Kailangan lang Magtapat

2 0 0
                                    


Minsan iniisip ng karamihan
Ang pangarap ay sadyang naglalaro lang sa isipan-
ng kahit sino,
ng kahit ano,
Kabaliwan ang manirahan sa sariling mundo...

Paglabas natin sa sariling pintuan,
Nakikita ang iba't ibang senaryo na maaari nating magamit,
Pero may hapdi at sakit,
Doon matututo,
Doon malalaman ang paano at ang bakit.

'Di pa sapat sapagkat kailangang magtapat-

ang kagustuhan, ang panahon, ang kalakasan, ang natutuhan, ang problema at pagsubok.

Kahit sa bituin makipag-usap,
Kahit apoy ay kayakap,
Nasa kalsada ka lang naman
maligaw ka man sa daan,
Alam mo pa rin naman ang pupuntahan,
Kailangan mo lang subukan, pagdaanan at patunayan.

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon