Chapter 49

1.9K 29 5
                                    

Hello Guys! Klyde here. I decided that i should fast forward the story. Kasi masyadong madami ng chapters and baka mapagod lang kayo sa pagbabasa ng story ni Suzzane sa ibang bansa XD So guys i hope you enjoy. :) LONG LIVE!! :)

*************

Ang saya ng college year ko,may mga nanligaw,may mga nakipag-kaibigan,may mga nakipag away. Hindi na ko nakauwi ng Pilipinas dahil naenjoy ko na dito sa Pennsylvania lagi rin naman akong nakikipag-skype sa mga kaibigan ko.At pinatawad ko na rin si Coleen bago magstart ang 2nd year of college. Kinuha ko yung course na broadcasting kasi parang yun lang yung madali at hilig ko.

I started to speak english na for 4 years. Pero kahit ganun hindi ko pa rin nakakalimutan mag tagalog talaga ng literal. Nakapag-move on narin naman ako. Hindi naman ako yung babaeng ang drama,gumaganti, at nagagalit. I guess,happy na si Jarren,nabalitaan ko nga na may niligawan yan.

Madami ng nagbago sa kin. Tumangkad daw,lalong pumuti i think and... medyo naging darker ang buhok ko. Hindi ko alam kung bakit pero sabi ng mga friends ko saPennsylvania,natural lang daw yun sa isang blonde.

Ngayong month,uuwi na ko. Babalik na ko at makikita ko na naman sila. Ang mga kaibigan ko. Nakakamiss nga eh,baka nakahanap na sila ng pamalit sakin.

Pagbalik ko naman hindi naman ako yung dating Suzzane na. Masyadong bata at walang kaalam-alam sa buhay. The good thing i learned in Pennsylvania? Is to change. Increase my maturity..

Naka-ayos na ang mga gamit namin para umuwi sa Pilipinas,last night pumunta kami sa house ng classmate ko and nagcelebrate kami dahil nga uuwi na ko i mean parang you know naghanda kasi aalis na ko... ANO DAW?!

*****************

"Suzzane,did you already pack your bags?"

"Just give me a minute dad."

Nag ayos na ko ng mga gamit ko na hindi ko pa nalalagay sa bags ko. Then pagkatapos nun bumaba na ko. Grabe ang evolution ng clothing style ko,dati nung papunta palang ako dito sa Pennsylvania i was wearing dress but now... Syempre 20 years old na ko at kailangan ko ng magbago,what do you expect?

Sumakay na kami sa cab para pumuntang airport and may mga nagbago rin kay tatay,nagkakaroon na siyang puting buhok. Omg.

Then ayun kagaya ng ginagawa ko,natutulog ako hanggang makarating sa airport,then after nun matutulog ulit ako sa airplane. Mahaba naman ang biyahe so magiging masarap ang tulog ko. Well hindi naman literal na nalalasahan na masarap ah.

Naalala ko nga pala,sinabi nila Madge na susunduin daw nila ko sa Airport. I'm so excited to see her again. Matagal din kasi kaming hindi nakapag-skype at usap. 

Oo nga pala. Sa Pilipinas na ko magtra-trabaho. Tinatamad pa nga akong mag-apply. Mabuti pa ngang matulog muna ako. Ang dami kong satsat kahit kailan. Psh. 

*tap tap* 

May nararamdaman akong tumatapik sa braso ko. Ish tulog muna ko. Wala pa to. 

"Suzzane gising na." shit. 

At yun naramdaman ko na bumababa na yung eroplano kaya nagising na ko. 

Inayos na namin yung mga dinala namin. Nakita ko na nakatirik talaga ang araw. Kaya magsha-shades ako. Oh taray diba? 

(NASA PICTURE PO YUNG ITSURA NI SUZZANE) 

Then pagkababa namin ng airplane deretso baba agad kami malamang. Then ang dami parin talagang tao na nasa airport ngayon. Then maya-maya may narinig akong sigaw sa mga taong naghihintay or nagsusundo sa mga kararating lang. 

"AYUN NA SI SUZZANE!" 

"OH AYUN NA DAW DUN NA TAYO!" 

Boses agad ng tatlo kong kaibigan ang sigaw ng sigaw. AT eto namang si Madge picture ng picture sakin. May flash pa. Pinagtitinginan na tuloy ako. Nang makalapit kami sa kanila yumakap agad ang apat kong kaibigan. Grabe hindi pa rin nagbabago mga itsura nila. 

"Suzzane! Pumuti ka lalo! Nagmukha ka ng foreigner! Tapos tumangkad ka pa!" sinabi ni Noreen. 

"Eh ganun talaga mana sa inyo eh. Hahaha" sinabi ko naman. 

"Lalo kang gumanda promise!" sinabi naman ni Khyla. 

"Che! Nagbiro ka pa!" then next naman na nakita ko na yumakap sakin ay sila Ralph,Tom at Gerald. Si Tom naman ayos na kami niyan kasi hindi na niya ulit niloko si Faye at nag-usap na rin naman sila. 

Then pagkatapos nun si Madge naman yumakap sakin. Medyo matagal kaming nagyakap. Namiss ko talaga to. 

"Huy Madge namiss na kita! Ano rockstar ka na ba? Haha." 

"Gaga ka! Umiyak kaya ako nung nalaman kong umalis ka kaagad." 

Nag-usap usap lang kami at nagkwentuhan hanggang sa van. Parang kulang kami? Ah sila nanay at Coleen! I think nasa bahay sila. Sabi kasi nila may lunch daw na nakahanda sa bahay. Tapos kakain daw kami. 

Madami na rin nagbago sa Pilipinas sana naman makapag-apply na ko kaagad ako ng trabaho,alam kong sa panahon ngayon sobrang daming nag-aapply,sobrang dami na rin ang natatanggap =__________= 

Pagkarating namin sa bahay, hayyy naamoy ko na naman ang bahay namin na wala namang kaamoy-amoy. Nakita ko agad sila Ate Linda na nagwawalis malapit sa fountain at syempre ako naman ginulat ko pa. 

"BWAA!!" 

"AY!" biglang nabitawan ni Ate Linda ang walis at tinignan ako. Then lumaki ang mata niya na parang namangha sa nakita niya. 

"SUZZANE!! IKAW NA BA YAN?!" sinabi niya habang tinitignan ako sa mula ulo hanggang paa,ako naman tumatawa lang .

"OPO Namiss ko po kayo! Ganun pa rin po ang itsura niyo! Batang-bata pa rin!" niyakap niya ko bigla at syempre ako rin naman. 

Hinatid na ko ni Ate Linda sa loob at grabe ang ayos ng bahay. Dumeretso agad kami sa dining area at nandun ang mga pagkain. Nakita ko si nanay na nag-aayos. 

"Nanay!" lumingon siya at tumakbo naman ako agad sa kanya at niyakap siya.Grabe namiss ko talaga siya. 

"I miss you so much Suzzane! How's Pennsylvania?" nakita ko na nakatingin rin sakin sila Madge kung ano isasagot ko. 

"Well it's fine,maganda ang weather dun. Pero i think mas gusto ko dito kahit sobrang init." then ayun umupo na kami sa mga upuan para kumain. Pagkatapos kumain na rin naman agad kaming magkakaibigan at si tatay. Pati nga si Ate Linda sumabay na Haha. 

Madami kaming ginawa kagaya ng picturan at kwentuhan ulit. Pero may napansin ako ng kulang talaga .

"Nay nasan nga pal---" may biglang nag doorbell. 

"Oh ayan na ata sila!" pumunta si nanay sa pintuan at kaming lahat ay medyo naging silent. 

At ayun... nakita ko na ang kulang.. Si Coleen... Pero meron pa siyang kasama..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Si Jarren.

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon