Chapter 45

1.8K 22 6
                                    

Suzzane's P.O.V.

"Oh Coleen,siya yung boyfriend ko, si Jarren." Sinabi ko kay Coleen pero nagulat nalang ako sa mga susunod na nangyari.

Bigla siyang bumagsak sa sahig at ang daming estudyante na nakita at sumigaw.

"Coleen!" Sigaw ko. binuhat ni Jarren si Coleen at sumugod agad kami sa clinic..

Kinakabaha ako,eto na naman. Hinihimatay na naman siya. Medyo naiiyak na rin ako dahil, tinuturing ko na rin siyang kapatid sa ngayon.

Nakaupo kami dito ni Jarren sa labas ng room at niyakap niya ko.

"Magiging okay din siya wag kang mag-alala..."

Matagal-tagal din kaming naghintay dun. Mga 30 minutes ganun. Sinabi ng doctor na okay na siya pero kailangan daw niyang magpahinga sa ngayon..

Kaya ayun,dito lang kami.. Nagprapractice lang naman ang mga kaklase ko para sa Graduation at alam na naman namin yun...

"Hoy jejemon." nakaupo parin kami at ako naman ay nakapikit at nakasandal ang ulo sa balikat ni Jarren...

"Bakit halimaw?" Sagot ko..

"Baka naman lumandi ka sa school mo ah." namulat ko angmga mata ko at umupo ng maayos.

"Ikaw nga diyan ata ang lalandi eh! Naku Jarren,malaman ko lang talagang uuwi ako ng bansa!"

"Teka? Sa ibang bansa ka mag-aaral?" Tanong ni Jarren..

"Oo eh." natahimik kaming dalawa..

Assssuuuusss ayan na naman yung mukha ni Jarren na malungkot at paamo. Sana lagi nalang siyang ganyan para cute siya tignan.

"Mam,gising na po ata siya,pwede na po kayo pumasok..." hinawakan ko yung kamay ni Jarren at pumasok na sa kwarto.

Pagkapasok namin nakita ko si Coleen na kumakain..

"Coleen okay ka na pala!" sinabi ko ng nakangiti pero tumingin lang siya sakin at sa kamay namin ni Jarren na magkahawak.

Sinabi ng nurse sa amin na pagkatapos daw maubos ni Coleen ang pagkain niya,pwede na daw siyang umalis at pumasok kung kaya niya...

"Ano Coleen kaya mo ba?" Tanong ko sa kanya.

"Kayang ano? Kayang pumatay? Oo." nagulat ako sa sinabi niya at nagsalita ulit siya.

"Just kidding. oo kaya ko."

At ayun hinatid na namin ni Jarren si Coleen at pinaalam na namin siya sa teacher niya.

Habang papunta kami sa classroom nagsalita si Jarren..

"Bakit ba hinimatay yun?" Pagtatanong niya.

"Di ko ba alam dun."

Oo nga naman,bakit ba siya hinimatay? Ngumiti naman siya samin ni Jarren kanina nung pinakilala ko siya. Eh ano bang problema? Ish. Sabi ko kasi uminom ng tubig kapag may nararamdaman siya eh >3<

Pagkapasok namin sa classroom,may kanya-kanyang ginagawa ang mga kaklase ko. May nagkwekwentuhan,sigawan,naglalaro,nagbabasa,nagbubulungan at syempre yung iba nagsasaway...

"Oh saan kayo nanggaling?" Tanong ni Madge..

"Gumawa ng baby." sinabi naman ni Jarren.

"Gaga ka talaga! Napaka-L mo" umupo na ko sa tabi ni Madge.

"Oh nasan si mam?"

"Wala absent." kaya naman pala nagrarambulan etong klase.

Pinanood nalang kami sa USB ng isa kong kaklase ng movies. Syempre ang pinanood namin...... FROZEN =_____=

Pagkatapos ng movie,may tumawag sa phone ko. At si Khyla yun.

"Hello?" Pagtatanong ko...

"Suzzane kailangan mong pumunta dito kala Faye. Ngayon na,sige na please bye!" Weird... Pero sige pupunta na nga ako...

******************************

"Eh kasi naman,nakita ko siyang may kasamang babae! Tapos... Tapos... Uwaaaaaa!!" Naka-ilang tissue rolls na kami .

Nalaman kasi namin na niloloko daw ni Gerald si Faye. Gago yun ah.

"Tama na... Tama na..kailangan niyong mag-usap para maayos to." Sinabi ko kay Faye.

Nandito na kasi kami sa kwarto ni Faye at wala talagang tigil ang pag-iyak. Eh kulang na nga lang bumaha na dito sa kwarto niya.

Nagpaalam na ko sa kanilang 3 pagkatapos umiyak ni Faye. Matagal-tagal din akong nagstay sa kanila. At tsaka baka hinahanap na ko nila tatay at nanay.

Pagdating ko sa bahay nakita kong kumakain sila nanay at tatay.

"Oh Suzzane kain na!" Sinabi ni nanay.

"Sige po busog pa po ako." Dumeretso ako sa kwarto ko at nakita ko si Coleen. Umiiyak siya,at parang may bibabasa pa siyang isang notebook..

"Coleen bakit ka umiiyak?" Tinanong ko siya.

"Wala ate... Wala." Umalis siya ng kwarto at naiwan akong mag-isa sa kwarto ko ngayon. Ang weird talaga, hindi ko na maintindihan itong si Coleen.

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now