Chapter 33

2.5K 28 5
                                    

Jarren's P.O.V. 

Muntik ko nang makalimutan na last day na pala kahapon dahil sem break na. Nandito kami nila Ralph,Gerald at Tom sa kwarto. 

"Kasi pare bakit di mo ba kayang sabihin?" tanong ni Tom

"Oo nga pre. Sige ka aagawin ko sayo si Suzzane." sabat naman netong si Gerald

"Subukan mo sasapakin kita... ay hindi. Bubugbugin pala kita." 

"Haha joke lang pre galit ka agad eh noh haha." psh. Bwisit ka Gerald. 

Nagpapatulong naman kasi ako sa kanila kung paano ko sa sabihin kay Suzzane,di ko kasi alam kung bakit di ko rin masabi sa kanya eh. Psh parang ngang hindi nila ko tinutulungan eh parang puro tanong lang tong mga kaibigan ko sakin. 

"Alam mo,ang problema sayo? Torpe ka pre... TORRRPPPEEE" sabi ni Ralph at nilalapit pa niya mukha niya sakin habang sinasabi yung salitang "TORRRPPPEEE" :3 Psh. 

"Eh! Hindi ako torpe!" 

"Torpe ka!" sabay sabay pa. 

"Edi oo na!" sabi ko. I give up,torpe ako period. 

"Bakit ba kasi natotorpe ka?" tanong naman ni Gerald. 

"Dahil nga natatakot ako dahil baka wala naman siyang nararamdaman sakin o kaya ayaw niya sakin dahil binabastos ko siya dati." bigla naman nagpoker face si Gerald at nagface-palm si Tom

"Pre,ang bakla mo naman! Bakit ka naman matatakot? Eh ang dami dami mo na ngang naging lovelife tapos ngayon ko lang natatakot ano ka? At tsaka bakit mo kasi naman siya binabastos?" sabi naman neto ni Ralph

"Ralph,hindi ako bakla ano ka ba. At tsaka ngayon ko lang kasi siya sineryoso at binabastos ko siya para di niya mahalata!" 

"AAAAIIIIEEE! Naks sumeseryoso na si Jarren Collins!" sigaw naman ni Tom at nag "Aiiee" na naman sila. 

"Oy ! Tumahimik ka porket lang malaki katawan mo hindi na kita kayang talunin." sabi ko at nagtanong na ulit ako. 

"Eh anong gagawin ko?" tanong ko at bigla naman akong binatukan ni Gerald. 

"Ang bobo naman neto! EDI UMAMIN KA!" 

Napatahimik nalang ako at nagtanong ulit.

"Gusto ko yung romantic na way. Tulungan niyo ko pwede?" 

At umagree naman sila. Nagplano na kami ng nagplano at ayun! Natapos din. Kinakabahan na excited na ako! 

*****************************

Suzzane's P.O.V. 

Kasama ko ngayon sila Madge,Khyla,Noreen at Faye sa kwarto ko. Ang masaya pa,magsle-sleepover daw sila ngayon dito at pinayagan kami ni tatay. Hmm time ko na toh para sabihin ko sa kanila... 

"Guys.." tinawag ko sila. Lahat kasi sila may sarisariling mundo,puro cellphone. 

"Bakit?" sabay sabay sila at nakatingin na sila sakin. 

"Guys kasi ano.." 

"Bakit?" sabay ulit sila. 

"Hindi ko na alam yung gagawin ko." sabi ko

"Bakit?" 

"Kasi yung nakita ko yung diary ni Jarren parang naguluhan yung nararamdaman ko." sabi ko

"Bakit?" 

"ISA PA! ISA PA! SERYOSO AKO MGA LECHENG TO." at nagtawanan naman sila. 

"Oh dali na go." 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now