Chapter 39

2.2K 18 1
                                    

Malapit nang dumating ang test kaya ako todo na ang pagrereview ko halos di na nga ako kumakain sa school eh (tuwing lunch lang). Tapos minsan hindi ako nakakasunod sa practice dahil puro review ang ginagawa ko. Kinakabahan naman kasi ako at baka bumagsak ako. Pati nga sa bahay ilang araw na ko nagrereview eh.

"Suzzane? Kain ka kaya muna." sabi ni Jarren.

Nandito kami sa canteen at AM recess na. Bukas na kasi yung test. At syempre ako kailangan ko na talaga magreview ngayong araw.

"Sige mamaya nalang." sinabi ko at pinagpatuloy ko ang pagrereview ko sa Science.

"Dali na oh say ahh." susubuan sana ako ni Jarren.

"Mamaya na .." sinabi ko at di tuloy ako makapagfocus na.

"Oh nganga na." nilalapit na niya yung kutsara sakin pero bakit parang nakaramdam agad ako ng inis at init ng ulo? Dahil ba sa kakareview.

"Ano ba Jarren?! Diba sabi ko mamaya nalang?!" tumigil sila Madge,Ralph,Tom,Gerald at Jarren sa pagkain nila at nakatingin sakin.

"Guys alis muna ko ah di ako makapagconcentrate." umalis ako at pumunta ako sa tapat ng classroom.

Ish ang tanga tanga ko! Baka nasaktan ko si Jarren. Hayyy review nga muna.

Jarren's P.O.V.

"Jarren,pagpasensyahan mo na siya ah. Stressed na siguro sa pagrereview." sinabi ito ni Madge sakin pero tinago ko nalang yung nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagngiti.

"Okay lang sige kain lang kayo."

Awts. Worried lang naman ako dahil pansin ko araw araw na siyang nagrereview. Parang ngang wala na siyang time makipagusap sakin eh.

Palapit na ng palapit ang test kaya yung mga teachers namin binigyan kaming time para magreview sa mga oras nila,dahil wala na naman daw gagawin. Nagreview narin naman din ako dahil ayokong bumagsak.

Habang nagrereview ako,napansin ko na lumapit si Suzzane sakin at tumabi. Si Ralph kasi nasa tabi na ngayon ni Madge.

"Oh bakit?" tinanong ko si Suzzane.

"Pasensya na kanina ah. Kas--" hindi ko na siya pinatapos dahil naiintindihan ko naman yung gusto niyang sabihin.

"Okay lang. Tara review na tayo."

Nagreview naman kami at buti nalang nagegets ko agad yung iba dahil tinuturo naman ni Suzzane ng malinaw. Dapat pala siya nalang teacher namin para mas naiintindihan pa.

Dismissal na at hindi ko nakasabay si Suzzane pauwi dahil may bibilhin daw sila ni Madge sa grocery,hindi na rin ako sumama dahil magrereview pa ko. Syempre matalino ata ito. Kasama ko naman sila Ralph sa bahay namin para magreview bwahaha :)

Suzzane's P.O.V.

Nandito kami ngayon sa grocery store,bibili kasi ako ng mga personal needs ko sa bahay at syempre kasama ko si Madge.

"Oh Suzzane CR muna ako ah." pagpa-paalam ni Madge sakin,kanina pa kasi kami lakad ng lakad para mamili.

"Oh sige sige." sinabi ko yun at umalis na siya kaagad.

Pumunta ako sa snacks section ng grocery para may makain ako mamaya. Pero may napansin ako,nawawala yung ID ko!

"Shit nasan na yun?" hinanap ko sa cart kung nandoon sa loob pero tumigil ak osa paghahanap ng may tumawag sa likod ko.

"Uhm miss." lumingon ako at wow. Ang ganda niya. Mukha na siyang nanay pero maganda pa rin at blonde kaming pareho. Wow naman!

"Sayo ba ito?" pinakita niya sa kin ang hawak niya at ID yung hawak niya.

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon