Ah

10 0 0
                                    

Ah,

Abusado

Ayoko na munang sumundo

Umiikot ang buwan sa mundo

Ako

Umiikot, nahihilo

Delikado

Wag gamitin ang tuso

Mapanlinlang na puso

Hinto

Sarado pa ang pinto

Baka malito

Kandado

Huwag muna sabihin ang punto

Ngunit bintana ay hindi sarado

Matindi

Ang saya ay mahapdi

Wag manatili

Mapanglimot na sarili

Panahon ang nagsindi

Sa posporo isisi

Ngumingisi

Ang kalapati

Hindi alam ang sinukli

'Wag ng bumawi

Mapanlinlang

Nahibang

Ako'y lamáng

Ako lamang

Kahit nangangalawang

Nakakabit

Huwag muna sa akin lumapit

Naghangad

Isasagad

Ang hangganan

Matunton kaya sa daan?

ImPOSIBLE

IMposible

Ah.

ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon