Chapter 52

1.8K 21 1
                                    

Coleen's P.O.V.

Galit pa rin ba sakin si Ate Suzzane? Mali naman yung ginawa ko,nakipagkompitensya pa ko sa kanya sa hubaran.

Nandito pa rin kami ni Jarren,kumakain. Ang awkward nga kasi nandun si Ate Suzzane at nakita na naman niya kaming magkasama.

Bakit parang nakaramdam din ako ng galit kay Ate Suzzane? Kung galit siya sakin. Aba,baka gusto niyang makita lalo yung dark side ko.

Pagkatapos namin kumain ni Jarren,pumunta rin kami sa mall. At ayun tumingin tingin lang kami ng damit at eto namang si Jarren,hindi ko ineexpect na bibilhan din ako ng damit.

"Oh ayan ah binilhan na kita ng damit ah." sinabi ni Jarren habang nandun kami sa counter at nakangiti naman tong babae dun kay Jarren. Teka bakit ba nagseselos ako? Eh wala naman akong karapatan? =__=

Pagkalabas namin sa shop nagthank you ako kay Jarren at nagsalita ulit siya.

"Sagutin mo na kasi ako."

Oh ano? Gulat kayong mga nagbabasa no? Oo nangliligaw sakin si Jarren,pag sinagot ko kasi siya magagalit na naman kayong mga readers na wala namang karapatan. Psh pareho lang kayo nila Suzzane,mga bitter! ;)

"He! Tumahimik ka!" sinabi ko kay Jarren at ngumiti siya. Dahil nga wala kaming magawa at free rin si Jarren ngayon (wala siyang work ngayon,hindi siya pumasok para lang makasama ako <3) nanood kami ng sine.

Nanood lang naman kami ng The Amazing Spiderman 2.. Hayy pag mga lalaki talaga. :3

Yung iba naman napagkamalan pa kaming magsyota. At si Jarren naman wala feel na feel niya. At ako... It's none of your business.

At ayun,gusto ko na nga lang matulog sa sinehan,paano ba naman kasi,ang konti lang pala ng fighting scene sa movie na ito . Sa kaso ngalang,nakakahiya rin naman matulog dahil baka mamaya magtampo agad tong kasama ko.

Oo ang arte ko no? Eh wala na kayong magagawa. Nanliligaw na siya sakin eh. :)

Suzzane's P.O.V.

Kumusta na kaya ang dalawa? Hmm wag ko na nga silang intindihin,ang intindihin ko ay dapat matanggap ako sa trabaho ko.

Sa wakas ay nakarating na rin kami sa dapat namin pagratingan. Ang taas ng building at ang sososyal ng mga suot. I mean formal ganun.

Then pagpasok namin ang dami agad nag good afternoon kay nanay. Si Manong dun nalang daw sa kotse,pinark niya muna yun sa parking lot dahil nakakahiya naman na nakaharang ang kotse namin sa harap ng building.

Pumunta kami sa elevator and pinindot ni mama ang 13th floor. Grabe,ang taas talaga ng building na ito.

Then pagkabukas ng pinto ng elevator,may hallway muna bago makapunta dun sa isang pinto. Siguro dun yung boss.

Kumatok muna si nanay dun sa pinto. Syempre naman alanganaman diba? Deretso pasok.

Binukas rin naman agad ni nanay yung pinto pagkatapos niyang kumatok then nakita namin ang lalaking nakasuit and tie at nakaupo lang siya dun sa upuan niya at he's reading newspaper na ang laki.

"Ehem sir." sinabi ni nanay. Ano ba itong nanay ko? May T.V. na ba ito?

"Oh! Amanda! Upo kayo." then umupo na kami dun ni nanay sa mga upuan.

"So siya ba yung daughter mo?" Tinanong nung lalaki kay nanay.

"Yes sir." Sinabi ni nanay.

"Amanda can you give us a moment? Iinterview-in ko lang siya." medyo kinabahan naman ako. Ish. Kaya ko to. Kaya ko to.

Then pumayag si nanay at tinap ng mahina yung kamay ko at umalis na.

Tinanong lang naman ako ng mga simpleng questions,pero kahit simple ito,namasa talaga kamay,paa,katawan,ulo,likod,pwet etc. sa pawis.

Pero syempre di ko pinahalata kahiya kaya .

Then after nun umalis na ko sa room at tatawagan nalang ako ni Mr. Mendoza (yan pala apilido niya at siya nga ang boss dito. Siya ang pinakamataas na posisyon at pangalawa si nanay sa pinakamataas na posisyon) kapag natanggap daw ako.

Tinawagan ko na si nanay nung nasa elevator na ko.

At nung makarating ako sa 1st floor umupo muna ko sa upuan dun,sabi kasi ni nanay hintayin nalang daw niya ko sa 1st floor.

Tama ba itong nakikita ko? Si Jarren? Nandito? Sa building na ito? What the?! Anong ginagawa ng manlolokong ya--- i mean anong ginagawa niya dito?!

Wait bakit ba galit na galit ako pag nakikita siya? Ish bitterness. Kailangan naka-smile lang ako ganyan,act naturally.

Tinignan ko siya pero...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nagkatinginan kami! Nagkasalubong ang mga mata namin. It means,nakita namin ang isa't isa. ARGH!

Pero,hindi niya ko pinansin. Teka? Nagbago na nga ba siya? Wag niyong sabihin na...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Babalik ang dating Jarren?! Aba kung ganun,may dadating na bagong Suzzane Bautista.

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now