Chapter 17

3K 37 0
                                    

Hayy wala parin pinagbago yung kalye namin. Ang dami paring bata! At yung mga bata talaga kapag may nakitang kotse napaparating, tinitignan pa kung sino yung nasa loob. Ganyan din kami nung bata pa kami nila Faye,Khyla at Noreen eh. 

Huminto na ang kotse ng makahanap na kami ng pag-paparking-an. Nakikita ko sa bintana ng kotse ay yung mga tao ay nakatingin sa kotse at siguro tinitignan kung sino yung nasa loob. Minsan lang kasi in forever ang dumadaan na kotse dito. 

Nag-ayos muna ko ng buhok,uniform at kinuha ang mga invitations na ibibigay. Napansin ko na parang humahaba na buhok ko at hindi na siya sobrang kulot kagaya ng dati. Hayy kinakabahan akong bumaba. Ewan ko kung bakit. Siguro excite lang toh. 

Pagkababa ko yung mga reaction nung mga tao ay... 

"AYY!" 

"Ay si Suzzane" 

"Shet pare si Suzzane ba yan? Suzzane!" 

Tumingin ako sa tumawag sakin. At yun nga pala yung lalaking kasama rin namin nila Faye sa pagtambay sa pisonet-an at lagi akong inaasar na tomboy. Wahaha! Tignan mo naman itsura ko ngayon. 

"Oh? Jake?" Jake ang name niya :) 

"Hala? Nagbago ka na! Diba pards tawagan natin?" ay di ko masyado matandaan. May itsura din toh. Sakasongalang laging pawis na pawis. Paano basketball ng basketball =____= 

"Ay sorry pards! Grabe tumangkad na ko noh? Haha. Oh ano ka ngayon? Kung maka-tomboy ka sakin dati eh noh!" kunyari nalang ay na-alala ko yung "pards" . 

"Naks! Ang ganda ni pards! Parang hindi na ata masyado kulot yung buhok mo? Ang dami ng nagbago sayo!" tinignan niya ko mula ulo hanggang paa at tumawa lang ako. Maya-maya may tumawag sakin...

"SUZZAAANNNEEE! Diyos ko! Napaka-ganda mo na! Napakatangkad. Ang dami ng nagbago sayo!" niyakap niya ko at niyakap ko rin ng mahigpit si Tita. Yung mga kapitbahay talaga namin masyadong chismosa.. Yung iba pinagbubulungan pa ko. Hayy.. 

Pumasok ulit ako sa bahay at sumalubong sakin si Chacha! Yung aso kong napaka-cute! Niyakap ko ito at nagsalita ulit si Tita. 

"Ay naku Suzzane! Naririnig ko yan minsan na umiiyak sa kulungan niya. Tapos minsan hindi na lumalabas ng kulungan! Ngayon lang naging ganyan yan. Kung gusto mo kunin mo na si Chacha para maalagaan mo na rin." lumaki ang mata ko at napabitaw sa yakap kay Chacha. Kasi.. Hindi naman sakin si Chacha eh. Ako lang yung nag-aalaga kaya nagreact agad ako.. 

"TALAGA PO?!?!" sigaw ko. 

"Oo naman!" 

Niyakap ko si tita at nagpasalamat ako. Binigay ko na rin yung invitation at aattend daw sila kasama si Jake. Nagtagal din ako dun at pagkatapos naming magpalipas ng oras. Umuwi na rin ako. 

Gumawa ako ng assignments ko at maya-maya pumasok si tatay sa kwarto. 

"Oh tay? Bakit po?" tanong ko.

"Bukas nga pala yung photoshoot mo for your birthday." sinabi niya.

"Hah? Kailangan pa po ba ng ganun?" tanong ko 

"Syempre naman anak! At tsaka bukas narin tayo pupunta sa mananahi para magawa na yung gown mo. Kaya dapat maaga kang uuwi." tumango ako habang nakangiti. Sasara palang sana niya ang pinto para umalis pero nagsalita ulit ako. 

"Salamat Dad." napahinto siya at nakangiti siya sakin 

"You're welcome anak. Tapusin mo na yang homeworks mo ha. Sige bye." 

Nag-bye narin ako. Konting sulat nalang ay matatapos ko na toh. Nagseasearch ako sa Google ng answer pero biglang may tumawag. 

Unknown yung number eh. 

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon