzzane habang kumakain. 

Syempre ako naman,kinausap ko na. Kawawa naman XD. 

"Uhm. Pasensya na kung ngayon lang kita nakausap ah. Eto kasing si Suzzane masyadong madaldal." sinisi ko nalang si Suzzane,buti nalang hindi masyado narinig ni Suzzane yung sinabi ko. 

"Sige okay lang." yun lang sinabi niya. Hayy ang cute niyang tignan! Haha! Parang nalulungkot na ewan! Ng matapos kaming kumain. Nagpatulong naman ako ng assignment kay Ralph. Pagkatapos nun pumunta muna si Ralph kala Jarren at sa iba niyang mga kaibigan. At ako.. Nandun... Nag-iisa. Maya-maya may tumunog sa speaker ng school.

"President Madge to the Principal's Office.....President Madge to the Principal's Office... Thank you."  

Pumunta na agad ako sa Principal's Office at nakasalubong ko si Suzzane nung tumatakbo ako. 

"Pupunta lang akong Principal's Office ha? Bye!" tapos tumakbo na ko at pagkabukas ko ng pinto. Nandun si Mr. Bautista at may sinusulat siya. Ng makita na niya ko.. 

"Oh! Ms. Madge,may ibibigay nga pala akong invitation." kinuha ko ito at tinignan. Binukas ko ang invitation at.... WAHHHH!!! Birthday na ni Suzzane next week?!?!?! Nanlaki ang mata ko sa itsura niya sa invitation. Ang ganda nung photoshoo--- TEKA?! Ibig-sabihin alam niya na talaga na magkakaroon siya ng celebration sa birthday niya?! Bakit di niya sinasabi?!?! PUNYATERA SIYA! 

"Wow! Sir,edi engrande po itong birthday niya?" sinabi ko ito habang tinitignan ang invitation.

"Oo naman,dahil hindi ko napalaki si Suzzane nung bata siya. Gusto ko naman bawian siya ng mas malaki at pasayahin siya. Punta ka ha? Sige you may go :)" sinabi niya at nag-thank you naman ako. Nagmadali ulit akong pumunta sa kanya. Hindi pa naman namin time kaya madami pa kaming pwedeng gawin. Sa wakas nakita ko si Suzzane na nakaupo dun sa isang bench. 

"Suzzane!" sinabi ko at tumakbo. 

"Grabe ka Suzzane! Hindi mo manlang sinasabi sakin na birthday mo na next week!" sinabi ko sa kanya at tinapik 

"Pasensya na.Dapat kasi sasabihin ko na kanina. By the way,pakisabi kala Ralph,Tom at Jarren na pumunta din sila. Share na kayo diyan sa invitation." sabay tinuro ni Suzzane ang invitation.

"Ayoko kasing mag-abot sa mga ganun. Medyo awkward lang ako sa mga ka-opposite sex ko. Kaya ikaw nalang magsabi. Kung hindi sila pupunta okay lang. Basta pumunta kayo ha. Next week na yan." sinabi ito ni Suzzane

"Sure naman! Grabe! Siguro napaka-ganda mo sa birthday mo! At syempre engrande yung birthday mo! Excited na ko!" nagsitawanan lang kami ni Suzzane nung sinabi ko ito. 

Syempre naman excited ako sa birthday ni Suzzane kasi 1st time kong makikita si Suzzane na magcecelebrate ng birthday niya at 1st time din siguro niya makaranas ng engrandeng party. Sana menjoy niya. Hayy! Oo nga pala! 1st time ko rin siyang makikitang nakadress? or gown? EWAN! Basta first time ko siyang makikitang naka-ayos. #Excited. 

Suzzane's P.O.V. 

Matapos ang klase sinabi ko sa 3 musketeers (Jarren,Ralph at Tom) ang tungkol sa birthday ko at eto ang mga reaksiyon nila. 

"AY PUPUNTA AKO!" sigaw ni Tom. Di ko pa pala nasasabi sa inyo na may crush pala sakin si Tom. Pogi sana at hot... Sakasongalang makulit. 

"Oh sige. Sabay nalang kami ni Madge pupunta. Advance Happy Birthday! *with smiley face*" sinabi ito ni Ralph. At maya maya naman tinanong niya si Jarren. 

"How about you Jarren?" nakapamulsa si Jarren at naka-earphones. Tinanggal ito ni Tom at inulit ang tanong ni Ralph. 

"Hey! How about you? Are you going to Suzzane's birthday party?" nung tinanong toh ni Ralph. Parang ang seryoso ng mukha ni Jarren. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako sa kanya! Oo na may crush ako sa kanya pero 0.5% lang! Mawawala din toh dahil kay David My Loves este.. David Tan. Parang pinagpapawisan ata ako sa mga sasagutin ni Jarren. Bakit ba parang sinasabi ng isip at puso ko na Sana pumunta siya. ? Nakakainis naman tong si Brain at Heart! Maya-maya nagsalita na si Jarren matapos basahin ang invitation. 

"Geh." yun lang ang sinabi niya. 

"YESSS!!!" sigaw ko. SH*T! Teka bakit parang ang saya ko?!?! 

Lahat sila nakatingin sakin at si Jarren ay nakatingin sakin ng masama. 

"Ang ibig kong sabihin... Yes! Walang kulang sa party ko! Salamat Jarren." sabi ko

"Tss." sinabi ito ni Jarren. At binalik na ang earphone pero bago palang niya malagay ang earphone. Nagtanong ulit si Tom

"Sabay ka nalang sakin pare?" tanong ni Tom at tumango lang si Jarren. 

Nag-thank you ako sa kanila at pumunta sa room ni David. Buti nalang natandaan ko pa yung room number nila. Kasi nga diba sinabi niya sakin yung unang araw na nagkakilala at nagkita kami. Nakita ko siya na lumabas. Hayy grabe ang pogi parin talaga!! !#$%$^@%@# 

"David!" sigaw ko at tumingin siya. Mukha siyang upset pero nung tinawag ko siya. Parang bumalik yung normal niyang itsura. 

"Oh bakit?" tanong niya

"Uhm.. Eto nga pala yung invitation ko sa birthday ko. Sana pumunta ka." inabot ko ito sa kanya at nung aabutin na niya,hindi lang invitation ang hinawakan or kinuha niya. Pati kamay ko. 

Nagulat ako ng bigla kaming nagkaroon ng eye contact ng mga 5 seconds at maya-maya may nag-aiieee sa kanan ko at yun sila Ralph at Tom (kasama din nila si Jarren at Madge pero di sila nag-aiiee). 

Binitawan din naman ni David yung kamay ko at nagthankyou. Tapos nakita ko si Jarren na naglakad papalayo at binangga si David. 

"Hey what's your problem?" sigaw ni David. 

"Tsss." sabay takbo si Jarren. Hahabulin sana ni David pero pinigilan ko. 

"Pasensya ka na. Baliw yun eh." pagpapaliwanag ko at nagchuckle siya. SH*T! Madge! Give me oxygen!! ANG POGI TUMAWA. 

Umalis narin si David at umalis na kami nila Ralph,Tom at Madge. At nagbulong sakin si Madge. 

"Grabe ka! Pinagselos mo ko dun ah!" tumawa lang ako at si Ralph parang yung tingin niya samin dalawa ay parang may sinasabi.. Parang may sinasabing Ano kaya yung binulong ni Madge? Bakit sila tumatawa? 

Nung time na nasa kotse ako. Nagpahatid ako sa bahay nila Tita at Tito (yung nagpalaki sakin). 4:20 P.M. palang naman so pwede ko pang puntahan at bigyan ng invitations ang mga kakilala ko dati. Habang hinihintay kong makarating sa bahay ko dati (medyo malayo kasi yun) iniisip ko yung tanong na.. 

Bakit kaya binangga ni Jarren si David? Anong nagawa ni David sa kanya? 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now