Chapter 15

3.2K 41 0
                                    

Jarren's P.O.V.

Hayyy Monday na naman at papasok na naman ako. Naalala ko na makiki-scan lang pala ako ng I.D. din sa jejemon na babaeng si Suzzane. Peste kasi tong si Madge eh! Bakit kasi kay Suzzane pa? Hindi naman ako makakatanggi dahil president ng school tong babaeng toh!

Naligo na ko at nag-ayos. Bumaba ako pagkatapos kong mag-ayos at nakita kong may invitation sa table namin. At isa siyang invitation. Wala na kong paki-alam kung invitation yun para papuntahin ako sa guidance or ipapatay ako mamaya pag-uwi ko.

Sumakay na ko sa kotse at hindi nagtagal,dumating narin yung driver namin. Tinext ko muna si Madge at tinanong kung pumunta na ba sa school si Suzzane.

Oo pumunta na! Sinabi nga niya na sabihin ko nalang sayo kapag papasok ka na! Pero naunahan mo kong magtanong.

Eto ang reply niya sa text. At parang gusto kong gumawa ng something evil WAHAHAHAHAHA. Nung time na malapit na kami sa school. Nakita ko si Suzzane na naghihintay dun sa gate. Nakasandal yung isang paa niya sa dingding at yung ulo niya nakasandal din. Tumitingin tingin din siya sa relo niya. Wahahaha! Kawawang jeje girl.

Tamang-tama! May malapit na 7Eleven sa school namin. Dumeretso agad ako dun nung pagkababa ko sa kotse. Syempre hinintay ko munang makalayo yung kotse dahil baka makita ako na hindi pa pumasok. Pagkalayo,pumunta ako sa 7Eleven at bumili ng slurpee. Marami rin nakatingin sakin na babae yung ibang lalaki naman,parang susuntukin ako sa tingin nila. Hayy.. ganito na ba ko kasikat sa school.

Pumunta ako dun sa table at dun ako uminom.

Inom lang ako ng inom...

Hayy ang sarap talaga ng slurpee...

Grabe uhaw na uhaw pa naman din ako...

*PAK!

What the?! May pumalo sakin sa likod at ang sakit nun ah! Lumingon ako para tignan kung sino yun at si Suzzane! Bakit nandito siya?! Paano niya nalaman?!?!?!

Galit na galit ang itsura ni Suzzane. Wahaha nakakatawang tignan na galit na galit siya sa plano ko. Ngumiti ako ng konti at bigla niya kong sinampal.

"Aray ko ah! Bakit mo ko sinampal ha?!" sigaw ko.

"Sino bang tao ang hindi mananampal ng taong katulad mo ha? Gag*!" Sigaw ni JejeGirl..

Lahat ng tao sa 7Eleven ay nakatingin samin. Ish! Nakakahiya! Gusto ata ng suntukan neto eh. Hinawakan ko ang braso niya at umalis papalayo.

Nang makaalis kami,nagdradrama na naman tong si Jejegirl

"Aray ko naman! Bitawan mo nga ko! Nasasaktan ako!"

"Wag ka kasing maingay! Nakakahiya ka kaya! Sigaw ka ng sigaw!" Ako naman ngayon ang sumisigaw

"Okay! Hindi na ko sisigaw. Ano bang ginagawa mo sa 7Eleven ha? Isang oras na ko naghihintay sayo at tayo nalang atang 4th year ang hindi pumapasok!"

"Okay.. Gusto kitang pagkatuwaan kaya pumunta muna ako dito. Teka bakit mo ba nalaman na nandito ako?!?!" pagtatanong ko.

"Sinabi kaya nung mga babaeng estudyanteng may mga hawak na mga pagkain at inuming binili sa 7Eleven! Syempre ako naman..tinanong ko."

"Ah okay" sinabi ko nalang toh dahil wala na kong masabing iba.

"Ano?! Ah okay lang? Walang sorry? Walang patawad?" Aba ang arte netong Jejemon na toh ah!

"LOL ayoko nga." Sabay tumakbo ako papalayo at kinuha ang ID niya. Hawak hawak lang kasi niya yung ID

"Hoy ibalik mo yan! Akin yan!" Sigaw niya at ako naman ay tawa ng tawa habang papalapit sa gate.

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now