Lakas Loob

28 0 0
                                    


Hahakbang na muli,

Aakyat na muli,

Gagapang na muli,

Tatakbo na muli,

Lalangoy na muli,

Paraang nagawa sa panibagong bahagi,
Mahirap tumanggi,
Mahirap ang walang lakas ng loob,
Nitong pagsuko sa pagsubok,

Nadadapa,
Nalalampa,
Nalulunod,

Sa pangarap na ninanais makamit,
Napagdadaanan ang delubyo,

Nakakapagod na umulit,
Nakakapagod na masaktan,
Nakakapagod na matanggihan,
Pero mas nakakapagod tumitig sa layo ng ating sinimulan,
Kailan muli makakausad?
Binibilang ang ngiti't tagumpay,
Binibilang ang luha't pighati,
Tila namamahinga ang umaga at ang gabi,
Hihiga na naman sa basang unan sabay bukas ay babangon muli,
Pagsubok sa pagsuko?
Pagsuko sa pagsubok?
Kailangan lang ng lakas ng loob.

IDove le storie prendono vita. Scoprilo ora