Chapter 24

2.6K 28 0
                                    

Suzzane's P.O.V. 

"Urgh.." 

Uminat ako at dumilat.. Bigla akong bumangon dahil iba ang kama na hinihigaan ko,iba ang kwartong nakikita ko,iba ang bahay na tinulugan ko! WWWAAAHHH! Nasaan ako?! 

Infairness ah,maganda yung bahay. Tumayo na ako at hinanap ang pinto papalabas,nadaanan ko rin ang isang salamin at tinignan ang itsura ko. Psh! Ang gulo ng buhok ko at bakit naman naka-cocktail dress ako? Saan ako pumunta? Nag-ayos ako ng damit at yung buhok. Hindi muna ako umalis ng kwarto,tinignan ko pa ang paligid o itsura ng kwartong ito. 

Malaki din yung kwarto pero mas malaki yung akin,simple lang pero ang ganda tignan. Nagulo ko rin pala yung kama. Inayos ko na ito agad-agad pagkatapos kong ayusin,aalis na sana ako pero nakita ko si Jarren na nakatayo sa pintuan. 

"WAAAHHH!!" sigaw ko,syempre di ko naman inaasahan na nandun si Jarren sa pinto. Siya rin nagulat dahil sa sigaw ko at tsaka naman siya nag "Shh" sign. 

"Wag ka ngang maingay!" lumapit siya sakin pero lumayo lang ako at yun ang dahilan na napa-higa ako sa kama,pero tumayo ulit. 

"WAG KANG LALAPIT! Bakit ka nandito?" tanong ko na natataranta,pero nagsmirk lang siya. 

"Teka? Bakit ka ngumingiti-ngiti diyan? H-huwag mong sabihin na bahay mo ito at ikaw ang nagdala sakin dito?!" sigaw ko. Nawala na yung pagngiti-ngiti niya nung sinabi ko ito.  

"Psh,pwede ba kumalma ka? Para kang tanga. Tsss,utak kanto kasi eh." Nanlaki ang mata ko at napanga-nga sa sinabi niya dahil parang nagyabang pa siya na akala niya napaka-taas niya! Grr! Hindi ko napigilan na ibato sa kanya yung unan. 

"Aray ano ba?!" sigaw niya. 

"Arte mo! Daig mo pa ang bakla! Unan lang yan. Utak maarte kasi eh." haha nakabawi na ko! 

"Hey i'm not gay! Dinala kita dito dahil lasing ka kagabi,nakakahiya ka. Nasa club ka kasama mo si Madge,di ko akalain na sumama ka kay Madge at nagpaka-lasing ka!" sigaw niya.

"Teka lasing ako?" tanong ko pero mahinahon na ko dahil nag-alala bigla ako sa mga nangyari. Ni hindi ko manlang alam kung ano pinag-gagawa ko. 

"Hindi. Joke lang yun." bwisit na lalaki toh! Napaka-pilosopo! Ang sama talaga! 

"Teka bakit dito mo ko dinala? Bakit hindi sa bahay ko?" tanong ko. 

"Sa tingin mo matutuwa tatay mo kapag nalaman ng tatay mo na lasing ka?" sabi niya. Tsss bakit ako lasing kagabi? Nakakainis naman! 

"Sa tingin mo din ba matutuwa si tatay kapag di ako nakauwi?" siya naman ngayon walang masagot. Aalis na sana ako ng kwarto pero pinigilan niya ko,hinawakan niya ko sa braso. 

"Sandali lang.." sabi niya pero parang pabulong lang eh. 

"Bakit na naman?" 

"Mag-ayos ka... ang panget mo." ABA?! Kala mo napaka-pogi kung makapagsalita?! 

"Bakit pogi ka?" tanong ko. 

"Bakit may sinabi ba ko?" BWISIT! Wala na kong magawa kundi mag-ayos nalang. 

Umalis kami sa kwarto pero hawak-hawak parin niya yung braso ko,parang kinakaladkad ako pero yung maayos na way. 

"Teka san mo ko dadalhin?" tanong ko . 

"Basta! Tumahimik ka nga muna diyan!" sigaw niya. Wala akong ginawa kundi tumili dahil baka kung ano gawin sakin netong lalaking toh. 

"Shh! Huy huy! Wag ka ngang maingay,mamaya kung sino pa makarinig satin! Kung ano pa isipin. Isa pang sigaw mo,hahalikan kita." Wait what?! shh Suzzane,wag kang sisigaw. Ayokong makipaghalikan sa isang palakang napakasungit. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now