Chapter 42

2.1K 23 2
                                    

Nandito parin ako sa hospital kasama si nanay. Hinihintay nalang namin magising si Coleen. Sinabi ko rin kay tatay ang mga nangyare sa text. At nagpaalam na rin ako na dito muna ako sa hospital.

"Nay kailan pa po yang sakit niya?" pagtatanong ko.

"Hayy naku matagal na. Monthly siya iniinjectionan ng gamot pero mahilig naman magpapagod. Kaya dapat may tubig palaging dala yan." sinabi yun ni nanay..

"Sorry po. Hindi ko po kasi alam eh. Hayaan niyo po sa susunod dadalhan ko na siya ng tubig."

"Okay lang Suzzane" sinabi ni nanay ng nakangiti.

At sa wakas lumabas na rin yung doctor sa room ni Coleen.

"Okay na po ba siya doc?" pagtatanong ni nanay sa doctor.

"Yes mam pwede na po kayong pumasok at pwede niyo na rin po siya pauwiin if okay na okay na po siya." tumango si nanay at naghand gesture siya sakin na pumasok din daw ako sa room.

Pumasok naman ako at nandun si Coleen,nagcecellphone. Parang walang nangyari.

"Hey Coleen stop playing nga muna! Para kang bata." nagpout naman si Coleen at itinigil muna ang pagcecellphone. Nginitian niya ko at ganun din ang ginawa sakin ni Coleen. Pinagsabihan agad ni nanay si Coleen ng makahanap si nanay ng upuan.

"Coleen! Sabi ko naman sayo wag kang magpapagod. At kung matigas pa rin yang ulo mo, bumili ka ng tubig at inomin mo pagkatapos mong magpagod!" mukhang galit si nanay. Pero naiintindihan ko naman siya dahil may sakit nga naman yung..... anak... niya. Kapatid ko pala.

Mga ilang minutes nagsalita na ulit si nanay at nakapagdecide na siya na magayos na kami dahil aalis na kami.

Umalis muna si nanay para magbayad sa hospital. 1st floor pa yun at sumunod nalang kami ni Coleen.

"Ikaw Coleen hindi mo pala sinasabi sakin na may sakit ka. Ano bayan." pabiro ko pang sabi.

"Eh kasi ate, kung sasabihin ko sayo,papayagan mo ba ko maglaro kasama ka?" napatahimik nalang ako at natawa pa siya. Eh kasi naman may point siya.

Nandito na kami sa labas at ihahatid nalang daw nila ko sa amin. Syempre kami naman ni Coleen nasa backseat ng kotse at nagkwekwentuhan...

"Ate kilala mo ba toh? Wait lang." bigla siyang naghalungkat ng pictures niya sa cellphone niya at pinakita niya sakin..

"Ay wala na. :/ Binura kasi ng mga classmates ko eh." bigla siyang nalungkot at syempre ako naman chineer up ko agad siya.

Sinabi rin kasi ng nanay niya na bawal ang sobrang lungkot si Coleen. Kaya kailangan ko siyang icheer up kapag may mga nangyareng hindi maganda sa kanya.

Nandito na kami sa bahay at nagthank you narin ako sa paghatid sakin. Pagkapasok ko sa bahay nakita ko si Tatay na nasa living room.

"Suzzane..."

"Bakit po?" umupo ako sa upuan at nagsalita ulit si Tatay.

"Wag ka ng makikipagkita sa nanay mo." nabigla ako sa sinabi ni Tatay.

"T-teka bakit po?"

"Basta!" umalis si Tatay pero bago siya maka-alis.

"Tay! Nanay ko parin siya! At may karapatan akong makipagkita sa kanya kahit kailan at saan ko gusto!" pero hindi pa rin nagsasalita si tatay. Umalis pa rin siya. Pero di ako nagpahuli.

"Ano ba tatay! Alisin mo na nga yang pagkabitter mo!" bumulong lang si tatay ng...

"Hindi ako bitter."

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now