Chapter 29

2.6K 30 0
                                    

Madge's P.O.V.

Shaks! Si Suzzane ba talaga yun? Hanggang ngayon ay hindi kami makapaniwala nila Ralph na si Suzzane yun. Sila Gerald at Tom todo makasigaw palibhasa may crush kasi kay Suzzane ang mga iyan.

Pagkatapos ng fashion walk ay inayos na namin ang mga props at madaming nagpicturan at napuno agad ang skating rink sa gilid ng arena. Pumunta na ko sa kapartner ko na si Ralph,eh aaminin ko.... ANG POGI NIYA NGAYON! Oo gusto ko na siya! Parang ngang gusto ko na siyang sagutin eh! Shit talaga!

Bumaba na kami sa grounds at ang mga guest naman ang nagsiupuan sa taas. Grabe eto na si Ralph may dala pang roses.

"Ano ba! Nag-abala ka pa,pano tayo sasayaw niyan kung may hawak akong roses?!" at tumawa lang yung gago. Eh! Nararamdaman ko na umiinit yung mukha ko.

"Oh bakit ka namumula?" tanong ni Ralph. Shet! Nahalata niya! Anong gagawin ko?!

"Eh kasi naiinis ako sayo! Tara na dun na tayo!" hinablot ko ang kamay niya at pumunta sa pwesto namin.

Habang nag-uusap kami ni Ralph napatigil kami ng may nakita kaming babae na nakagown at silver na white siya. Grabe ang lakas maka-Cinderella ng ayos niya. Nagulat ako ng pumunta yung babaeng yun sa tapat ni Jarren kaya nagkatinginan kami ni Ralph at lumaki ang mga mata namin.

"SI SUZZANE!!" sigaw namin at lahat ng mga estudyante na sasayaw ay nakatingin samin at tumingin din kay Suzzane. Napalingon tuloy si Suzzane at ngumiti samin.

Narinig kong nagbulungan din yung ibang mga 4th year. Mga masyadong insecure porket lang kapartner si Jarren! Psh! Maya-maya ay nagsimula na ang kanta.

Yung iba nagsigawan na,yung iba nagpicturan na,yung iba pumalapak at yung mga sasayaw ay humawak na sa balikat ng lalaki at sa baywang ng mga babae. Syempre ginawa naman namin ni Ralph yun at nakita rin namin sila Suzzane na naghawakan na rin!! AIIEEE KINIKILIG AKO SA KANILA!

Suzzane's P.O.V.

Pagkatapos ng fashion walk ay bigla nalang pumasok si Ms Alison,ang gown designer na nagdesign ng gown ng mama ko at ng gown ko nung birthday ko!

"Oh bakit po nandito kayo?" Pagtatanong ko.

"Eto ang gown mo na susuotin! Buti nalang handa ako palagi. Magbihis ka na dali!" Dumeretso agad ako sa pinakamalapit na CR at nagbihis. Tinignan ko ang gown at mas maganda siya sa sinuot ko nung birthday ko! Grabe ang ganda!

Pagkasuot ko ng gown ay inayos agad ang buhok ko. Nae-enjoy ko rin naman ang straight kong buhok. Ang dami ko na ngang text na natatanggap na ang ganda ko daw at straight na daw yung buhok ko... Lumabas na ko sa backstage at hinanap si Jarren.

Naglakad-lakad na ko para hanapin siya at pansin ko rin na ang daming nakatingin sakin. Ano ba yan! Nakakahiya kasi dahil nakatingin silang lahat sakin mula ulo hanggang paa,yung totoo?! Ano ginawa ko sa inyo? XD

Nakita ko rin naman agad si Jarren at pansin ko lang... Ayaw niya ng mga ganitong event pero nagpapapogi siya kagaya nung sa birthday ko! Oo mas pogi siya ngayon,siya na! Bwisit siya!

Narinig ko rin na sumigaw si Ralph at Madge at lumingon ako sa kanila at nginitian. Nang tumunog ang kantang sasayawin namin,nagsalita si Jarren.

"Oh ayan na." Sabi niya ng mahina at nakatingin sakin. Aaminin ko rin na ang bango niya grabe!

"Anong ayan na?" Tanong ko.

Bigla siyang nag 'Tsk' at hinila ang kamay ko at nilagay sa balikat niya at natawa naman ako sa reaksyon niya dahil parang galit siya.

"Oh anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Nagsimula na ang sayaw at nakalagay naman yung mga kamay niya sa baywang ko..

"Wala natatawa lang ako sayo."

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now