Chapter 4

3.8K 50 3
                                    

Author's Note
Si Khyla po yung nasa picture! 

Jarren's P.O.V.
Grrr! Kung hindi dahil sa babaeng yun,hindi ako mapapagalitan ulit. Teka tama bang sisihin ko siya? 99% na tama na dapat ko siyang sisihin. Pero .... Pero bakit hindi ako 100% sure na tama siyang sisihin? Dahil ba sa kanya? Parang dahil kasi sakin eh,pwede ko naman kasing ipakita nalang yung I.D. ko sa guard. HE! Ayoko! Siya sisihin ko sa lahat! =______= Ma-chat nga tong si Bhoxz =__= nakakabwisit na pangalan! Sh*t!

"HOY!" tinype ko,kapag all-caps at may exclamation point that means i'm shouting and i'm mad.

Habang nakikinig ako ng mga kanta ni Jason Mraz tumitingin ako sa wall ko sa FB at ayan na nagreply na siya!

"b4k1t p0wxz?!" shit! WTF?! Bakit ba ganito siya magtype?! hayyy naiintindihan ko naman yung sinasabi niya pero bakit kailangan gamitan ng numbers,letter x at z?! Put*! May kapangsanan ba yung keyboard neto? Pakonsulta natin =_______=

"Alam mo bang napagalitan ako ng owner ng school namin,principal at ng parents ko?!" sinabi ko ito.

"t4Ka b4k1t h1nDi m0 s1n4bi s4 pAr3nTs m0 n4 n4bUr4 y4nG b4R c0de m0?" sinabi niya,nakakainis naman tong magtype!

"Eh wala ka na dun! Gago ka! Ang panget mo na nga... ang panget pa ng mga pictures mo.... ang panget mo pa magtype.... at ang panget pa ng ugali mo! Pagbabayaran mo yung ginawa mo!" sinabi ko. Wala akong pakialam kung nasaktan ko siya o hindi. Dahil gusto kong gumanti sa mga babae... Yes... lagi nila kong sinasaktan. Ngayon magpapakasama ako.

Matagal siya bago magtype at pansin ko nagoffline siya ng mga 4 minutes at nagonline ulit at sinabing..

"Hoy wAg m0 kOng mAmUra MurA hA! K4yA k0ng mAgtYpE nG mAayOs pErO gAnItO lAnG. gRaBe kA kAilAnGan kO nG rEspeTo hIndi HusgA!" sinabi niya. Haha! Nasaktan ko siya. K bye. Nagoffline na ko at natulog na lang. Hmmm i hate this girl!

*****************************************************************************************************
Suzzane's P.O.V.
Grabe chinat niya ko. Wow ha? Matignan nga...

"HOY!" wow anong problema niya? Bakit kailangan all-caps at may tandang padamdam? Alam ko yung tandang padamdam kahit papano,dahil natatandaan ko pa ito nung Grade 1 XD

"b4k1t p0wxz?!" tanong ko. Haha oo jejemon ako eh.

"Alam mo bang napagalitan ako ng owner ng school namin,principal at ng parents ko?!" aba ako ba may kasalanan? Tiyak hindi yung bar code ang dahilan . Hmm leche to ah.

"t4Ka b4k1t h1nDi m0 s1n4bi s4 pAr3nTs m0 n4 n4bUr4 y4nG b4R c0de m0?" ay takte nakalimutan kong ayusin yung pagtytype ko. Baka naiinis na yun.

"Eh wala ka na dun! Gago ka! Ang panget mo na nga... ang panget pa ng mga pictures mo.... ang panget mo pa magtype.... at ang panget pa ng ugali mo! Pagbabayaran mo yung ginawa mo!" HALA?! Grabe yung sinabi nung lalaking yun! Grabe... Nasaktan ako sa kanya..! Kailangan kong gumanti sa sinabi niya! Grabe nakaka... o.... offe... Ano bang tawag dun t*ngina naman!

Magtytype na sana ako ng biglang...


















NAG-TIME =__________=
Patay.. Wala na kong piso na panghulog,oo nga pala nakapisonet lang ako! Masyado ko namang fineel na sakin yung computer. Kinuha ko yung piso na nakita ko sa paa nung katabi kong nagcocomputer din,busy siya,naglalaro ng Crossfire. Kinuha ko yun at hinulog ko at nagrestart yung computer putek!

Hindi nagtagal nagtype na ulit ako sa kanya ng...

"Hoy wAg m0 kOng mAmUra MurA hA! K4yA k0ng mAgtYpE nG mAayOs pErO gAnItO lAnG. gRaBe kA kAilAnGan kO nG rEspeTo hIndi HusgA!" tinype ko ito. Nung tinatype ko pa ito,hindi ko napigilan ang aking luha na lalabas sa mata ko at nasaktan talaga ako sa sinabi nitong lalaking toh.

Ganun na ba kababa ang tingin niya saming mga tambay? Kaya naman naming magbago eh,pasensya na rin kung ganun kami pero bakit ganun? Kailangan daanin niya sa mura yung ayaw niya sakin? Pagkatapos magtime nung computer umalis ako at umuwi sa bahay.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa kwarto ko at sa tingin ko hindi magiging masaya sila mama at papa kung makikita akong ganito. Pumasok sa isip ko ang mga mangyayari kung makikita ako nila mama at papa ng ganito... yung mga sinabi ni Jarren... yung itsura ko.... Magbabago na ba ko? Hayy..

8:00 P.M. na at kailangan ko ng paliguan si Chacha. Eto ang pinaka-ayaw ko eh! Yung papaliguan ko siya,kung pano siya tumahol,kung pano siya makatingin sakin,kung pano pumiglas sakin. Parang ayaw na ayaw niyang magpaligo! Ang ginawa ko sa kanya ay hinagis ko siya sa batsa ng maligamgam na tubig. Oo maligamgam,dahil ayaw niya ng sobrang lamig at sobrang init. Diba? Nadaig pa ko ng isang mabalahibong malanding aso. =______= Pagkatapos nun ako naman ang naglinis ng katawan at nagsipilyo at naghilamos. Sinuot ko na rin yung pajama ko at maya-maya kumatok si Tita at may sinabi...

"Oh! Buti nalang hindi ka pa nakakatulog!" tuwang-tuwa niyang sabi..

"Bakit po tita?" tanong ko..

"Halika dito basahin mo yung text ng tatay mo dali!" sinabi niya na parang nanalo sa lotto pero nung narinig ko yung salitang "tatay" nainis ako.

"Wag na tita,si tatay pala yan." sinabi ko

"Ay ano ka ba! Tatay mo yan! Ikaw talaga! Oh sige babasahin ko nalang para sayo.. Oh eto yung text niya ah.. (umubo pa siya ng akala mo magtutula) Pasabi naman sa anak kong si Suzzane na pupunta ko diyan sa bahay at may sasabihin sa anak ko. Gusto ko siyang makita dahil ang tagal ko na siyang hindi nakikita eh. Sana masabi mo ito sa kanya para makapaghanda siya. Oh ano?! Hindi ka ba excited?!" bumalik ulit yung ngiti niya at humiga nalang ako at sinabing ...

"Sige na po tita good night na po,oo na po excited na ko." umalis na siya at nag-goodnight din. Pero sa totoo lang.. Hindi ako sabik na makita siya,iniwan niya ko kala tita at tito na hindi naman kayamanan at syempre sila... Nahihirapan tapos dadagdag pa ko sa bahay nila. Nakakainis,kahit naghiwalay sila ni mama sana naman inalagaan nila ko. Hayy naiiyak na naman ako,antok lang toh. Natulog nalang ako..

***************************************************************************************************
Jarren's P.O.V.

Ano ba yan! Hindi ako makatulog! Di ko pa rin nakalimutan yung sinabi ko kay Suzzane! Kailangan kong bawiin yun... Ay wag na.... Sige na nga.... WAG NA! HAYY =__= di ko alam ang gagawin ko. Ayoko namang bawiin yung mga sinabi ko at magsorry dahil alam ko namang hindi niya tatanggapin. Tsss naku ta-try ko nalang matulog. Isipin ko nalang... Pag nakatulog ako.. Hahalikan ako ni Taylor sa lips kapag nakatulog ako.

Sa wakas nakatulog ako at papasok na ko,naligo na ko at nagbihis. Parang pansin ko may magandang mangyayari ngayon ah. Kaya kailangan special ako ngayon. Papakita ko na yung I.D. ko sa guard,tatahimik na ko,hindi na ko makulit,hindi na muna ko badboy masyado ngayon.

*****************************************************************************************************
Suzzane's P.O.V.

Shet uwian na at makikita ko na yung tatay ko.. Hindi ko ba alam kung maeexcite ba ko. Syempre kahit papano may konti ka paring nararamdaman na pagkamiss.. TATAY KO YUN EH . Pagpasok ko sa bahay,si tita lang ang tao at yung lalaking nakapormal. Siya na ba yung tatay ko? Nagulat ako ng niyakap ako ng lalaking yun.. At siya nga yung tatay ko. Hindi ko napigilang umiyak at ........ Natulak ko siya.

"Teka anak.. Ako ang tatay mo.. Hindi mo ba ko kilala?" tanong niya.

"Kung anak niyo po talaga ko at tunay niyong mahal ang anak niyo... Hindi niyo dapat ako pinapabayaan." umakyat ako at pumunta sa kwarto ko ng umiiyak.

Ilang minuto ako dun at bumaba ako. Nag-usap kami ng tatay ko pero medyo galit parin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nakita ko na siya ng personal... Sa sarili kong mata... May sinabi siya sakin na nakakagulat. Pati tita ko ay nagulat sa sinabi niya.. Ako ay natulala at lahat ay parang huminto hindi ako makapaniwala sa sinabi niya... Sa sinabi niya na....



















"Anak,gusto kitang ilipat ng school.. sa Hendersonville kung saan makakapag-aral kang mabuti at maiimproove ang grades mo. Siguradong magiging komportable ka dun.." Ayan ang sinabi niya..

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now