Chapter 28

3K 30 0
                                    

Jarren's P.O.V. 

Nakakabwisit naman! Meron na namang Christmas Prom! Last year kasi ang lalandi ng mga kapartner ko kaya umuwi agad ako. Tapos last year din nakipag-break yung ex ko sakin kaya naglasing ako nung gabing yun sa school! Hayy tapos kapag hindi pa umattend ibabagsak yung grades. Hayy ang landi rin netong School Director na si Mr. Bautista eh,daming arte. 

Nandito ako ngayon sa gate ng school namin at hinihintay ko si Jejemon na si Suzzane,ako naman ngayon ang maaga dahil nakaka-awa naman baka umiyak sa sobrang tagal kong pumasok palagi. Maaga rin naman siya pumasok kaya hindi na ko naghintay ng sobrang tagal. 

Magkatalikod naman kaming dalawa ngayon pagpasok dahil ang awkward kasi at pinagtitinginan kami lagi ng estudyante. Aish nakakadiri naman kasi parang kaming maghahalikan sa sobrang dikit namin kapag papasok,dapat kasi may 2 in 1 tong I.D. scan na ito eh. 

Pagkatapos naming pumasok ay tumakbo agad ako at hinanap sila Tom at Gerald. Masyado na kasing busy si Ralph sa pagsama kay Madge,Suzzane at yung ex ni Jejegirl na si David. Ewan ko ba kung bakit may pumatol dun sa jejemon na yun. :3 Panget panget eh. 

Pagkatapos namin hintayin nila Gerald at Tom ang bell na magring ay umakyat na kami sa room at sinabi na ng teacher namin na i-announce na daw ni Madge yung mga in-assign niya para sa mga gawain sa Christmas Prom. 

"Okay! Class wag kayong magrereklamo kung ano at sino ang kapartner niyo okay? At kung ano yung tungkulin niyo." sabi ito ni Madge. Ish di ko ba alam kung bakit parang nae-excite ako kung sino ang kapartner ko? Parang ngayon kasi.. Parang mag iiba yung simoy ng hangin eh. Sana naman matino at magugustuhan ko na yung ka-partner ko. 

Inannounce na ni Madge ang 10 magdedesign sa Arena (at kasama pa ko =_=) at pagkatapos nun yung mga magkakapartner na sa Prom. 

"Okay Ralph and...." hindi natuloy ni Madge ang pagsasalita dahil biglang nag-aiieee lahat ng mga kaklase ko. 

"And... ako." then nagsigawan ang mga kaklase ko. Hayy ang lalandi. Pati teacher ko tumatawa rin. 

"So eto na ang last na magkapartner." sabi ni Madge at pansin ko ako nalang ang lalaking hindi nababanggit at.... Sino pa ba yung babaeng hindi nababanggit. 

"Jarren and...." Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil naisip ko na kung sino yung babaeng hindi pa nababanggit. 

"Suzzane!" Shit. 

Yung iba nagsigawan at kinilig,yung iba nagdabog. Yung iba wala lang. Tumayo ako para magreklamo. 

"Eh! Ayoko!" sabay pa kaming nagreklamo ni Suzzane. Bwisit bakit siya pa?! Worst prom! Kakainis. 

"Suzzane and Jarren! Sit down!" sigaw ng teacher namin na tumatawa parin. Kakabwisit. Di ko na napigilan na magroll eyes. Bwisit. 

Madge's P.O.V. 

Pagkababa ko para pumunta sa Arena buong klase ay sumugod sakin at nagrereklamo. At ako naman hindi ko sila pinapansin kahit na si Suzzane pa yung nagrereklamo kung bakit daw si Jarren ang kapartner niya. 

Nakangiti lang akong naglalakad na papunta sa Arena. Pagkarating ko sa tapat ng Arena bigla akong huminto at nagsalita sa mga nagrereklamo. 

"Ah hindi kayo titigil? Okay lahat kayo magdedesign ng arena!" pagkasabi ko nito ay biglang nag-takbuhan ang mga kaklase kong hindi naman dapat magdedesign ng arena. 9 nalang ang natira ditong kaklase ko at ako yung isa kaya 10 kaming lahat. Isa sa mga magdedesign ay sila Ralph,Suzzane,Tom,Gerald,Jarren at yung 4 ko pang kaklase. Haha nakakatawa yung mga itsura nila dahil ang hassle nila. Ayaw na nga nila yung mga partners nila sa prom,sila pa yung magdedesign. Bwahahaha. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now